HABANG naglalakad nang bigla akong mapalingon ng may sasakyang huminto sa harapan ko. Bago pa man ako makahuma, dalawang lalaki ang humawak sa magkabilaang braso ko at pinilit ipasok sa itim na Van. Akmang sisigaw ako ng biglang takpan ang bibig ko, gamit ang isang puting panyo. Hanggang sa unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Tristan.. ISANG malamig na tubig ang nagpagising sa akin. Naubo pa ako at sobrang lakas ng pagkakatapon sa pagmumukha ko. Hanggang sa inilibot ko ang paningin. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang mukha ni Elise Montellion na nasa harapan ko. Ngising aso ang itsura nito. "Walang hiya--!" Bigla akong napaluhod. Doon ko lang napansin na nakakadena ang dalawang kamay ko at mga paa ko. Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan nito. Hanggan

