MORRIS SHAWN COMPANY. Nakaupo ako sa sofa ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ng babaerong si Tristan. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ng lalakeng kakapasok lang ng makita ako. "Oh, nice to see you again.." masaya at nakangiti pa nitong bigkas. May kasama pa itong isang lalake na bahagya lang ngumiti sa akin. Mukhang natatandaan ko pa nga ang isang ito? Kasa-kasama ito ng babaerong amo niya no'n sa isang club? Tumayo ako at bahagyang yumuko sa mga ito. "Hello po sainyo.." Iyong nakilala kong isang lalake, dumiritso kung saan nakaupo ang lalakeng si Tristan. Samantalang itong isa? Na nakilala niya noon sa isang hotel, nanatiling nakatayo sa harapan ko. Nagtataka nga ako at binibigyan pa ako nito ng atensyon? "Kumusta? Natatandaan mo ba ako?" nakangiting tano

