CHAPTER 130 (WEDDING)

1426 Words

KANIYA-KANIYANG batian, kaniya-kaniyang iyakan. Halos mapuno ang buong resort sa dami ng panauhin. Hindi mailalarawan kung gaano nag-uumapaw ang puso ko sa kagalakan ng mga oras na iyon. Mas pinili kong sa Beach Resort ganapin ang wedding namin ni Tristan. Pangarap ko kasing maikasal sa tabi ng dagat. Para bang nakakahalina sa pakiramdam? At hindi ko nga akalaing dudumugin kami ng mga bisita. Sobrang dami na halos 'di na ako makakilos ng maayos at maya't maya ang paglapit ng mga bisita upang batiin kami ni Tristan. Mabuti na lang talaga hindi humihiwalay sa akin ang asawa ko. Nakahawak ito palagi sa baywang ko. May ilang tauhan ding nakabantay sa bawat paligid at bawat gilid. Ramdam ko rin ang bahagyang pamamaga ng mga mata ko sa kakaiyak kanina habang nagpapalitan kami ng wedding

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD