NAPALUNOK ako ng unti-unting humikbi si Alina. Yumakap ito sa braso ni Tristan. "I-im sorry, mommy. Pero hindi ko kayang umuwi ng hindi kasama si daddy. Ayokong umalis sa tabi ni daddy. Baka matagal ko na naman siyang makita. A-ayoko, mommy.." umiling-iling ito habang umiiyak. Uminit ang magkabilaang sulok ng mga mata ko. Lumuhod ako upang mapantayan ang anak. "A-anak, hindi ba nangako ka kay mommy na sasama ka sa akin pag-uwi?" hinaplos-haplos ko pa ang mahabang buhok nito. "Sasama sila Tyson at Tyler, ikaw lang ang maiiwan dito? Siguradong malulungkot ka. Wala kang kalaro." Ngunit mariin itong umiling na labis kong ikinadamdam. "A-ayoko, mommy. Dito lang ako kay daddy. Ayokong umuwi. Ayoko pang umuwi!" ani nito na lalong ikinaiyak nito. Nanubig ang mga mata ko. Paano ko nga ba

