"Arriana, anak.." Napalingon si Arriana. Nakita niya ang kanyang Mommy na nakatayo sa dalampasigan, may 'di kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Nasa kanilang isla sila. "Mom, what are you doing there?" sigaw niya. "Look, Mom, ang dami kong napulot na seashells. Help me make bracelets." "I'm sorry, anak. You have to do it alone," tugon ni Mariella. "Bakit po, may gagawin kang iba?" malungkot ang boses na tanong ni Arriana. "Kailangan ko nang umalis, anak . . ." Nagtaka si Arriana. "Umalis? Where are you going, Mom? Hindi po ba sabay-sabay tayong uuwi?" Tumayo si Arriana. "Sandali lang po, tatawagin ko si Daddy." "Hindi na kailangan, anak. Hindi ko na siya mahihintay . . ." Natigilan si Arriana. "You're scaring me, Mom . . ." "Don't be scared. It's okay." Mariella smiled. "I love you

