SANDALING napatulala si Tristan sa loob ng conference room. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang mga luhang pumatak sa mga mata ni Elise Montellion. Ang sakit na bumalatay sa magandang mukha nito. Hindi niya intensyong saktan ang dalaga. Ngunit hindi rin niya inaasahang maglalaho ang nararamdaman niya para dito? Nakakapagtakang hindi niya maramdaman ang naramdaman niya noon dito? Kahit noong unang makita niya ito, hindi siya nakaramdam ng saya sa puso? Parang may hinahanap siya na hindi niya makita rito? Sa kabila ng kagandahan at kaseksihan nito, parang 'di siya nakukuntento? Parang may kulang? Dumating pa nga sa puntong pakiramdam niya nakikipag-usap siya sa isang stranghera? Napansin niya ring may kilos itong kakaiba na hindi niya nakita sa dating Elise Montellion na nakila

