Chapter 1

1573 Words
LIGAYA'S P. O. V. "Ligaya! Ligaya! Mabuti at nakauwi kana! ", bulalas ni Aling Rosa sa akin. " Bakit po Aling Rosa? May problema po ba?", tanong ko habang patuloy na naglalakad papunta sa Apartment na inuupahan ko kasama ang tatlo kong mga kapatid. Tatlong libo ang upa namin sa maliit na apartment kada buwan. Ang pinangbabayad ko roon—pati na rin sa pagkain at araw-araw na gastusin—ay galing sa stipend ko bilang scholar ng bayan. Twenty-one years old na ako at nasa second year college sa kursong Bachelor of Science in Chemistry. Patay na ang mga magulang namin. Pinatay sila. Sa tuwing naiisip ko kung paano sila nawala, parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit at galit sa mga taong gumawa noon sa kanila. Naulila kaming apat na magkakapatid. At ngayon, ako ang bumubuhay at nagpapaaral. Ang hirap ng buhay.. Ang hirap lumaban ng patas sa mundong ito. Napapagod na ako ngunit kailangan kong magpakatatag sa aming magkakapatid. Hindi ko pwedeng ipakita na mahina ang Ate nila. "Si- Si Rico..... ", nauutal na sabi ni Aling Rosa. Napakurap ako. Bumalot sa aking pagkatao ang kaba. " Bakit po. Ano ang nangyari sa kapatid ko? ", Nag-aalala kong tanong. Mas lalo kong binilisan ang aking mga hakbang. " Kailangan nyo na siyang dalhin sa Ospital! ", aniya. Ng mga sandaling iyon ay parang gusto ko nang maiyak sa sobrang kaba. Bakit kailangang idala ng kapatid ko sa Ospital. Ano ang nangyari sa kanya. Mabilis kong binuksan ang pinto ng aming Apartment at tumambad sa aking paningin ang dalawa ko pang kapatid habang nasa tabi ang bunso naming si Rico. "Ate Ligaya! ", bulalas ng mga kapatid ko. Agad akong napaluhod sa higaan sabay lagay ng aking palad sa noo ni Rico. " Ang taas ng lagnat ni Rico! Pinainom nyo ba siya ng gamot? ", tanong ko. " Pinainom na po namin ate pero hindi pa rin bumababa ang lagnat ni Rico", pahayag ni Rina, ang pangalawa kong kapatid na nasa limangpu't limang taon gulang. "Bakit hindi kayo nag chat sa akin na may lagnat si Rico? ", nag aalala kong tanong. Dalawang gabi akong wala sa kanila dahil may event akong pinuntahan na connected sa aking pag-aaral. Iniwanan ko naman sila ng pang gastos dito sa Apartment at hinabilin ko sila kina Aling Rosa upang mabantayan. Hindi din ako nagkulang na I message sila palagi para kumustahin. "Ayaw po naming ipaalam sayo ate kasi baka umuwi ka dito at iwanan ang event nyo. Alam po namin na sobrang mahalaga ng event na yon para sa'yo", pahayag ni Ken, ang kapatid kong sumunod kay Rina. " Mas mahalaga kayo kaysa sa anumang bagay na ginagawa ko. Alam nyo yan, Ken. Hindi nyo kailangan ilihim sa akin lalo na at buhay ni Rico ang nakasalalay dito", pahayag ko. "Sorry po ate" "Dalhin na natin siya sa Ospital", nag aalala kong sabi. Pinigilan ako ng munting palad ni Rico. " Ate Ligaya.. Umuwi kana po pala... Mabuti naman po at nahintay pa kita", mahinang pahayag ni Rico sa akin. Biglang tumulo ang aking mga luha. Bakit parang nagpapa alam na ang kapatid ko? "Wag mong sabihin yan, Rico. Dadalhin ka namin sa Ospital", aniya ko sabay haplos sa kanyang mukha. " Gusto ko pong kumain ng Lugaw, Ate Ligaya", pahayag niya na mas lalong nagpadurog sa aking puso. Sunod-sunod akong napatango habang dumadaloy ang luha sa aking mga mata. "Wag kang mag-alala. Bibili si Ate ng madaming lugaw para sayo.. Sa ngayon dadalhin kana muna namin sa Ospital ha", aniya ko. Buong lakas ko siyang kinarga. Iba ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon.. Hindi ito simpleng lagnat lang. May mga rashes si Rico.. Naduduwal din siya at ang sabi niya ay sobrang sakit ng ulo niya. " Ilang araw na bang nilalagnat si Rico? ", tanong ko sa kanila habang karga karga ko na aking kapatid at nilalakad na namin ang eskinita papunta sa sakayan ng trycicle. " Tatlong araw na po ate", sagot nila. Mas lalo akong nanlumo. Ang ibig sabihin ay andito pa ako sa kanila, may lagnat na pala si Rico ng hindi ko man lang alam. "Ayaw niya pong sabihin sainyo, Ate Ligaya", pahayag ni Ken.. " Manong sa Ospital po! Arkilahin ko na po ang tricycle.. Pakiusap, bilisan nyo po ang pagpapatakbo. Kailangan pong maisugod ng kapatid ko sa lalong madaling panahon! ", umiiyak kong pakiusap kay Manong. Habang nasa loob ng tricycle ay sobrang nanghihina na si Rico.. Dumudugo na ang kanyang ilong dahil para mas lalong bumalot sa aking ang kaba at takot. " Ate Ligaya, hindi ko na po kaya", mahina niyang sabi sa akin. "Malapit na tayo sa Ospital, Rico. Kapit ka lang kay Ate. Malapit na tayo. Kakayanin mo yan di ba Big boy kana? Kakain pa tayo ng madaming lugaw di ba? "Opo Ate. Gusto ko po yong lugaw with egg tapos may atay ng manok. Dapat sobrang init po ng lugaw ate para mas masarap", mahina niyang sabi na pilit ngumiti sa kabila ng kanyang panghihina. Tumango ako habang hinahaplos ang kanyang mukha. " Bibilhan ka ni Ate basta magpalakas kana ha.!? "Sorry, Ate", pahayag niya sa akin. Mas lalong tumulo ang aking mga luha. Lalong dumugo ang kanyang ilong kaya kumuha ako ng tissue sa bag para ipahid doon. "Manong pakibilisan po! ", umiiyak kong sabi. Ilang minuto pa narating na namin ang Ospital.. Agad akong sumigaw ng pagka lakas lakas. " Emergency! Tulungan nyo po ang kapatid ko! Tulong! Nurse! Tulong! ", sigaw ko habang karga karga ang kapatid ko. Agad naman nilang nilagay sa emergency bed si Rico. Sumunod ako sa kanila... " Bumaba na ang lagnat niya, Doc", sabi ng isang Nurse. Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa ngunit kahit bumaba na ang lagnat ni Rico ay hinang-hina pa rin siya. "BP dropping! Start fluids now! ", sigaw ng Doctor. Nagpa panic na silang lahat doon! Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Ang daming aparatus ang kinakabit sa kapatid ko. " Doc......ano ba ang nangyayari? ", halos pabulong kong tanong, nanginginig ang boses. "We are doing everything we can, pero critical na ang condition niya", Critical. Isang salitang umalingawngaw sa utak ko. "Doc, akala ko ba okay na siya? Bumaba na ang lagnat niya, di ba?” nanginginig kong tanong. “Dengue ang case ng kapatid mo, iha. Kapag bumaba na ang lagnat, ibig sabihin nasa critical phase na siya. May internal bleeding na, kaya bumababa ang platelets niya,” paliwanag ng doktor. Patuloy sa pag agos ang aking mga Luha. Dengue? Na dengue ang kapatid ko? Hindi lang pala simpleng trangkaso kundi dengue na? Hinawakan ko ang kamay ng Doctor. "Gawin nyo ang lahat para gumaling ang kapatid ko, Doc", pagmamakaawa ko sa kanya. " We are doing everything we can, Iha", "Ate", mahinang pagtawag sa akin ni Rico. Agad kong sinalubong ang kamay niya at buong pagmamahal yon na hinawakan. " Andito lang si Ate. Hindi ka pababayaan ni Ate. Basta magpalakas ka ha? "Ate, mahal na mahal kita. Ikaw na po ang bahala kina Kuya Ken at Ate Rina ha", mahina at lumuluhang pahayag ni Rico. "Wag.. Wag mo kaming iiwan. Di ba nangako tayo sa isa't-isa na walang iwanan? Di ba? ", " Ate... so-sorry", mahina niyang sabi hanggang sa sunod sunod kong narinig ang ingay na parang paulit ulit na umalingawngaw sa aking teynga "Beep... beep... beep.... " Doc, mas lalo pong bumaba ang BP", nag aalalang sabi ng Nurse "Increase fluids, Now! ", sigaw ng Doctor. Pilit na ngumiti ang kapatid ko sa akin hanggang sa pumikit na ang kanyang mga mata. Napatakip ako ng bibig habang malakas na humagulhol nang marinig ko ang pag tunog. Beeeeeeeeeeeep------- " No pulse! ", Nang marinig ko yon at makita ang isang linya sa monitor bigla akong napabagsak sa sahig habang patuloy na humahagulhol... " Start resuscitation! ", sigaw ng Doctor. Hindi ko na marinig ang iba bukod sa tanging beep na tuloy tuloy na umaalingawngaw sa aking teynga. "Time of death... 7:43 pm" Mas lalong lumakas ang hagulhol ko "Rico!!!! Rico!!! ", sigaw ko. Pinilit kong bumangon at mahigpit na niyakap ang walang buhay kong kapatid. " Sorry... Sorry umalis si Ate. Sorry", umiiyak kong sabi. Hindi ako makapaniwala na mangyayari to! Na sa isang iglap mawala ulit ang isa sa pinakamamahal ko. Ang sakit sakit.. Hindi ko matanggap. "Rico. huhuhu. Bakit mo naman iniwan si Ate. Huhu. Bakit bigla bigla ka na lang nang iiwan. Huhu", hagulhol ko habang yakap yakap siya. Hanggang sa pumasok na din ang dalawa ko pang kapatid. Hindi din sila makapaniwala sa nadatnan. " Patay na si Rico. Patay na ang bunsong kapatid natin", salitang hirap na hirap akong bigkasin dahil ang bigat sa damdamin Umalingawngaw ang hagulhol naming magkakapatid sa Ospital na yon. Hinagpis ng magkakapatid na unang nawalan ng Ama at Ina, ngayon naman ay ang kanilang bunsong kapatid. "Kasalanan ko to, Ate. Hindi ko sinabi agad sainyo na may lagnat si Rico. kAsanalan ko to Ate! ", umiiyak na pagsisis ni Rina sa kanyang sarili. " Psst. Wag mong sisihin ang sarili mo" Mabigat man sa kalooban pero nangyari na. Habang buhay kong dadalhin ang bigat nato. May kapabayaan ba ako? Nagkulang ba ako sa pag aalaga sa mga kapatid ko? Gabi gabi itong magiging Bangungot sa akin. Patay na ang kapatid ko. Huhu. Paano ko ba haharapin ang bukas pagkatapos neto.? Lord, ang bigat bigat.. Tulungan nyo po akong tanggapin to
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD