NAPALUNOK si Tristan ng makita ang galit sa mukha ng kaniyang mahal na grandma. "Kung mas paiiralin mo, apo ang pagiging babaero mo, mas mabuting bumitaw ka na lang sa pagka-CEO mo." Biglang kinabog ang dibdib ko. "Grandma--" "At 'wag na 'wag kang gagawa ng kuwento sa harapan ko ngayon." Bigla akong natigilan. Bumitaw ito ng mabigat na buntong hininga. Napahilot din ito sa sintido. "Kung hindi ka magbabago, apo. Ibibigay ko sa iba ang posisyon na mayroon ka ngayon." Gumalaw ang panga ko. Hindi ako makapaniwala! Nang dahil sa sumbong ng mangkukulam na iyon?! Kumuyom ang kamao ko. Pilit kong kinokontrol ang sarili sa harapan ng grandma. "Tingnan mo ang ginawa mo? Nasa news na naman ang apelyido natin dahil sa kagagawan mo. Gusto mo ba talagang masira ang kompanya natin ha, apo

