SAKTONG pagkalapag ni Alisha ng kape ni Gabriel, doon naman biglang bumukas ang pinto. Pabalibag iyon kaya naman, sabay pa silang napalingon. Napasinghap nga rin siya sa pagkagulat. Ngunit mas lalo siyang nagulat ng makita ang mukha ng lalaking matagal-tagal na rin niyang hindi nasisilayan. Parang huminto ang t***k ng kaniyang puso. Naghinang ang kanilang mga mata. Bigla siyang napalunok ng makitaan nang pangungulila sa mga mata nito. Napansin niya rin na para bang humihingi ito ng tawad sa paraan ng mga titig nito sa kaniya. Bigla siyang napaiwas ng tingin ng maramdamang tumayo si Gabriel. Napansin nga rin niyang napatitig ito sa kaniya. Biglang kinalampag sa kaba ang kaniyang dibdib ng maramdaman ang mga yabag nito na papalapit. Parang hindi siya makahinga ng maayos! Nanatili

