LAKING pasalamat ni Alisha at mukhang wala namang kahina-hinala sa kilos ng kaniyang babaerong amo. Mukhang hindi naman ito naghihinala sa kaniyang totoong pagmumukha. Mukhang wala rin itong pakialam sa totoong hugis ng kaniyang pangangatawan. Ganoon pa rin ito sa dati. Mapanglait at mapang-asar! Lagi nga itong nakangiti ngunit kapalit naman noon ang nakakainis nitong panglalait! Tipong habit na nitong pagtawanan ang pagmumukha ko. Pero kung makapisil naman kulang na lang matanggal ang pisngi ko e! Para itong gigil na gigil! Kinakabahan nga ako at baka matanggal iyong bagay na inilalagay ko sa mukha! NAPAIGTAD ako ng bigla itong bumusina. "Nananaginip ka pa ba? Gusto mo 'atang matulog, maiwan na kita," wika nito habang may ngisi sa labi. Taranta ko namang binuksan ang backseat.

