CHAPTER 124

1816 Words

MALAKAS na napaiyak si Alina ng makitang papalabas na nang bahay si Tristan. Halos gusto nitong kumawala sa pagkakahawak ko sa maliit nitong braso. "Daddy!!" malakas nitong pag-iyak. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko rin magawang titigan ang papalayong si Tristan. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan? Na aalis ito dahil may kaunting problema sa kompanya nila? O dahil nasasaktan itong binabalewala ko pa rin ito sa kabila na madalas itong magbigay ng bulaklak at kung ano-ano pa? Gusto kong magalit at ang bilis naman 'ata nitong sumuko? Akala ko pa naman gusto nitong mabuo ang pamilyang ito? So, bakit aalis na naman ito? Hindi ko maitatangging may namumuong takot sa pagkatao ko, ngayong aalis na naman ito? Hindi ko maiwasang isipin na baka mangyari ang nangyari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD