TULALA ako habang nakatitig sa kawalan. Limang buwan na ang nakalilipas, ngunit 'di pa rin gumigising si Tristan. Pilit man akong nagpapakatatag, ngunit may pagkakataong pinanghihinaan ako ng loob. Hindi na naulit pa ang pagkagising nito no'n. Kahit anong pagkakausap at pag-iyak ko, wala nang response mula sa kaniya. Ngunit hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ako napapagod na paulit-ulit itong kausapin. Umaasa akong isang araw bigla na lang itong magigising. Madalas ko ring pinaparinig dito ang boses ng mga anak namin. Nagbabakasakaling marinig nito. Kumurap ang mga mata ko ng humapdi iyon. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay nito. Hanggang sa dahan-dahan ko itong nilingon. "M-miss na miss na kita, Tristan. Gumising ka na please?" pumatak ang luha sa mga mata ko. Buong p

