NAGTAKA si Tristan ng pagdating sa sasakyan wala ang kaniyang Personal Assistant. "Tara na ho, Mang Rodolfo," kunwa'y ko sa driver. Kahit naman nagtataka ako kung bakit wala pa rin ang babaeng iyon. Mas pinili kong manahimik. Mas gusto ko pa nga itong maiwanan at kung bakit may pahuli-huli pa itong nalalaman! Umiinit na naman tuloy ang ulo ko sa babae. Ngunit lihim akong napalunok ng tumango ang matanda at magsimulang paandarin ang sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit napalingon pa siya sa pintuan ng malaking mansion. Hanggang sa hindi siya nakatiis. Tumikhim siya at tinanong ang matanda. Nasa bungad pa lang naman sila ng malaking gate. "May binanggit ba si grandma kung bakit wala ang mukhang mangkukulam na iyon?" pilit kong pinakaswal ang boses ko. Ayokong mahalata nito

