Chapter 2

1418 Words
CHAPTER 2 Hindi ako nakagalaw ng maramdaman ko ang labi niya sa akin. My eyes automatically closed. Its like time froze itself. I can only feel his lips on mine, coaxing me to move with him.  At the next moment, I can see what happened to us before. Nagkukuwentuhan lang kami non, and I'm eagerly listening to everything he said then something happened. Then we end up in bed.   Napadilat ako ng wala sa oras at pilit na itinulak ko si Ice. I won't let myself do that again. I can't repeat the same mistake I did.   Hindi natinag si Ice sa paghalik sakin. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ayaw niya akong pakawalan.   "Araaay!"   Masama ang tingin ko sa kaniya na hawak-hawak na ngayon ang namumula niyang labi na kinagat ko. Binato ko siya ng tissue box sa likod ko.   "Pull that stunt again and I swear, I'm gonna kill you."   "Summer.."   "I don't want you. I don't want your kiss. I don't want you to touch me ever."   Inintay ko siya na maguilty. Na lumayo at masaktan sa mga sinabi ko. Pero ngumiti lang siya na parang naaaliw sakin.   Umupo ako sa gilid ng kama ko at bumuntong-hininga.Wala atang kahit na ano na pwede kong sabihin na makakaapekto sa kaniya. Ice. Bagay sa kaniya ang pangalan niya dahil wala na atang makakatunaw sa kakapalan ng muka niya.   "So what do you want me to do now, baby?"   "Leave me alone."   "Wala namang mangyayari kung iiwan kita dito. Walang mababago sa sitwasyon nating dalawa. Paglabas mo ng kwarto,you're still married to me."   "Bakit ba pakiramdam ko masaya ka pa sa mga nangyayari ngayon? Umamin ka nga...may kinalaman ka ba?"   Ngumiti siya at umiling. Matalim ang mga matang nakatingin lang ako sa kaniya at iniintay kong dugtungan ang pag-iling na ginawa niya.   "Baby, of course I'm happy. Dream come true ko to. And no wala akong kinalaman dito, believe it or not. Katulad ng sabi sa video mukang tayo naman ang may gusto na makasal-"   Binato ko siya ng unan at sumubsob ako sa kama. I don't want to remember that damn video! Kahit dalhin pa namin to sa kung saan lalabas na ginusto namin ni Ice ang nangyari.   "Let's get an annulment."   "Of course we can, baby. Though hindi madali makakuha ng annulment dito sa Pilipinas. Especially kung kakasal lang natin kahapon at mag papa-annul na tayo ngayon."   "Pull some strings, no-..pull a lot of strings."   "Hmm, okay. Pero sa kalokohan na ginawa natin kahapon meron pang isang tao na madadamay. Yung abogado na nagkasal satin, siguradong hindi niya tayo gustong ikasal kaya lang someone pulled the 'strings'. Mapapahamak siya kapag nalaman na nagkasal siya ng dalawang wala sa wisyo."   Napapitlag kaming pareho ng biglang bumukas ang pinto kung saan naroon si daddy. Masama ang tingin niya saming dalawa ni Ice. Kasunod niya si mommy, autumn at si Wynd.   Uh oh.   "What the hell is this?"   Itinapon ni Daddy sa harapan ko ang isa pang copy ng civil wedding namin ni Ice. Mukang ipinadala nung abogado. Tumingin ako kay mommy at merong kung ano sa ekspresyon niya.   Hindi galit, parang..hindi siya sang-ayon sa kung ano. Siguro sa ginawa namin ni Ice. Hindi din ako sigurado kasi kay daddy masama ang tingin niya. Parang may mali na hindi ko malaman kung ano.   "Pinadala sakin yan ni Judge-"   "Dad..."   "At nalaman ko ng may kinalaman si Autumn at Wynd. Kinunsinti nila ang kalokohan niyong dalawa. Panindigan niyo tong ginawa niyo and I will not help you two at all to get an annulment. You think its easy to get one? Tell you what..its not that easy."   Hinila ni daddy si mommy palabas. Naiwan si Wynd at Autumn na parang malungkot na malungkot. Something is wrong..with them and daddy. Tinignan ko si Ice at parang iniisip niya din yon.   "Bakit hindi niyo kami pinigilan, bro?"   "Hindi naman namin alam na lasing na lasing na kayo. I mean come on hindi pa nga natin nauubos ang iniinom natin. And it's so not you to get drunk that fast. Akala ko alam niyo ang ginagawa niyo."   "Akala namin gusto nyo na talagang magkabalikan. We just want to see you both happy at nakita namin iyon kagabi. Hindi namin alam na ganito pala ang mangyayari." nakatungong sabi ni Autumn.   Gusto ko silang pagpapaluin. Pero dahil alam ko na wala naman silang kasalanan si Ice na lang ang pinalo ko ng unan.   "Aray! baby!"   "I hate you! I hate you! I hate you!"   Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinarap niya si Autumn at si Wynd na nakangiting nagkatinginan. Umayos sila ng tayo at pinaseryoso ang mga muka nila ng makitang nakatingin kami sa kanila.   Tumikhim sila.   "Iwan na muna namin kayong mag-asawa-...amm...see you later." Sabi ni Wynd at hinila na paalis si Autumn.   Nilingon ko si Ice na humigpit ang pagkakapit sa kamay ko. "ICE!"   Napapitlag siya at napatingin sakin. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin at agad naman niya akong binitawan. Nakasimangot na hinaplos ko ang kamay ko.   "Sorry. Let me."   Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Then he looked at me and kiss my hand.   "S-Stop.."   "We really need to talk summer. Kung hindi natin pag-uuapan to hindi natin maayos ang mga nangyari. Tama si Tito Poseidon hindi madali na kumuha ng annulment. Mas madali pang magpakasal."   "I know that."   "Hindi naman siguro masama na maging asawa mo ako ng ilang buwan hanggang maayos natin diba?"   Nag-angat ako ng muka at malamig na tinitigan ko siya. There's no way I'm gonna fall for someone like you again..I cant..an I wont let myself again.   "Walang nag bago Ice. Gawin natin kung anong ginagawa natin sa mga buhay natin noon. Kasal tayo sa papel. Yon lang. I don't love you."   Ngumiti siya at tumango. Naglakad na siya palabas. There's something about his eyes that just made me felt sad. Pero madalki ko iyong winaksi sa isipan ko.   Pagkatapos ng ilang minuto ay nag bihis na ako at lumabas ng kwarto. Nagugutom na ako. Dumiretso ako sa dining hall ng hindi tinitignan ang mga tao. Kapag ganitong gutom ako wala akong pakialam sa mundo .   Kumuha ako ng happy birhday at ng favorite kong apple juice. Tumalikod na ako para mag lakad sa pwesto nila ate hurricane ng bigla akong bumangga sa kung sino. Fortunately hinawakan niya yung kamay ko para hindi matapon yung dala ko.   Ice.   "Kailan kaya dadating ang araw na hindi kita makikita Ice?"   "Hmm..maybe sa time na nasa kwarto ako at inaalagaan ang mga anak natin."   Pinaningkitan ko siya ng mga mata at dire-diretso na umumupo ako sa bakanteng puwesto sa table nila ate hurricane. Tahimik lang sila at parang pinag-aaralan kaming dalawa ni Ice. Tinginan ko sila ng masama at lahat naman sila ay nag-iwas ng tingin.   "Summer!"   Lumingon ako don sa tumawag sakin at napakagat labi ako ng makita ko ang kuya ko na kasalukuyang mabibigat ang hakbang na lumapit sakin. asunod niya si Ate Sophie na gumagawa ng 'lagot ka' sign kay Ice na unti-unting namumutla na. Umupo sa harapan namin si Kuya warren na parehong matalim ang tingin samin.   "Totoo ba?"   "Na gwapo ako? Oo, dude matagal na-" pabirog sagot ni Ice na pinutol naman ni kuya.   "I will not ask again."   Napalunok kami ni Ice at nagkatinginan. Sinimangutan ko siya. Kung pareho kaming kinakabahan ano sa tingin niya ang mangyayari saming dalawa?   "Yes." sagot ko.   "Without telling us?!"-warren   "Biglaan kuya. Hindi din namin alam kung ano ang ginawa namin. It's kind of spur of the moment or temporary craziness. I don't know okay? Gagawan namin ng paraan."   Tumingin si kuya warren kaila wynd at autumn na sa kung anong kadahilanan ay nagkaron bigla ng interest sa ceiling ng dining room dahil pareho silang nakatingin don.   "Wala ba kayong kinalaman ditong dalawa?"   Sunod-sunod na umiling sila. Hinilot ni kuya warren ang sentido niya.   Parang namang gusto ko ang mga nangyayari ngayon. Naguguluhan din ako katulad nila. Isama mo pa na magulo din ang utak ng lalaking katabi ko ngayon na kinukutinting ang buhok ko.   Pumiksi ako.   "Umayos ka!"   "Yes, ma'am!"   Sumaludo pa si Ice. Sinimangutan ko na lang siya at nag patuloy ako sa pagkain. Infairness, medyo nakakakalma ang happy birthday ngayon. Siguro dahil walang laman ang tiyan ko kanina kaya medyo mainitin ang ulo ko. Anyway, kung si Ice ang pag-uusapan, yes laging mainit ang ulo ko.   "Gusto mo subuan kita?"   "No? I have a hand, see?"   Tinaas ko ang kamay ko at winagayway sa harapan niya. Nakangiting itinaas niya ang kamay niya at namula yung muka ko ng makita kong pareho naming suot ang sing-sing.   Tatanggalin ko siya talaga mamaya. Kung kinakailangan na putulin ko ang daliri ko gagawin ko.   "Summer in love ka ba?"   "Hindi. Bakit?"   "Kasi ako in love na in love sayo."   Pumalakpak pa siya na parang tuwang-tuwa sa sinabi niya. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko kaso naramdaman ko na kinakalabit niya ako. Madilim ang muka na nilingon ko siya.   "Bingi ka ba?"   "HINDI AKO BINGI! Bakit ba?!"   "Bingi ka ata eh, hindi mo naririnig ang lakas ng t***k ng puso ko para sayo."   Nasapo ko yung noo ko ng wala sa oras. Don't tell me mag hapon na naman akong bibigyan ng pick up lines ni Ice na alam ko namang sa kapatid niyang si Wynter nanggaling.   Ah, hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD