KITANG-KITA ko ang matinding pagkagulat sa mukha ni itay at ni inay. Kasama ko ba naman si Tristan? "Lola! Lolo!" masiglang wika ni Alina. "Si daddy oh? Kasama namin!" ngiting-ngiti ito. Sa gilid ng mga mata ko, yumakap si Tristan kay inay. Nagmano naman ito kay itay. "Ang laki ng pinagbago mo, hijo. Lalo kang tumangkad. Gumanda rin lalo ang katawan mo," papuri ni itay. Narinig ko pa nga ang mahinang tawa ni inay. "Oo nga, hijo. Mukhang hiyang ka sa ibang bansa." Pasimple akong tumingin dito. Doon ko lang napansin ang munting ngiti nito habang napapakamot sa batok. Daig pa nitong nagpapa-cute sa harapan ng mga magulang ko! Uminit ang magkabilaang pisngi ko nang bigla itong tumingin sa akin. Nagmamadali akong pumasok sa loob kasama sila Tyson at Tyler. Si Alina naman kasi ayaw na

