NANG makabawi sa sandaling pagkabigla sa tanong ni Mariella ay bahagyang natawa si Alexander. “Of course not, Tita!” bulalas nito. “Matagal na kaming naghahanap ng company na papalit sa dati naming partner. My people told me about your company and I checked on it. Ikinompara ko sa ibang kompanyang kakompitensya ninyo, but after a lot of research, I finally concluded that M Global is the best and the perfect choice to be our partner,” paliwanag nito. “Hindi ko inakalang anak pala ni Mr. Barameda si Arriana. Gulat na gulat nga ako nang makita ko si Arriana sa office ni Mr. Barameda. That was a perfect coincidence.”
Mariella nodded.
“Believe me, Tita. I know what you’re thinking, and I assure you hindi ko po plinanong pumasok sa buhay ni Arriana sa pamamagitan ng kompanya ninyo,” wika pa ni Alexander. “Bakit ko pa gagamitin ang kompanya ninyo kung pwede namang mapalapit ako sa inyong anak sa ibang paraan? Nagkataon lang po talaga na anak n’yo si Arriana. I’m sorry, Tita, kung dahil sa naging confession ko kay Arriana ay iba ang naisip ninyo.”
“No!” wika ni Mariella. “Ako ang dapat humingi ng pasensya sa ‘yo, kung pinagdudahan kita. I’m really sorry, Alexander. Sana naiintindihan mong isa akong inang gagawin ang lahat upang maprotektahan ang kanyang anak.”
“Of course, Tita,” Alexander smiled. “Alam n’yo po kung ano ang pumasok sa isip ko nang malamang anak ninyo si Arriana? Naisip kong tadhana na ang naglalapit sa amin sa isa’t isa.”
Napangiti si Mariella. Napaka-romantic mag-isip ni Alexander.
Mukhang nabilog na ni Alexander ang isip ng mommy niya, iyon ang naiisip ni Arriana. She’s really pissed off. Ang bilis namang maniwala ng Mommy niya.
Kung uunawain ang mga paliwanag ni Alexander, ay hindi naman talaga ito kapanipaniwala.
Hindi coincidence ang lahat. Kung kilala siya ni Alexander noon pa, malamang ay kilala na rin nito ang mga magulang niya. Sinabi nitong nag-research ito tungkol sa kanilang kompanya, nangangahuluhan lang na bago pa siya magpunta sa M Global Corporation ay kilala na niya ang daddy niya. Alam na nitong anak siya ni Mr. Barameda.
Maloloko ni Alexander ang Mommy niya, pero hindi siya.
You can’t fool me, Mr. Cervantes. You can’t fool me.
Basta, malakas ang kutob niya na mayroong kakaiba kay Alexander. Hindi niya alam kung bakit hindi mapanatag ang loob niya. Sana nga nagkakamali siya ng pakiramdam. Sana nga napapraning lang siya.
Alexander is too good to be true. Gwapo, ubod ng yaman at mabait. May ganoon pa ba? Tanong niya sa sarili. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Kailangan niya ring mag-ingat lalo na sa mga taong kakikilala niya pa lamang.
HINDI na nagpakita pa sa hapagkainan si Arriana hanggang sa matapos nang maghapunan sina Mariella at Alexander. Pagkatapos na marinig ang mga kailangan niyang malaman ay umakyat siya sa kanyang kwarto at nagkulong.
Gusto na niyang matapos ang break nila at nang makabalik na siya sa pag-aaral. Ayaw niyang dumami pa ang mga pagkakataong magkasama sila ni Alexander. Sigurado naman siyang hindi na siya tatantanan ng lalaking iyon, lalo na at pinakikitaan ito ng mabuti ng kanyang ina.
Napatingin siya sa pinto nang makarinig nang marahang mga katok. "Pasok!" tinatamad niyang wika. Pumasok ang kanyang Mommy. "Mom, I'm not feeling well. If you're going to scold me, please not now." Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan.
Umupo si Mariella sa tabi ng anak. "Bakit hindi ka man lang nagsabi na aakyat ka na pala ng kwarto mo, at hindi ka na bababa? Pinaghintay mo si Alexander."
Napapabuntong hininga na lamang si Arriana. "Responsibilidad ko na po bang magpaalam sa kanya palagi?"
"Anak," mahinahong wika ni Mariella, "hindi naman iyan ang ibig kong sabihin. I know, you know what I mean. Alam ko rin ang nararamdaman mo, naiintindihan kita."
Bumangon si Arriana. "Do you really understand me, Mom?" sarkastikong wika nito.
"Syempre, anak kita, eh!" tugon ni Mariella. "Sa mga ikinikilos mo, alam kong hindi mo talaga gusto si Alexander. Huwag mo sana isiping pinipilit kitang magustuhan mo siya. No! Hindi kita pinipilit, anak." Pinahilig niya sa kanyang balikat ang anak. "Listen to me. I like Alexander. I think he's nice. Pero hindi ko siya ipinipilit sa 'yo. I'm sorry if that's how you feel about me. Maybe I am just being so excited. Pasensya ka na, anak. Ang gusto ko lang, ayusin mo ang pakikitungo mo sa kanya. Act like a woman with breeding. Act like an educated person. That's what I want you to do."
Napatingin sa kanya si Arriana. Hinawakan niya ang mga kamay nito. "If you don't like him, then so be it. Tell him. If he's man enough, tatanggapin niya ang desisyon mo. If you can't be more than friends, kahit maging magkaibigan man lang sana kayo."
Tumango si Arriana. "I'm sorry for being immature, Mom. Hindi ko po sinasadya. Dahil lang po sa naiinis ako sa kanya, nakakalimutan ko na ang manners ko. Hindi ko namamalayan, nagiging bastos na pala ako," anito. "Tatawagan ko po siya para humingi ng pasensya. Sana po, hindi siya galit sa 'kin."
"Hindi naman siya siguro magagalit sa 'yo anak. Before he left, he looked worried about you. He asked me to call him kapag nakausap na kita. He wants to know if you're okay."
"I will call him, Mom."
Tumango si Mariella. Nagyakap silang mag-ina. Hinagkan niya ang ulo ng anak. "I love you, anak. Hanggang ngayon, habang yakap kita, hindi pa rin ako makapaniwalang malaki ka na. Na dalaga ka na. Dati, ang pinag-uusapan natin ay tungkol lang sa mga fairytales na paborito mo. And now, we're talking about a man already. Ang bilis ng panahon. I miss my little girl."
"I wish I could be a little girl forever, Mom. I wish we could stay forever this way. I love you too, Mom. As long as I have you, I don't need anything anymore. You're my favorite person in the world. You're my best friend."
Napaluha si Mariella sa sinabi ng anak. She is proud of herself as a mother. Alam niyang napalaki niyang isang mabuting tao si Arriana. She's already contented. Kahit mawala siya ay alam niyang magiging maganda ang buhay ng mga anak niya. Si Arriana at si Adrian ay mayroong mabubuting puso. Napakabait ng Diyos na Siyang gumabay sa kanila ni Henry sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.
"Kailan ba tayo huling nag-bonding, Mommy? Parang ang tagal na. Bakit hindi natin gawin ulit?" ani Arriana.
"Oo nga e. Dati, noong maliit pa kayo ni Adrian, we used to go out together. Matagal na tayong hindi kumakain sa labas. Kasi imbes na lumabas tayo everytime your Dad is free, sa isla tayo pumupunta. Nakaka-miss din iyong mga dati nating ginagawa."
"Nakaka-miss mag-shopping kasama ka, Mom," nakangiting wika ni Arriana.
"Tama ka, anak. Kailangan nating gawin ang mga nami-miss nating gawin," ani Mariella. "These past few days, alam kong ikinasasama ng loob mo ang pagtukso ko sa iyo kay Alexander. Hayaan mong bumawi ako."
Hiningi ni Mariella na magbigay si Henry ng kahit na isang araw lang upang makapamasyal ulit silang isang pamilya, kagaya ng dati. Mabuti na lang at hindi hectic ang schedule ni Henry at mayroon siyang extrang oras upang mapagbigyan ang asawa. Syempre pa ay tuwang tuwa si Mariella.
LINGGO. Everyone woke up early. Mariella cooked something special for their breakfast. Pagkatapos ay dumaan sila sa simbahan bago mamasyal.
They went to a mall. Walang humpay na shopping ang ginawa ng mag-inang Mariella at Arriana, habang sina Henry at Adrian naman ay walang kapagurang naglaro sa arcade.
Nanuod din sila sa sinehan pagkatapos ay nagpunta sa isang amusement park. Gumala sila kung saan sila dalhin ng kanilang sasakyan at mga paa.
"Masaya talaga ang normal na buhay," wika ni Mariella. "Iyong nakikisalamuha ka lang sa mga ordinaryong tao, tapos ginagawa mo ang mga ginagawa nila. Minsan nga pinangarap kong sana hindi na lang ako pinanganak na mayaman. But of course, if we weren't rich, hindi kita makikilala," sabi nito kay Henry. "Eh, di hindi sana ako ganito kasaya ngayon. You know, God is really smart. He'll give you what you need. And as long as we breath, we should always be appreciative and thankful for everything that we have. At sobra akong nagpapasalamat sa kanya. I don't know if I deserve all these, you and our kids, but I must say, God loves me very much."
"You deserve all these, Honey. You deserve us, as much as we deserve you," usal ni Henry. He kissed her wife's forehead.
Kinikilig naman ang magkapatid na Arriana at Adrian sa paglalambingan ng kanilang mommy at daddy.
"Thank you, Henry. Thank you for everything- sa oras mo, dahil pinagbigyan mo ang hiling ko sa iyo. Na-miss ko ang ganito."
"Hayaan mo, I'll try to give more time to you and our kids. It'll be family first before anything else," ani Henry.
"Promise?"
"Promise!"
Mabibigat na ang talukap ng kanilang mga mata nang magpasya silang umuwi. Nakakapagod ngunit sobrang saya ng araw na iyon. Lahat sila ay nagmistulang mga bata ang damdamin.
Nakatulog na sa backseat sina Arriana at Adrian. Napasulyap sa kanila si Mariella. "Pagod na pagod talaga ang mga bata. But, look at them," wika niya kay Henry habang nagmamaneho ito. "Nakangiti sila kahit nakapikit. Ibig sabihin, we made them really happy today."
"I hope I made you happy, too," nakangiting wika ni Henry sa kanya.
"So much!" tugon ni Mariella.
"I love you so much!" malambing na usal ni Henry.
"I love you, too!"
Henry took Mariella's hand and kissed it.
They were lost for a moment until they heard a loud noise. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang humaharurot na kasalubong nilang truck.
Huli na para maikabig ni Henry ang manibela.
And in a split second, everything turned dark . . .