NAKATUTOK si Alisha sa harapan ng computer nang bigla siyang mapaangat ng tingin. "Delivery po, ma'am?" Nagtatakang tinitigan ko ito. Wala yata akong natatandaang may in-order ako? Doon ko lang din napansin ang bitbit nitong napakagandang bouqet. Kulay white iyon. Ang sarap sa matang pagmasdan. Bigla akong napalunok. "Sa akin po ba?" tanong ko. Nakangiti itong tumango. "Alisha Perez, tama po ba, maam?" Marahan akong napatango. Lumakas ang t***k ng puso ko nang iabot nito ang bulaklak sa akin. May dalawang paper bag din na kasama. Hindi ko maiwasang magtaka kung sino ang nagpadala? Naisip ko tuloy bigla na marahil si Gabriel? Bigla tuloy akong kinabahan. "Salamat," nakangiting wika ko. Nang makaalis na ang binatilyo, doon ko naman sinilip kung may maliit na note na nakalag

