CHAPTER 3

1462 Words
SINALUBONG si Henry ng kanyang sekretarya sa labas ng kanyang opisina. "Sir! The client is inside your office. I told him that you’re on your way. " Napailing si Henry. His client must be disappointed. Hindi naman niya sinasadyang ma-late. Maaga pa naman siyang umalis, pero dahil sa traffic ay heto at parang nahihiya na siyang harapin ang kanyang kliyente. Baka sabihin nitong napaka-unproffesional niya, siya pa naman itong may-ari ng kompanya. Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga at saka ibinuga iyon. Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang kaba. Tanang buhay niya sa pagiging CEO/President ng M Global Corporation ay ngayon lang siya kinabahan nang ganito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Nang pumasok siya sa kanyang opisina ay nakita niya ang isang lalaking nakatayo malapit sa kanyang table. The man’s hands were in his pockets. Nang maramdaman ang kanyang presensya ay humarap ito sa kanya. Ngumiti ito at iniabot ang kamay sa kanya. "Finally, we met!" anito. "I'm Alexander Cervantes. Pleasure to meet you, Mr. Henry Barameda." "No, Mr. Cervantes, the pleasure is mine! And I'm sorry to have kept you waiting. I hope I didn't disappoint you. I hope my unprofessionalism didn't change your mind." "No worries Mr. Barameda. I understand. Everyone who stands in shoes like ours experiences the same not only once, but many times in our career time. There's no exception." Nakahinga nang maluwag si Henry. "So, let's talk about business?" nakangiting wika ni Alexander. "Please, have a sit!" Henry offered him. "I heard a lot of good things about your company. M Global Corporation is on top of all computer companies here in our country and is very competitive internationally. We need to upgrade our systems, and we choose you to become our partner," walang pasakalyeng wika ni Alexander. "Oh, wow!" hindi makapaniwalang turan ni Henry. "So, do we have a deal?" dugtong kaagad ni Mr. Cervantes. "Of course! Of course! Who am I to say no? It would be a great honor to be partners with you." They shook hands and closed the deal. Napapailing si Henry sa matinding amusement kung gaano kabilis ang kanilang naging negosasyon. "TALAGA?" hindi rin makapaniwalang bulalas ni Mariella pagkauwi ni Henry. "I can't believe it!" anito. "We must be so lucky!" "Yes, we are indeed!" wika ni Henry. "Si Alexander Cervantes pala ang nag-iisang anak ng may-ari ng Therese Shipping Lines. Bata pa siya. Sa tingin ko ay mas matanda lang kay Arriana ng ilang taon. Maaga lang sigurong namulat sa business world kaya napaka-mature magsalita. He's a good-looking young man." "Why do I have this feeling that I want to meet this young man?" nakangiting wika ni Mariella at saka sumulyap kay Arriana na busy sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang garden. Natawa si Henry. "I know what you're thinking, Honey." "Why, what's wrong? Malay naman natin 'di ba?" Ngumiti lang si Henry. "Next week, magkikita ulit kami ni Mr. Cervantes. Pag-uusapan namin ang tungkol sa deal." "Excited ako sa partnership ng company natin sa kanila. I have a good feeling that it will be successful," Mariella hopefully said. "Hi Dad!" bati ni Arriana sa ama. "How's your day?" "I had a great day, baby. I have closed a deal with someone big at business," tugon ni Henry. "I am not surprised. Kung ako rin po ay isang business man, hindi ako magdadalawang isip na makipag-deal sa inyo. Ang galing n'yo kaya!" puri ng dalaga sa ama. "I'm so flattered to hear that from you, anak," ani Henry. "I'm going to go upstairs first and change my clothes, ok?" anito. "Kayo na muna ng Mommy mo ang mag-usap. I think she has something to tell you." He winked at Mariella. Napatingin nama kaagad si Arriana sa ina, wondering what his dad means. "What is it, Mom?" usisa nito sa ina. "Wala, anak. Don't mind your Daddy. Lahat na lang kasi ng sinasabi ko, siniseryoso niya." "Mom!” angal ni Arriana. "Ano nga iyon?" Nagbuntong hininga si Mariella. "Anak ng may-ari ng biggest shipping line sa Pilipinas ang ka-deal ng Daddy mo." "You mean, Therese Shipping Lines? The one who was the former owner of our private island?" Tumango si Mariella. "Wow!" She's amazed. "So, what about him, aside from siya ang anak ng biggest shipping line sa country?" "Sabi ng Daddy mo, he's handsome and he's—" "And he's what?" "He's young. I think I want you to meet him." Napapitlag si Arriana sa kinatatayuan. "Kailan ka pa naging matchmaker, Mom?" natatawang wika nito. "Matchmaker kaagad?" pumalag si Mariella. "Hindi ba pwedeng, I just want you to be friends with him?" "Friends? For what?" "Hindi ba maganda iyon? Partners ang mga companies natin, tapos magkaibigan din kayo at the same time." "Nah!" naiiling iling na wika ni Arriana. "Mom, you're not really good at making palusot. I don't like your idea. It's the worst I have heard from you, frankly!" mariing wika ni Arriana. Natawa si Mariella. "Wala naman iyon, anak. Baka sakali lang naman na gusto mo. Hindi naman kita pipilitin." Niyakap ni Arriana ang ina. "I love you, Mom," lambing nito kay Mariella. " But, please, just stay being a friend and mother to me. Stop being a matchmaker. Ok?" "Ok, I promise!" ani Mariella. "But just in case you change your mind, tell me." Kunyari ay sumimangot ang dalaga. Pagkaraan ay nauwi iyon sa tawanan. Days passed. Kaarawan ni Henry. Hindi ito makapagdiwang dahil sa dami ng kailangang asikasuhin sa kanilang kompanya, lalo na ngayon na may bago silang partner. Kailangang mas pag-igihan ni Henry ang trabaho para hindi bitawan ng Therese Shipping Lines ang M Global Corporation. "Ano ang gagawin natin, Mommy? Dad is not coming home early. He's too busy!" nalulungkot na wika ni Arriana habang tinitingnan ang hinanda nilang surpresa ng kanyang Mommy para sa kanyang Daddy. "Why don't we surprise him at his office?" suhestiyon ni Mariella. "That's what I was thinking, too!" wika naman ni Adrian. "Mas ma-su-surprise po si Daddy kapag pinuntahan natin siya sa trabaho." At iyon nga ang ginawa nila. Nagmamadaling naghanda sila at nagpunta sa trabaho ni Henry. Tinawagan ni Mariella ang kompanya at sinabihang huwag ipaalam kay Henry na magpupunta sila. "Nasa loob siya?" tanong ni Mariella sa sekretarya ng asawa. "Yes, Ma'am. May kausap po siya, si Mr. Cervantes," tugon ng sekretarya ni Henry. Napatingin si Mariella sa anak na si Mariella. Naisip nitong pinagtatagpo ng tadhana ang dalawa. "What's that stare, Mom?" naiilang na wika ni Arriana. "Wala!" wika ni Mariella. "Ang sabi ko, pumasok na tayo. I-surprise na natin ang Daddy mo." She smiled. "Pero may kausap pa po siya." "Today is his birthday. It’ll be excusable," nakangiting rason ni Mariella. "Ok," Arriana sighed. They counted to ten and entered Henry's office. "Surprise!" sabay sabay nilang sigaw. "Happy birthday, Daddy!" Kapwa napatayo si Henry at Alexander. Nailang naman si Arriana nang maramdaman ang pagtitig sa kanya ng kausap ng kanyang daddy. Nagkunyari siyang hindi niya iyon napapansin. Lumapit siya sa kanyang daddy, niyakap ito at hinalikan sa pisngi. "Happy birthday, Dad. I love you!" wika nito sa ama. Sumunod na yumakap dito si Adrian, pagkatapos si Mariella. Pagkatapos ay pinahipan nila rito ang kandila sa dala nilang cake. “Happy birthday, Mr. Barameda!” nakangiting bati ni Alexander. "Thank you, Mr. Cervantes," tugon ni Henry. "Meet my family," anito at isa isang ipinakilala ang asawa at mga anak. "Finally, nakilala rin kita nang personal, Mr. Alexander Cervantes," wika ni Mariella. "Totoo pala ang sabi ng asawa ko, napaka-gwapo mo nga naman pala talaga." Bahagyang namula ang mukha ni Alexander, at napayuko ito. "Salamat po, Ma'am," anito. "At napaka-humble pa, ha!" dagdag pa ni Mariella. "Isipin mo, mayaman at galing sa prominenting pamilya, pero tinatawag akong ma'am?" Napangiti si Alexander. "At napakaganda n'yo rin po, pati na po ang anak n'yo," pahaging nito kay Arriana. "Thank you!" tugon ni Arriana. Bahagya itong tumalikod at pinaikot ang mga mata. "Presko!" pabulong nitong usal. Ewan niya ba at parang mabigat ang loob niya kay Alexander. Totoo ngang gwapo ito. He has those deep brown intimidating eyes. Tamang tama lang ang tangos ng ilong at defined ang hugis ng mukha. Iyong tipong puno ng appeal, ngunit hindi niya tipo. Naiinis siya dahil halatang kinikilig ang kanyang Mommy. Sigurado siyang paninindigan na nito ang pagiging matchmaker lalo na ngayong nakita na nito si Alexander. Gustong gusto na niyang lisanin ang office ng daddy niya dahil para na siyang matutunaw sa mga titig ni Alexander. Wala itong pakialam kahit mapansin pa ng mga magulang niya ang mga titig nito. Pakiramdam ni Arriana si Alexander ay ang tipo ng lalaking hindi nagpapaligoy ligoy. Bigla siyang kinabahan. She doesn't like the thought of what's going to happen on the following days.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD