CHAPTER 5

1519 Words
"What?" Sobrang nagulat ang dalaga sa narinig. "You see, I grew up and studied in Melbourne. So, I never really had an idea of how to be a Filipino," he chuckled. "Luckily, I met someone- Gerry. He was a new student. He was a transferee. We took the same course in college. We became buddies. He taught me everything- from your language to your traditions. It was easy for me to learn. Siguro dahil may dugo akong Pinoy. I became very interested in this country, which I should probably be. And then there comes one time, he invited me to go with him for a vacation. It was two years ako. Graduate na kami no'n. I didn't hesistate to tag along." Nagpatuloy lamang ang binata sa pagkukuwento habang si Arriana ay matamang nakikinig. "Isinama niya ako kung saan-saan. Lahat yata ng tourist spots dito napuntahan namin. Tapos, niyaya niya akong sumama sa kanya sa University kung saan siya unang nag-aral bago siya lumipat sa Australia. They were about to organize a reunion party. Doon kita unang nakita. Yes, the university I'm referring to is the university where you study." Nangunot ang noo ni Arriana. "We were sitting on a bench while Gerry was waiting for someone when you passed by us. Unang kita ko pa lang sa 'yo, alam ko nang ikaw na ang babaeng mamahalin ko habangbuhay. At magmula noon, hindi na kita nkalimutan." Arriana was left speechless. Hindi siya makapaniwala. "Tapos, nagdesisyon akong buhayin ang business namin dito sa Pilipinas na naiwan ng ama ko. I became very busy, but I have never forgotten you. Ang totoo niyan, ikaw ang naging inspirasyon ko to work hard although it wasn't a necessity. You know what I mean. I don't want to brag, but I don't need to work. Kahit habangbuhay akong hindi magtrabaho, hindi ako maghihirap. But I wanted to have my own name. Sinabi ko sa sarili ko, magpapakilala ako sa 'yo sa araw na may maipagmamalaki na ako sa 'yo." Creepy. Iyon ang naisip ni Arriana. This man is unbelievable! "And this is all for you," nakangiting dugtong pa ni Alexander. Baliw ka ba? gustong isigaw ni Arriana. "I hope I don't scare you," natatawang wika ni Alexander. She started to stutter. Ang totoo ay natatakot na talaga siya. "A-ano ba ang sasabihin ko?" "You don't have to say anything. Alam kong nabibigla ka," tugon ni Xander. Oo, sobra! In fact, she wants to go home very badly. "Ah, Mr. Cervantes, bigla yatang sumama ang pakiramdam ko." She wasn't sure of what to say, pero wala siyang ibang maisip na pwedeng idahilan upang makauwi na. Kaagad naman rumihestro sa mukha ni Alexander ang sobrang pag-aalala. "Why? Are you okay?" Sinapo ni Arriana ang kanyang noo upang isipin ng binata na masakit ang ulo niya. "I'll drive you home," maagap na pasya ng binata. Yes! Sigaw ng isip ni Arriana. Nakalusot din. Ilang saglit lang ay nakababa na sila ng yate at inihatid siya ni Alexander sa kanilang bahay. "Take a rest, okay? Don't make me worry. Give me a call kapag okay ka na," bilin sa kanya ni Alexander nang makababa na sila sa may tarangkahan ng kanilang bahay. "Yes, Mr. Cervantes," pormal na tugon ni Arriana. Gustong gusto na niyang pumasok sa bahay nila. Gusto na niyang makalayo sa freak na si Alexander. "Isang bagay lang sana Arriana- huwag mo na akong tawaging Mr. Cervantes. Xander na lang. Napakapormal mo naman kasi." "Okay, Xander?" nag-aalangang wika ni Arriana. Oo na lang siya nang oo para matapos na kaagad ang usapan. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makaalis na ang sasakyan ni Alexander. "What a terrible day!" bulalas niya. Sinalubong siya ng kanyang Mommy sa salas. "Ano, anak, kumusta?" excited nitong tanong sa kanya. "Ayaw ko sa kanya, Mommy!" kaagad niyang tugon. "Bakit, ano ang nangyari? May ginawa ba siyang masama sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Mariella sa anak. "I'm scared of him. He's a freak!" "Ano?!" gulat na wika ni Mariella. Inilapag ni Arriana ang dala niyang shoulder bag sa mesa sa gitna ng sala at saka umupo. "Hindi ka maniniwala Mommy, matagal na niya po akong kilala." "But, how?" kunot ang noong wika ng kanyang mommy. Ikinuwento niyang lahat ng kanyang nalaman. "Which made me think, Mom, that he planned all these," konklusyon ng dalaga. "What do you mean?" "Don't get me wrong, Mom. Naniniwala akong magaling si Daddy, pero sa tingin ko po, ginamit lang ni Mr. Cervantes ang kompanya natin para mapalapit sa akin." "You think so?" Napapaisip rin si Mariella. "Just think of it, Mom. Sa dami ng computer companies, in and out of the country, bakit ang M Global Corporation pa? Sa yaman ng mga Cervantes, they could have chosen another company na mas malaki pa sa atin." "May punto ka riyan, anak," ani Mariella. "But we can't judge too quickly. Ang mabuti pa, invite Alexander for dinner tomorrow. Ako ang kakausap sa kanya." "Sa tingin n'yo po, magandang ideya iyan? Hindi niya po kaya masamain?" "Kung mamasamain niya ang pagtatanong ko, e di ibig sabihin totoo ang iniisip mo tungkol sa kanya. We have to know the truth, anak. Huwag muna nating sabihin sa daddy mo ang tungkol dito. Ayaw ko siyang mag-isip ng kung ano ano." Tumango si Arriana. "But, Mom, like what I always tell you, I really have a bad feeling about Mr. Cervantes. Mabigat ang loob ko sa kanya." Hindi nakaimik si Mariella. "How can he be so dedicated to me after all these years na hindi ko naman siya kilala? Parang sigurado siyang magugustuhan ko siya sa oras na magpakilala siya sa akin. At iyong yate niya na may pangalan ko, it's like he's telling me na hindi ako pwedeng tumanggi sa kanya. Hindi pa nga siya nagsasabi ng totoong pakay niya sa akin, napaka-possessive na niya. Naninindig ang mga balahibo ko sa kanya!" anang dalaga habang hinahaplos ang mga braso. "Naiintindihan kita, anak. Hayaan mo, hindi ko naman hahayaang mapalapit ka o mapunta sa isang masamang tao. Kikilalanin ko siya para sa iyo." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Arriana. Nilapitan niya ang kanyang mommy at niyakap. "Thank you, Mom, I really need you now." Hinaplos ni Mariella ang buhok ng anak. After all, she still wants what's best for her daughter. "Wow! Really?" Hindi makapaniwala si Alexander na iniimbeta siya ni Arriana sa bahay nito. "Actually, si Mommy ang nagsabi sa akin na tawagan ka. Gusto ka niyang makausap. Okay lang ba?" ani Arriana. Medyo bumaba ang adrenaline rush sa katawan ni Alexander pero at least, makikita niya pa rin si Arriana. Okay na rin iyon. Besides, kasama naman talaga ang magulang sa nililigawan kapag gusto ng isang lalaki ang babae. Double duty, ika nga. "No problem. Tell her, I'll be there." He smiled. Pagkatapos ay ibinaba na nila kapwa ang telepono. Dumating si Alexander ng eksakto sa oras. Aba! Punctual at professional pati sa dinner! natatawang wika sa isip ni Arriana. She accompanied him towards their table. "I hope I'm not late," nakangiting wika ni Alexander. He looks a bit tensed. "You're just on time," tugon ni Mariella. "Please, have a sit Alexander. Pasensya ka na, at hindi ko naipatanong kay Arriana kung ano ang mga gusto mong pagkain. Sana magustuhan mo ang mga inihanda ko para sa iyo." Umupo si Alexander, pati na rin ang mag-ina. "No worries po, Ma'am. Hindi naman po ako mapili pagdating sa pagkain." Nagpalinga-linga ang binata. "Where's Mr. Barameda?" "Lumabas kasama ang bunso ko. Minsan na lang kasi mag-bonding ang dalawa," tugon ni Mariella. Tumango tango si Alexander. "May hihingin lang sana akong pabor, Alexander." "Ano po 'yon?" "Please don't call me Ma'am. Nakakailang, eh!" natatawang pakiusap ni Mariella. "Tita na lang." "Oh, sure po, Tita," mabilis na tugon ni Alexander. They started to eat." Tito must be so lucky to have you as his wife, Tita. Ang galing n'yo pong magluto!" "I hope na hindi iyan bola," Mariella smirked. "No, Tita. Hindi po ako into pambobola. I always say exactly what's on my mind." "Thank you kung gano'n. Mabuti at nagustuhan mo ang mga luto ko," nakangiting wika ni Mariella. Pagkaraan ay nagkasalubong ang paningin nila ng anak na si Arriana. "Mom, bigla hong sumakit ang tiyan ko," alibi ng dalaga. "Wouldn't you mind—both of you— if I'll excuse myself for a while?" "Okay lang anak, sige. Ako na ang bahala kay Alexander," ani Mariella nang makaunawa sa anak. Nang wala na si Arriana na kunyari lang naman na umalis at palihim na nakikinig sa magiging pag-uusap ng kanyang Mommy at ni Alexander, ay sinimulan na ni Mariella ang pag-iinteroga sa binata. Tumikhim ang ginang. "Arriana told me about your friendly date yesterday. She told me everything." Napatitig sa kanya si Alexander. Ngunit hindi ito nagsalita. Naghintay lang ito sa mga susunod niyang sasabihin. "Sana hindi mo masamain ang itatanong ko sa iyo." bwelo ni Mariella. "Ano po iyon, Tita?" "Kaya mo lang ba kinuhang partner ang M Global Corporation ay dahil sa anak ko, para mapalapit ka sa kanya?" Napalunok si Xander at napayuko. What is he gonna say?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD