CHAPTER 2

1550 Words
“SO, what do you think?" Sunod sunod na tango ang isinagot ni Henry. Sa sobrang saya ay napayakap sa kanya ng mahigpit ang asawa. "Siguradong matutuwa ang mga bata!" nakangiting wika ni Mariella. "'Huwag muna nating sabihin sa kanila. Saka na kapag nakahanap na 'ko. Or better yet, saka na lang natin sabihin sa kanila kapag nakabili na tayo. It won't take too long, magpapatulong ako kay pareng Ed para nakahanap ako ng magandang isla." And they agreed. Kaagad pinuntahan at kinausap ni Henry si Ed. "I know someone, pare, na nagbibenta ng isang private island. The thing is may kalayuan. Ang totoo niyan, I was planning to buy another island para gawing isang resort kaya pinuntahan ko rin ang ibinibenta niya. Sobrang ganda ng island, but my wife insisted not to buy it. She said she had already negotiated with another seller, and she gave her word na bibilhin niya na 'yong island. Wala na akong magagawa. Alam mo naman, si misis ang boss ko," natatawang sabi ni Ed. "If you're interested, pwede kitang samahan." "Talaga pare?" natutuwang wika ni Henry. "Of course! Hindi naman ako busy, e. You can tell Mariella to come with us, para makita niya rin iyong island na sinasabi ko. Call her now, at tatawagan ko rin si Mr. Holmes. Siya ang sinasabi kong nagbibenta ng isla." Nasasabik na tinawagan ni Henry ang asawa. Tiyak na matutuwa ito sa ibabalita niya. "Really, Hon?" tila hindi makapaniwalang saad ni Mariella. "Ngayon na ba? Paano ang mga bata?" "Ihatid mo na lang muna sila sa bahay ng lolo at lola nila. Ikaw na ang bahalang gumawa ng alibi," tugon ni Henry. Napanguso si Mariella. Ano naman kaya ang idadahilan niya sa mga anak niya kung bakit parehas silang mawawala ng kanilang Daddy? Pagkatapos nilang mag-usap ni Henry ay kaagad siyang naghanda. Nang maihatid niya ang mga anak sa bahay ng mga magulang ni Henry ay dumeretso na siya sa bahay ni Ed, at sinalubong siya ng asawa. "Buti hindi ka nahirapang magpaalam sa mga bata," wika ni Henry sa asawa. "Akala ko nga mahihirapan ako e. Pero, naniwala naman sila sa sinabi ko," natatawang sabi ni Mariella. "Bakit, ano ba ang sinabi mo sa mga bata?" "Ang sabi ko mag-di-date tayo." Napangiti si Henry. "Why not? I mean, you just gave me an idea." "Ano ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Mariella. "Let's make this a date! Going together to an island is very romantic. Wala ang mga bata..." Inakbayan ni Henry ang asawa. "Sus! Wala nga ang mga bata, kasama naman natin si Ed." Her lips pouted. Natawa si Henry. "Huli ka!" Kiniliti niya ang asawa. "Na-mi-miss mo na ako, ano?" Kinabig niya ang asawa at hinagkan sa noo. "Tinatanong pa ba iyan? I really miss you, Hon!" tugon ni Mariella habang nakaaangat ang tingin kay Henry. "Nagsiselos na nga ako sa trabaho mo, e, mas marami ka pang oras sa work kaysa sa akin, kaysa sa amin ng mga anak mo." "Aba!" natatawang bulalas ni Henry. "Mukhang malala na nga yata ang tampo ng misis ko, ah. Ngayon lang kita narinig na nagreklamo," anito. "Okay, ganito, kapag nabili na natin ang isla na sinasabi ni pareng Ed, mag-li-leave ako. Kakausapin ko na lang si Gerald na siya na muna ang bahala sa kompanya habang wala ako." He's talking about their company's COO (Chief Operating Officer). Mariella smiled, and Henry kissed her forehead. "Alam ko namang marami akong pagkukulang sa inyo ng mga bata, lalo na sa iyo. I know, sometimes you feel like it's your Dad's company that I married and not you. I love you, but I have to keep my promise to your father na aalagaan ko at palalaguin ang negosyo ninyo. I owe him a lot. Kung hindi dahil sa kanya, hindi kita makikilala. Hindi ko sana misis ngayon ang pinakamagandang babae sa buong mundo." Kinilig si Mariella sa tinuran ng asawa. "Bola!" wika niya. Henry used to work for her father in their company before. Henry came from a simple family- hindi mayaman at hindi kilala. Ngunit hinangaan ito ng ama ni Mariella dahil sa kabaitan nito, katapatan at kasipagan sa trabaho, at higit sa lahat, sa katalinuhan nito at dedikasyon. Henry became an asset to their company. Mariella met him when she came home from California, where she finished college. The first time they laid their eyes on each other, there was an instant attraction. Nang dahil kay Henry, nagkaroon ng interes si Mariella sa larangan ng negosyo. Nang humalili si Mariella sa kanyang ama sa pamamahala sa kanilang kompanya, naging mas malapit pa sila sa isa't isa. Hanggang sa tuluyan na nga silang nagkahulugan ng loob. And when it was about time for them to reveal their relationship, hindi tumutol ang ama ni Mariella. Sa halip, ay labis ang tuwa nito dahil sa tingin nito si Henry lang ang lalaking nababagay sa kanyang unica hija. At kung buhay pa ang ina ni Mariella nang mga panahong iyon ay siguradong magiging maligaya rin ito para sa anak. Henry was an ideal husband. After they got married, si Henry na ang humawak ng kompanya. He wanted to treat Mariella like a queen. Nais niya itong pagsilbihan sa kanyang buong buhay. Hindi na nga bumalik pa sa kompanya si Mariella hanggang sa maisilang na niya ang kanilang panganay na si Arriana. "You've been working so hard, Hon. We have a good life. Tinupad mo ang pangako mo kay Daddy. I know for sure, that he is watching us right now from heaven, and I know how much he wants to tell you that he's proud of you." Sumakabilang buhay ang ama ni Mariella, tatlong taon makaraang ipanganak si Arriana. "I am in good hands. The company is in good hands. Wala nang pressure, Hon." Ngumiti si Henry. Niyakap niya na lamang ang asawa. After all, she's right. "Hey!" bati sa kanila ni Ed habang naglalakad ito palapit sa kanila. "I'm sorry, natagalan ako sa loob. I had a phone call," paliwanag nito. "Let's go!" anito. Pagkatapos ay umalis na sila. Makaraang makababa sila ng sasakyan, naglakad pa sila ng mga ilang metro. Nakatayo sila ngayon sa harapan ng isang mataas at malaking gate na kulay maroon. "What's this place, Ed?" usisa ni Mariella. Hindi pa nakakatugon si Ed ay bumukas na ang gate. "Welcome to Port Therese!" Isang matabang lalaki ang sumalubong sa kanila at nakipagkamay sa mag-asawa. Inilibot ni Mariella ang paningin. May isang malaking barkong nakadaong sa dulo ng pantalan. May ilang piraso rin ng yate ang nakahilira sa may kaliwa't kanang bahagi niyon. Mayroong ding mga speedboats na nakataob sa gilid ng kanilang dinadaanan. Ngunit ang mga iyon ay halatang luma na at napabayaan. "So, this is Port Therese,” namamanghang wika ni Henry. He recognized the place.“More or less ten years ago, out of nowhere ay parang kabuteng nag-boom ang Therese Shipping Lines ngunit bigla na lang ding hindi narinig ang pangalan nito. Ang nabalitaan ko ay namatay ang may-ari at siguro ay wala nang humawak pa sa negosyong ito. Nakakapanghinayang," ani Henry habang ipinapasyal ang mga mata sa kalawakan ng lugar. Ngumiti si Mr. Freddy Holmes. "Ang mabuti pa ay pag-usapan na lang natin ang tungkol sa isla," pormal nang wika ni Mr. Holmes. Henry wanted to ask more about TSL ngunit mukhang umiiwas si Mr. Holmes na pag-usapan ito. "So, what are we waiting for? Puntahan na natin ang isla para makita ninyo mismo," wika pa ni Mr. Holmes. Lulan ng isang yate ay tinungo nila ang isla. Mahigit dalawang oras din bago sila makarating doon. Malayo man ay ay hindi nakaramdam ng pagkabagot ang mag-asawa dahil sa ganda ng tanawin patungo roon. Hindi mapigilang mamangha ng mag-asawa sa taglay na kagandahan ng isla nang sa wakas ay matanaw na nila ito. Pinag-usapan nila ang presyo. Kahit napakamahal ay natitiyak ng mag-asawa na nararapat lamang ang halagang iyon para sa ganda ng isla. "It's so expensive, yet it looks so priceless!" nagniningning ang mga matang wika ni Mariella. May nakatayong malaking mansyon sa bungad ng isla. Napakaganda ng disenyo. Napaka-elegante! "You're very lucky," wika ni Mr. Holmes habang itinu-tour sila sa kabuuan ng isla. "Ito na ang last sa mga properties ng Therese Shipping Lines na ibinibenta nila, at ito ang pinakamaganda." "This is ours now, Hon. Hindi ako makapaniwala!" bulalas ni Mariella. "Pwede bang dito na lang tayo tumira?" Natawa si Henry. "Hindi naman pwede 'yon," sagot nito. "Pero hayaan mo, susulitin natin palagi kapag magpupunta tayo rito." All in the island looks so divine. Para na ngang nasa paraiso na ang pakiramdam ng mag-asawa. "This island is better than every place that we had been to," wika ni Henry. Sumang-ayon si Mariella. "I can't imagine kung ano ang magiging reaksyon ng mga bata kapag nakita na nila ito," ani Mariella. Napayakap siya sa asawa. Para silang ginising sa isang napakagandang panaginip nang sabihin ni Ed na kailangan na nilang bumalik. Marami pa pala silang kailangang asikasuhin- mga papeles na kailangang pirmahan upang malipat sa kanilang pangalan ang titulo ng isla. Walang halaga ang makakapantay sa kasayahang dulot ng kanilang bagong kayamanan. Para silang mga batang labis na nasasabik sa muli nilang pagbabalik sa isla. And the next time na magpunta sila roon, kasama na nila ang kanilang dalawang anghel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD