MULA sa himpapawid umalpas ang mahinang hikbi sa bibig ko nang makita kung anong supresa ang naghihintay sa 'kin sa ibaba. Nagmukhang Paraiso sa ganda ang Island dahil sa mga bulaklak at iba't ibang desinyo. Ngunit ang higit na napansin ng mga mata ko ang mga letrang nagpaiyak sa akin ng husto. W I L L Y O U M A R R Y ME, B A BY? Habang nasa loob ng helicopter, hindi maampat-ampat ang luha sa mga mata ko sa sobrang kasiyahan. Buong buhay ko, hindi ko inaasahang mangyayari ito sa akin. Ang magkaroon ng mapapangasawang bilyonaryo at Grandma na sobrang bait. Marami mang pagsubok ang dumaan sa amin, sobrang nakakatuwa na dito pa rin kami hahantong. Akala ko talaga, hanggang pangarap na lang ako, pero heto, nasa mismong harapan ko na. Lalo akong napaiyak ng lumapag ang helicopter at m

