CHAPTER 1
“HAPPY birthday!” sabay sabay na bati ng mga dumalo sa twenty-first birthday ni Arriana.
Nothing seems to have changed. Every year, since Arriana’s parents bought the private island ay doon na idinadaos ang mahahalagang mga pagdiriwang sa kanilang buhay.
As Arriana grows older, she becomes more and more like the spitting image of her mother. She has those eyes na napaka-expressive, bilog na bilog at may mahahabang pilik. Her nose is perfectly pointed at may manipis at natural na mapulang labi. She never cut her hair short. She likes it long dahil kahit dalaga na ay fan pa rin siya ng mga mermaids. Tila trademark na ng mga serena ang kanilang mahahaba at magagandang buhok.
Mas lalong madalang na siyang makasama sa isla tuwing magpupunta ro’n ang kanyang pamilya dahil sa abala na rin siya sa pag-aaral. Kaya sa tuwing may pagkakataong makapunta ro’n ay hindi niya pinalalagpas. Their island is her favorite place in the world.
“How’s my baby? Are you enjoying the party?” tanong sa kanya ng inang si Mariella.
“Super, Mom! Thank you so much sa inyo ni Daddy. You never fail to give me the best birthday every year.” Niyakap niya ang kanyang ina. “But only one thing, Mom, please, please stop calling me baby. Ang tanda ko na.”
Her mother is everything to her. She is her mother and best friend, rolled into one. They could talk about anything. Wala siyang inililihim sa kanyang ina.
“Why?” kunot ang noong tila protesta ni Mariella. “Kahit lumaki ka pang kasing laki ng dambuhala, forever ka pa ring baby girl namin ng Daddy mo,” anito. Tumaas ang kilay ni Mariella. She gave her daughter a stern look. “You don’t want me to call you baby anymore kasi malaki ka na, o baka naman may boyfriend ka na. Hindi mo lang sinasabi sa akin.” Nag-itsurang tampo ito at tinalikuran ang unica hija habang nakakrus ang dalawang kamay sa ilalim ng dibdib.
“Mom!” angal ni Arriana. She made her mom face her. “Wala! And if there is, you’ll be the first to know. No secrets between us, remember? Besides, wala pa naman po iyan sa isip ko. I will not break my promise to you and Dad. I’ll finish my studies, para someday I’ll take over Dad in our company, so he won’t need to work anymore. And then, you can spend the rest of your lives together making more memories.”
“That’s too sweet of you anak. But you should not stress yourself out about the company. Don’t think so much about it. You should enjoy your life, too,” ani Mariella. “You are only young once, anak,” paalala nito sa anak.
“Yes, Mom. I’ll remember that,” nakangiting tugon ni Arriana.
“Ayaw kong tumanda kang dalaga dahil sa amin ng Daddy mo. Huwag mo kaming masyadong intindihin. We’re ok. We want you to live the way normal girls do. Besides, gusto naming magkaapo ng Daddy mo someday.”
“Mommy, isn’t it too early for you to say that?” ani Arriana. Parang gustong magsitayuan ng mga balahibo niya sa sinabi ng ina.
“Ano ang masama? Totoo naman ang sinasabi ko,” wika ni Mariella. “Hindi ko naman sinabing agad agad. Kaya nga someday ‘di ba? Hindi pa yata bagay sa akin ang maging lola.” Tumawa ito.
“You’ll always be forever young, Mommy. Your beauty is immortal.” Humilig si Arriana sa balikat ng kanyang Mommy.
“Alam mo, anak, walang dudang mana ang ganda mo sa akin, pero ang pagiging bolera mo, sa Daddy mo namana.”
“Nope,” ani Arriana. “What Dad and I have in common is that when we compliment, we always mean it. I love you, Mom! For Dad and me, you are the most beautiful woman in the entire Universe.”
Napalingon sila kapwa nang kunwari ay umubo si Henry mula sa kanilang likuran. Kasama nito si Adrian na hindi maialis ang mga mata sa mga bisitang babae ng kanyang ate. Maglalabing-apat na taong gulang pa lang ito ngunit kung umasta ay para nang binata.
“Sabi ko naman sa iyo, Honey, hindi kita binobola,” wika ni Henry at saka lumapit sa asawa.
“Oo na, sige na!” buntong hininga ni Mariella. “Naniniwala na ako dahil dalawa na kayong nagsasabi!”
“Anong dalawa?” sabat ni Adrian. “It’s the three of us, Mom. For us, no one compares to you.”
Napailing si Mariella. “Nahawa na rin ang bunso ko sa pagiging bolero mo, Hon!” natatawang wika nito.
“Aba, wala akong kinalaman diyan!” ani Henry. “Kaya ko nga ito hinatak dito kasi halos lumuwa na ang mga mata sa kakatingin sa mga kaklase at kaibigang babae ni Arriana.”
“Hindi po, ah!” tanggi ni Adrian.
Nilapitan ito ni Arriana at piningot ang tainga, “Ikaw ha, ang bata bata mo pa, gumaganyan ka na!”
“Aray, ate!” napapangiwing sabi ni Adrian.
Napangiti sina Henry at Mariella. Kay bilis ng panahon. Ang mga baby nila, dalaga’t binata na ngayon.
Pagkalipas ng ilang araw pagkatapos ng selebrasyon ng kaarawan ni Arriana, ay balik normal na naman ang lahat.
“Isang taon na lang po Mommy, Daddy, ga-graduate na ako,” wika ni Arriana habang nag-aalmusal sila. “Wala po akong ibang gustong gawin kundi mapasaya kayo.”
“We are so blessed to have a daughter like you, Arriana,” wika ni Henry.
Ngumiti si Arriana. “I certainly want to work in our company after I finish my studies. I will work hard. Inalagaan ninyo kami ni Adrian for many years. I want to give back. Gusto kong ako naman ang mag-alaga sa inyo. Gusto kong mag-relax na lang kayo, at ako na ang bahala sa company. I won’t disappoint you.”
Hinawakan ni Mariella ang kamay ng anak. “Anak, ano ba ang sinabi ko sa ’yo?” anito. “’Di ba ang sabi ko, i-enjoy mo muna ang buhay mo? Gusto kong maging masaya ka, anak. Hindi mo kami responsibilidad ng Daddy mo. Hindi namin kayo pinapag-aral ng kapatid mo para suklian kami balang-araw. Gusto lang namin ang magandang kinabukasan para sa inyong dalawa. Maayos amg buhay natin ngayon. We have more than enough, but nothing is constant in life. Cliché as it is, edukasyon lang ang yamang hindi nananakaw.”
“But, Mom, I know what I want. At kapag magawa ko na ang gusto ko, magiging masaya ako. At ang gusto ko, tulungan kayo. Ang gusto ko, wala na kayong ibang intindihin ni Daddy kundi ang isa’t isa. If you want, you can travel the world and go wherever you want. Or simply be together and do things that you both love. Iyan lang po ang gusto ko. Iyan ang pangarap ko. I don’t want anything else. I just want you to be happy because your happiness is my happiness, too.”
Nagkatinginan na lamang ang mag-asawa. Nakikita nila ang paninindigan ni Arriana sa mga sinasabi nito. Mukhang wala na silang magagawa para mabago ang isip nito.
Their conversation was interrupted when Henry’s phone rang. He picked it up immediately.
“I need to go,” wika nito makaraang matapos ang pakikipag-usap sa tumawag sa kanya. “I have a meeting with a possible client,” anito.
“Sino?” usisa ni Mariella sa asawa.
“Anak daw ng may-ari ng Therese Shipping Lines.”
“Ah, ang anak pala ng may-ari ang naging successor ng kompanya,” wika ni Mariella.
“He must be good,” namamanghang wika ni Henry. Paano ba naman ay bigla na lang ulit bumalik sa limelight ang Therese Shipping Lines. In a short time, it was able to rise as the largest shipping business in the country once again.
Napangiti si Henry nang maalala kung paano nila nabili ang isla thirteen years ago...