KINAKABAHAN na napapalunok habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ni Tristan ngayong nasa harapan nito ang tatlong bata. "Daddaa..!" "Daddaa..!" "Daddaa..!" Sabay-sabay ng tatlo at nag-uunahan pang makalapit sa binata. Pansin ko ang paglunok nito habang titig na titig sa tatlong bata. Parang may kung anong tumusok sa gitna ng tiyan ko ng kalungin nito si Alina na bigla na lang humagighik. Si Tyson naman tumayo sa gilid nito. Sa bandang kanan nito. Samantalang si Tyson nasa kaliwang bahagi nito nakatayo habang nakahawak sa braso nito. "Dadaa..!" sabay-sabay ng mga ito. Samantalang lahat kami nakatingin sa mag-aama. Nasa paanan nito si Grandma. Hindi naman ako makalapit lalo na't hindi pa naman ako nito natatandaan. Hindi ko rin maiwasang kabahan at laging nakakunot ang

