SUMILIP si Alisha sa labas ng kuwarto niya. Madilim sa sala ganoon din sa kitchen area. Napalunok siya ng ilang beses bago dahan-dahang humakbang patungong kusina. Gamit ang liwanag ng kaniyang cellphone, tumungo siya sa refrigerator para uminom ng malamig na tubig. Ipinatong niya muna ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng mesa. Natatakot siyang baka maalimpungatan ang binata at makakita ng liwanag. Wala pa naman siyang kakolo-kolorete sa mukha. Maiksing short din ang suot niya at sando. Nakaponytail din ang mahabang buhok niya. Nakahinga siya maginhawa ng makainom ng malamig na tubig. Hanggang sa isara niya ang ref at kinapa ang cellphone sa lamesa. Ngunit napakunot-noo siya at hindi niya ito mahanap. "Nasaan na ba iyon?" bulong ko sa sarili. Tanda ko pang sa mismong likuran ko

