MALUNGKOT at palihim niyang pinagmamasdan ang kaniyang among na si Tristan. Kitang-kita niya ang matinding inis sa guwapong mukha nito habang nakatutok sa sariling laptop. Magkasalubong din ang makakapal nitong kilay. Lihim siyang nagpakawala ng buntong hininga. Kasalanan naman niya ang lahat kung bakit nagalit ito sa kaniya. Pero wala siyang mapagpipilian. Bumigat na naman ang pakiramdam niya ng maalala ang sinabi ng donya sa kaniya. Labis ang pagkagimbal niya sa mga nalaman. Ang malamang kailangan niyang ibalik ang lahat ng pera oras na hindi niya sinunod ang kaniyang trabaho. Hindi siya halos makapaniwala lalo na ng sabihin nitong nandoon iyon sa kontrata! Pero wala naman siyang nabasang ganoon noon. Ngunit ng ipakita ulit nito sa akin ang kontratang pinirmahan ko, labis ang panlal

