IMBIS na dumiritso sa opisina ni Tristan, mas pinili niyang umuwi nang mansion ng mga ito. Labis siyang nanghihina at nananakit ang buong katawan. Bahagya ring namaga ang kaniyang pisngi dahil sa ginawa ng Elise na iyon. Papikit na siya ng marinig ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Bigla siyang napalunok ng makitang ilang missed call na ang nanggaling kay Tristan. "Tris--" "Oh God, kanina pa kita tinatawagan bakit hindi mo sinasagot? Nasaan ka? Kanina pa kita hinihintay?" sunod-sunod nitong bigkas. Bigla naman akong napakagat-labi. "Alisha? Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita? May nangyari--" "Ayos lang ako, Tristan. Sorry kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi muna ako. Pasensya na." Sabay kagat-labi. Rinig ko ang pa

