Pagkatapos nilang isurpresa si Henry ay hinintay nila ito hanggang pagkatapos ng office hours. Pagkatapos ay sabay-sabay na silang umuwi, at sa bahay na nila ipinagpatuloy ang birthday celebration nito.
Lahat ng paboritong pagkain ni Henry ay inihain ni Mariella. Hindi rin nila nakalimutang ibigay ang kani-kanilang mga regalo. Wala namang pagsidlan ang tuwa ni Henry. Kung tutuusin, bonus na lang ang lahat dahil matagal nang naibigay ng Diyos ang pinakamagandang regalo sa kanya at iyon ay ang kayang pamilya.
"Dapat in-invite na nating sumama rito sa bahay si Alexander," wika ni Mariella.
Biglang hindi naging komportable si Arriana sa usapang binuksan ng kanyang ina. "Mom, it's Dad's birthday. It's supposed to be a family day like we usually do," wika niya. "Hindi pwedeng i-break natin ang family tradition natin para lang sa kanya." She rolled her eyes.
"Arriana's right, Honey," wika naman ni Henry. "I'll just invite him some other day."
Napairap si Arriana. May plano pa talaga ang Daddy niyang imbitahin ang Alexander na iyon sa bahay nila. She shrugged the thought off, at mawawalan lang siya ng ganang kumain. Imbes sana na masaya siya sa araw na iyon.
"'Di ba, Arriana, mukha namang mabait si Alexander?" tanong sa kanya ng kanyang Mommy. Naiirita siya. Simula nang mabanggit ng daddy niya si Alexander, lalo na nang makilala na ito nang personal ng Mommy niya ay wala na itong ibang bukambibig kundi 'Alexander'. Nakakarindi na ang pangalan ng lalaking iyon!
"Ewan ko, Mommy. Kakikilala lang natin sa kanya," tugon niya. "'Di ba po, to know a person well, it takes a lot of time?"
Nagkibit balikat si Mariella. "Pero, nararamdaman kong mabait siyang bata."
"Magkaiba ang pakiramdam natin, Mom. I don't like him. I don't know why." Tumaas ang mga balikat niya.
Nagkatinginan sina Henry at Mariella.
"Anak, hindi ka ba masyadong nagiging judgmental?" Mariella asked, looking worried.
"I'm sorry, Mom, but I'm just being honest. Kaya nga, nagtataka ako sa inyo kanina. Sabi mo, galing siya sa isang mayaman at prominenteng pamilya."
"O, hindi ba?" taas ang kilay na wika ni Mariella.
"E, hindi n'yo pa nga kilala ang pamilya niya," tugon ni Arriana. "'Di ho ba?"
"Well, kilala ng dad mo ang father ni Alexander. I mean kilala ng dad mo, hindi nga lang personal. But looking at Alexander, mukhang maganda ang kanyang upbringing." Mariella sighed. "We'll meet his parents soon. That will happen. Hayaan mo lang na makipagkaibigan si Alexander sa iyo."
"Mom, what I don't get is, why do I have to be friends with him? Ni hindi nga siya nakikipagkaibigan sa akin. Nag-a-assume lang kayo na gusto niyang makipagkaibigan sa akin."
"No, I'm not!" mariing wika ni Mariella. "I saw how he looked at you. Iba ang mga titig niya sa iyo, anak. I'll bet, any day from now, he'll come and ask you out." Halatang kinikilig ito.
"Ahem!" tumikhim si Henry. "Nag-si-selos na ako kay Mr. Cervantes ah," anito. "Birthday ko ngayon, pero siya ang pinag-usapan ng mag-ina ko."
"Blame, Mommy!" ani Arriana. "Ayaw ko nga po na pinag-uusapan ang preskong lalaking iyon, eh! Si Mommy itong banggit nang banggit sa Alexander na iyon."
"Presko raw, Honey, oh!" pang-aasar ni Mariella sa dalagang anak. "May na-si-sense akong something! Hinay hinay lang anak. Huwag mong kalimutan ang kasabihang 'the more you hate, the more you love'."
"Daddy, oh, si Mommy!" sumbong ni Arriana sa ama.
"Hon, stop it!" saway ni Henry sa asawa.
Tumawa nang malakas si Mariella. Hinagod niya ang buhok ng anak. "Nilalambing lang kita, anak."
"Mom, nakakapanibago ang style ng lambing n'yo. Hindi naman kayo ganyan dati!" nakasimangot na wika ni Arriana.
"Hindi ka rin naman pikunin dati, eh."
Napasulyap si Mariella sa asawa na nagsimula nang tingnan siya nang masama. She knew she has to stop already. Naaaliw lang siya sa reaksyon ng anak niya sa pagtukso niya rito. Dalaga na nga ito. Parang hindi pa rin siya makapaniwala.
Days later . . .
"Yaya! Pakibuksan po iyong gate, kanina pa may nag-do-doorbell," sigaw ni Arriana mula sa kanyang kwarto. Sumilip siya sa bintana, may nakaparadang kotse sa labas, ngunit hindi niya makita kung sino ang nasa tapat ng kanilang gate.
Maya-maya ay kinatok siya ng kanyang mommy. Mabilis siyang bumaba sa kama at pinagbuksan ito.
Nakangiti ang kanyang mommy. "May bisita ka," wika nito sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sino po?"
"Guess who?" tila kinikilig na wika ni Mariella.
Napabuntong hininga si Arriana. May ideya na siya kung sino. "Baka naman po si Daddy ang hinahanap, at hindi ako," aniya.
"At kailan pa naging Arriana ang pangalan ng daddy mo?"
Gusto niyang matawa sa mommy niya, pero hindi talaga niya magawang matawa. Lalong lalo na, hindi siya natutuwa. She rolled her eyes along with a deep sigh. "Ok, tell him I'll just change my clothes po." Nakapantulog pa kasi siya. Nakakainis mang isipin, kailangan niya pa ring magmukhang presentable sa harap ni Alexander.
Tuwang tuwa si Mariella. Ito na nga at nagdilang-anghel siya. Sa tingin niya pa lang kay Alexander, alam niyang may gusto ito sa anak niya.
Tinatamad pang bumaba si Arriana. Puro siya buntong hininga habang papalapit kay Alexander.
"Hi!" matamlay na bati niya sa binata. She faked a smile. Sana naman ay hindi halatang napipilitan lang siyang harapin ito, dahil sa totoo lang kusang bumabagsak ang mga balikat niya.
Kaagad tumayo si Alexander at hinalikan siya sa pisngi. Nabigla pa nga siya. Pero to be fair to him, everybody does it. Kapag talaga galing sa sosyal na pamilya, normal lang ang beso sa babae at lalaki.
Iniabot ni Alexander sa kanya ang mapupulang mga rosas na dala nito. Kaagad siyang nag-thank you.
Umupo siya sa harap ni Alexander. "What brought you here?" pormal niyang tanong sa binata.
"I just wanted to see you," mabilis na sagot ni Alexander.
"Why?" sarkastikong tanong niya ulit.
"Can I ask you out? Hindi ka ba busy?"
Only if she could roll her eyes in front of him. Only if she could frankly say no. But that would be too unmannerly.
"I'm not busy, so, of course!" sagot niya. Ipinagkanulo niya lang naman ang kanyang sarili. Gustong gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit ayaw niya ring ipahiya ang binata.
"Yes!" tuwang tuwang bulalas ni Alexander. Abot sa magkabilang tainga ang ngiti nito.
"Okay," she sighed, "magpapalit lang ulit ako ng damit. I hope you wouldn't mind waiting again."
"Nope. I wouldn't mind. Basta, ikaw!" anang binata.
Tumayo na si Arriana at umakyat ng kwarto upang magbihis.
Inis na inis siya. Mapipilitan siyang samahan ang preskong Alexander na iyon! Bakit ba kasi ang hirap tumanggi? Saan naman kaya siya dadalhin nito? Malamang magsasayang lang siya ng ilang oras ng buhay niya. Kasalanan ito ng kanyang mommy.
Hindi na siya gaanong nag-abala. Kung ano ang unang damit na nakita niya pagkabukas ng kanyang closet, iyon na ang isinuot niya. Tamang suklay at kaunting make up lamang ang ginawa niya. Kung hindi nga lang sana siya lalabas ng bahay at makikita ng ibang tao ay baka umalis na lang siya nang walang ka-effort-effort.
Kinakabahan naman si Alexander. Nanlalamig ang kanyang mga kamay. Excited siya sa unang beses na paglabas nila ng dalaga na silang dalawa lamang. Si Arriana lamang ang may epektong ganoon sa kanya. Napatayo siya nang makitang pababa si Arriana sa hagdan. She looks so beautiful in her yellow floral dress.
"Hindi ba ako overdressed?" nag-aalalang tanong ni Arriana.
Umiling si Alexander. "You're perfect."
She smiled. At least she can manage to smile, kahit ang totoo ay inis na inis na siya.
Ipinagpaalam siya ni Alexander sa mga magulang niya na singbilis pa ng kidlat na pumayag.
"Enjoy!" wika pa ng kanyang ina sa kanilang dalawa ni Alexander habang nakangiting kumakaway ito sa kanila.
She sat uncomfortably in Alexander's car.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya kay Alexander.
He smiled at her. "It's a surprise," tugon ng binata.
Ano tayo, close? May pa-surprise-surprise ka pang nalalaman,
anang isip niya. Muntik pa siyang mahuli ni Alexander nang umikot ang mga mata niya. Kinabahan siya ro'n.
Matagal tagal ding nag-drive si Alexander hanggang sa makarating sila sa Port Therese.
Dito niya lang pala ako dadalhin, surprise pa, irap niya.
"My customized yacht has just arrived yesterday. And I want you to be the first to see it," wika ni Alexander habang naglalakad sila sa may pantalan.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bagong yateng tinutukoy ni Alexander.
ARRIANA YSABELLE. Iyon ang nakasulat sa kabilang bahagi ng yate.
"Please tell me, that name isn't mine," kinakabahang wika ni Arriana. Nakaawang ang kanyang mga labi habang sobrang bilis naman ng t***k ng kanyang puso
"Yes, that name is yours," walang kagatul-gatol na sagot ni Alexander. Mukhang proud na proud ito.
Nalaglag ang panga ni Arriana sa sinabi ng binata. "Are you kidding?" aniya.
"Hindi ako nagbibiro. Come!" Walang paalam na kinuha ng binata ang kamay niya. Natulala na lang siya at inalalayan siya nito paakyat sa yate. Pagkaraan, ay umandar na ito.
"I've got something to confess. Please don't be mad," wika ni Alexander.
"What?" kinakabahang wika ni Arriana.
"Matagal na kitang kilala. At matagal na kitang gusto."
Nalaglag ang panga ni Arriana sa narinig. Pakiramdam niya ay nagsumiksik ang kanyang dila at hindi siya kaagad nakatugon.