LUMIPAS ANG MGA BUWAN. Araw ng Sabado. Excited na bumaba si Tristan mula sa kaniyang kuwarto. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya at alam niyang makikita na naman niya ang dalagang si Elise. Sa mga lumipas na buwan, naging malapit sila ng dalaga. Naging komportable na rin ito sa kaniya. Ngunit ang napapansin niya rito ang pagiging mailap nito at palaging umiiwas sa t'wing nagtatanong siya tungkol sa pamilya nito. Hindi naman niya ito pinipilit pa. Dahil ang priority niya sa ngayon ay ang makuha ang puso nito! Aaminin niyang ito pa lang ang kaisa-isahang babae ang 'di nagpakita ng motibo sa kaniya. Ang babaeng nagpahirap sa kaniya! Kahit anong pahangin niya rito, mukhang 'di tumatalab sa dalaga! Parang napaka-inosente nito at mukhang kailangan ko pang sabihin dito na na

