Chapter 2

1019 Words
Ligaya's POV Nakatulala lang ako sa kabaong ni Rico. Napakaamo ng mukha ng kapatid ko—parang natutulog lang siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang bunso naming kapatid. Walang katumbas ang sakit. Sana ay panaginip lang ang lahat ng ito, ngunit hindi. Wala na si Rico… Ang bata pa ng kapatid ko. Walong taong gulang pa lamang siya, ngunit ganoon na lamang kabilis na kinuha ang kanyang buhay dahil hindi agad naagapan ang dengue na tumama sa kanyang katawan. Paano ko ba mapapatawad ang aking sarili dahil sa nangyari? Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung nagkulang ba ako sa kanila—bilang ate na tumayo na ring ina at ama simula noong patayin ang aming mga magulang. Dahan-dahang lumapit si Aling Rosa sa akin. "Ligaya", mahinang pagtawag sa akin ni Aling Rosa. "Naasikaso na namin ang lahat", patuloy ni Aling Rosa. "Nakausap na namin ang barangay… tutulungan kayo sa burial assistance." Unti-unti akong napakurap. Mas lalong naantig ang aking puso dahil hindi nila ako iniwan lalo na ngayong kailangang kailangan ko ng tulong dahil hindi ko to kaya nang mag-isa lang. "Nakausap na rin namin ang social worker. May makukuha kayong tulong mula sa DSWD… pati sa city hall, nag-request na si Kapitan." Naiiyak akong napaharap kay Aling Rosa kapagkuwan ay napayuko ulit ako habang nanginginig ang aking mga labi. Lumapit lalo si Aling Rosa para yakapin ako. "Maraming tao ang handang tumulong sa atin", aniya "Naayos na ang burol, may tulong na rin sa kabaong at sa libing," patuloy ni Aling Rosa. "Hindi na tayo mag-iisa sa gastusin.", dagdag niya. "Maraming salamat po," umiiyak kong sabi, sabay higpit ng yakap sa kanya. "Paano ko na lang haharapin ang lahat ng ito kung wala kayo? Huhuhu..." Kumalas si Aling Rosa at hinawakan ang mga kamay ko. "Kailangan mong magpakatatag para sa dalawa mo pang kapatid," mahinahon niyang sabi. Pagkaraan ay tumulo ang luha sa mga mata ni Aling Rosa. "Kung nagkulang man ako sa inyong magkakapatid, patawarin mo ako, Ligaya. Sa akin mo hinabilin ang iyong mga kapatid, ngunit hindi ko nagampanan ang aking tungkulin." "Hindi ho kayo nagkulang at hindi ninyo kasalanan ang pagkamatay ng kapatid ko, Aling Rosa. Ginawa ninyo ang tulong na pinakiusap ko sa inyo noon pa man, kaya huwag ninyo pong sisihin ang sarili ninyo." Walang ibang tao ang dapat sisihin sa pagkawala ni Rico. Mabuting tao si Aling Rosa—hindi siya nagkulang. Kapag wala ako, siya ang tumitingin-tingin sa mga kapatid ko kahit sobrang busy niya sa kanyang tindahan at karinderya. At ngayon, siya pa rin ang tumutulong sa akin. "Ang kapatid ko ang naglihim na may sakit siya, Aling Rosa," sabi ko. Sa tuwing naiisip ko kung bakit sila naglihim nang ganoon, mas lalo lamang nabibiyak ang puso ko. "Ate Ligaya, galingan mo palagi ah… Huwag na huwag ka ring aabsent sa mga events na kailangan ninyo sa school, kasi hindi ka pwedeng mawalan ng scholarship dahil sa amin," pahayag ni Rico noon sa akin. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na mas importante kayo kaysa sa ibang bagay?" sagot ko noon sa kanila. Siguro ganoon na lamang nila pinapahalagahan ang scholarship na meron ako, dahil doon kami kumukuha ng pagkain at pambayad sa lahat ng bayarin. Na kapag nawalan ako ng stipend, wala na kaming kakainin. "Kumain ka na ba?" Napakurap ako at umiling. "Kailangan mong kumain kahit kaunti lang para magkalaman ang iyong sikmura," nag-aalalang sabi ni Aling Rosa. "Paano naman po ako gaganahang kumain sa kalagayan ko?" namumugto ang mga mata kong sagot. "Huwag mong parusahan ang iyong sarili, Ligaya. Tingnan mo ang mga kapatid mo. Isipin mo—kailangan ka pa nila, kaya magpalakas ka para sa kanila." Napatingin ako sa kinaroroonan nina Rina at Ken. Nakaupo sila sa gilid, nakatulala, habang kitang-kita sa kanilang mga mukha ang lungkot at sakit na hindi maipaliwanag. Mas lalo akong naantig. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanila. "Kumain na ba kayo?" tanong ko. "Hindi pa po, Ate," sagot nila. "Halika, kumain tayo." Tama si Aling Rosa—kailangan kong magpakatatag para sa mga kapatid ko. Hindi pwedeng dito na tumigil ang mundo ko. Life is full of trials, but we must keep going. Even if it hurts, we have no choice but to move forward—for the ones who are still here. Kung nasasaktan ako, ganoon din ang mga kapatid ko, at kailangan nila ako. Sinandukan ko sila ng pagkain, at doon kami kumain sa may harapan ng kabaong ni Rico, para kahit paano ay parang kasalo pa rin namin siya. Habang pinipilit kong kumain, ay napaluha na naman ako. Ang sarap ng ulam namin ngayon—adobong manok na paborito ni Rico. Niluto ito sa lamay ng kapatid ko, at ang pinambili ay galing sa tulong ng mga nakikiramay. "Kung buhay sana ang kapatid natin, magana siyang kakain sa ulam natin ngayon," pabulong kong sabi. Hindi sila umimik, ngunit kitang-kita ko ang mga luha nila habang kumakain. Gutom na gutom silang dalawa, kaya sunod-sunod ang mga subo. Mas lalo akong nasaktan nang mapagtanto na kahapon pa pala sila walang kain dahil hindi ko na sila naasikaso. "Huwag kang mag-alala, Ate Ligaya. Hindi kami kumain simula kahapon dahil wala rin po kaming gana," pahayag ni Rina, na para bang nabasa niya ang iniisip ko. "Huwag mo na pong sisihin ang sarili mo, Ate," pahayag naman ni Ken. "Kakayanin po natin ito… May rason po si Lord kung bakit ganoon niya kaagang kinuha sa atin si Rico," dagdag ni Ken. Napahagulhol ako lalo nang marinig iyon mula sa kanila. Kung sila ay nakakakita ng positibong bahagi sa nangyari at hindi nawawalan ng pag-asa na magpatuloy sa buhay, dapat ako rin—bilang Ate nila. Nang matapos ang aming pagkain, mas lalo pang dumami ang mga nakikiramay. Napukaw ang aking atensyon nang sabihin sa akin ni Rina na dumating daw si Tiya Linda— ang kapatid ni Tatay. Bigla kong naalala ang buhay naming magkakapatid noon sa puder ni Tiya Linda at ng asawa niya. Biglang naging sariwa ang sugat ng kahapon—at ngayon pa talaga, sa panahong namatayan ako ng kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD