DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko. Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita ang mukha ni Tristan! Sobrang lapit nito na halos maghalikan na kami! Nakaunan din pala ako sa braso nito? Nakapulupot din ang isang braso nito sa balingkinitan ko? Kung kailan naman ako kikilos upang lumayo saka naman ito nagmulat ng mga mata. Para akong tanga na biglang natulala. At lalong hindi ko inaasahan ang munting ngiti sa labi nito. Para bang hindi man lang ito nagulat na ganoon ang posisyon naming dalawa? Lalo ko pa ngang naramdaman ang pagyapos nito sa balingkinitan ko? "Good morning.." namamaos na wika nito. Lalaking-lalaki ang boses nito. Lihim ko rin iyong nagustuhan. Nagmamadali akong bumangon. "B-bakit nakayakap ka sa akin?" kunot ang noong tanong ko kay Tristan. At talagang u

