KANINA pa ako ngiting-ngiti at kanina pa rin napapatili ang mga anak ko. Nagsisitalon pa sila sa sobrang kasiyahan. Hindi maikakaila sa kinikilos ng mga ito kung gaano sila kasaya ngayong nakabalik na sila sa mansion. "Grandma!" sabay-sabay ng tatlong anak ko. Halos mag-unahan pa sila sa paglapit. Ngunit nang biglang tumili si Alina, biglang napahinto ang dalawang kakambal nito. Kaya ayon, ngiting-ngiti si Alina at nagpaubaya ang dalawang kapatid nito na siya ang mauna. Napapakamot na lang ang mga ito, habang si Grandma, natatawa na lang sa kakulitan ni Alina. "Mga apo ko!" masiglang wika ni Grandma. Hanggang sa napalingon ako ng maramdaman ang yakap ni Tristan mula sa likuran ko. "Are you happy?" masuyong tanong nito sa akin habang may ngiti sa mga mata nito. Marahan akong tu

