Chapter 3

1949 Words
CHAPTER 3 Kumunot yung noo ko ng magising ako. Hindi familiar ang kinaroroonan ko. Sa pagkakatanda ko nakatulog ako sa pag-aayos ng mga files na pinaayos sa akin ni kuya.   Tumayo ako at kinusot ko yung mga mata ko dahil hindi pa ako makakita ng maayos. Napatili ako ng wala sa oras ng bigla akong madulas dahil sa kung ano na naapakan ko. Nakangiwing hinila ko ang bagay na yon. Toy Car.   Yon lang ata ang kailangan ko para marealize kung nasaan ako. Mabilis na tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ng makita ko ang suot ko.   T-Shirt ni Ice.   Tumakbo ako palabas habang lumilingon-lingon ako. Hinahanap ko ang walang magawa na adik na iyon. Pumunta ako sa kusina ng may marinig ako na kaluskos at naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang nakatalikod na si Ice.   Tatalunan ko sana siya at sasakalin hanggang maging kakulay na siya ng genie sa Aladdin.   "Before you strangle me, kumain ka muna."   Napahinto ako sa masama kong balak sa kaniya at napahinto ako. Nakasimangot na sinilip ko ang ginagawa niya at nakita kong naghahain na pala siya.   Ininspeksyon ko ang pagkain para matiyak na mukhang pagkain yon. Tinikman ko at umupo na ako ng masarap naman ang lasa. Nakakapagtaka lang kung pano nakapagluto si Ice eh hindi naman siya marunong.    "Ikaw ba nagluto nito?"   "Hindi. Pero ako ang naghain. Ang dami kong effort riyan."   Ngiting-ngiti siya at parang proud na proud pa sa ginawa niya. Nakangiwing inalis ko ang tingin ko sa kaniya at nagsimula na akong kumain. Nagugutom na ako at mukang masarap ang pagkain kaya wala akong planong tumanggi.   Napatingin ako kay Ice at nag-iwas ako ng tingin ng makita kong nakatitig pala siya sakin. Tumingin na lang ako kung saan at napasinghap ako ng may mahagip ako ng tingin. Yung damit ko kahapon.   Tumili ako at sinaksak ko ng tinidor si Ice. Naalis niya ang kamay niya bago ko iyon natusok. Nagbabaga yung tingin ko sa kaniya at gusto ko na talaga siyang ihawin.   "Walangya ka anong ginawa mo?!"   "W-Wala. Baby, baba mo muna yang t-tinidor, ha? please?"   Naiinis na tumusok ako ng hotdog at kinagat ko yon. Dahan-dahan na lumapit sakin si Ice at kinuha ang tinidor ko. May inabot siya sakin na panibago. Plastic na tinidor yon.   Ngumiti ako at pinalapit ko siya. Lumapit naman siya kaagad sakin hanggang malapit na sa muka ko ang mukha niya. Nakapikit pa siya na parang hinihintay na halikan kon siya.   "Aray! Baby naman eh."   Bumalik ako sa pagkain ko ng satisfied na ako ng mapalo ko siya ng kutsara sa noo niya. Hindi ko pa din alam kung anong ginagawa ko dito sa kwarto ni Ice pero mamaya ko na aalamin kapag busog na ako.   Kailangan ko ng lakas dahil tiyak na mapapagod lang ako sa kakulitan ni Ice mamaya. Para kasi siyang pinaglihi sa kiti-kiti sa sobra niyang kulit. Rather baka pinaglihi siya kay daddy kaya ganiyan siyang kakulit.   Tumingin ako sa refrigerator niya na silver ang kulay at nag re-reflect sa repleksyon ko. Nalaglag yung panga ko ng makita ko yung nakasulat sa T-Shirt.   'I ♥ Ice'   Binisitahan ko yung damit niya at parang dumilim ang paningin ko ng makita ko na ganon din ang nakalagay sa kaniya. 'I ♥ Summer'   "You! Bakit ganto ang damit ko?! At saka yang sayo?"   "Ang cute no?"   "No."   "Cute kaya!"   "No."   "CUTE!"   Tumahimik ako at napailing na lang. Mukang handa siyang makipaglaban ng p*****n para lang mapatunayan na cute ang T-Shirt. Tinignan ko ulit yung suot ko. Namula ang muka ko ng may maisip ako.   "Anong ginawa mo sakin kagabi ha?! Bakit iba na ang damit ko? Sinong nagpalit sakin ng damit?"   "Pinalitan ko ang damit mo kasi nung nakatulog ka habang nasa lab tayo nila Rain nakalimutan mo ata na hawak mo yung apple juice kaya tumapon sayo. Ako ang nagpalit ng damit mo pero wala akong ginawa, promise!"   Dumukwang ako palapit sa kaniya at nag-iwas siya ng tingin. May ginawa siya. I swear na meron siyang ginawa dahil muka siyang guilty. Hinila ko yung shirt niya palapit sakin at hinintay ko siya na tumingin sakin. Nang magtama ang mga mata namin ay tinitigan ko siya ng masama.   "Anong ginawa mo? Umamin ko o gagawin kitang punching bag. Dalian mo. Explain."   "Wala naman kaso..ano..ammm.."   "What?"   "Hinalikanlangnamankitawalanaakongibangginawa."   Nilapit ko yung tenga ko sa kaniya dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya. Namula siya at tumikhim-tikhim na parang kinakabahan sa magiging reaction ko.   "Ano?"   "Hinalikan lang naman kita wala na akong ibang ginawa!"   Sumimangot ako at pinakawalan ko na siya. Tahimik na pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko habang iniisip ko kung naramdaman ko ba na hinalikan niya ako. Wala naman akong maalala patunay na sobrang antok na ako kagabi. Tinignan ko si Ice at mukang guilty na kinakagat niya yung ibabang labi niya habang nakatingin sa pagkain.   "Eat."   "Sorry."     "Psh! Wala naman na akong magagawa. Just eat."   Mukang nakahinga naman siya ng maluwag at nagsimula na siyang kumain. Hindi ko maiwasan na hindi siya tignan habang kumakain siya.   Once upon a time pangarap ko na magising na ganto ang gagawin namin. That dream seems so far away now. Parang parte na lang yon ng kung ano ako.   "Summer baby."   "What?"   "Can you keep that shirt?"   "No-"   "Please?"   Tumingin ako sa kaniya. Nagkibit-balikat na lang ako. Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako. Niligpit ko yung pinagkainan ko para hugasan ang mga yon. Alangan namang nakikain na nga ako gagawin ko pa siyang taga-hugas.   Magsisimula na sana ako pero pinigilan ako ni Ice.   "Ako na."   "Tabi nga kaya kong maghugas."   "kaya ko din."   "Mas kaya ko."   "Ako na nga lang."   "Ako na!"   "Sabay na lang tayo."   Sinimangutan ko siya at tumango na lang ako. Nag simula na kaming maghugas at napapapitlag ako tuwing masasanggi niya ang kamay ko.   Nililingon ko siya at ngumingiti naman siya kada magtatama ang mga mata namin. Napailing na lang ako at sinubukan kong magconcentrate sa ginagawa ko.   Napatigil ako ng maramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko.   "Let go Ice."   "Payagan mo na akong ligawan ka."   "Come on, Ice. Kahit hindi kita payagan nangliligaw ka parin naman diba? Anong tawag sa mga pangungulit mo?"   Nag beautiful eyes siya at siniksik ako. Pinalo ko siya sa braso at tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. He looks hilarious. Napatawa ako at nakita kong nanglaki ang mga mata niya at pagkaraan ay ngumiti.   "Stop it Ice. Ang sagwa tignan."   "Inggit ka naman diyan. Aminin mo sistah, mas maganda ako sayo!"   Lalong napalakas ang tawa ko ng pinilipit niya yung shirt niya at inikot sa bandang neckline kaya parang nakasuot siya ng bikini top. Kitang kita ko ang abs niya kaya lalong masagwang tignan ang itsura niya. Maluha-luha ako sa kakatawa sa itsura niya. Para siyang trying hard maging bakla.   Tumingin ako ulit sa kaniya at nakita kong ayos na ang damit niya. Nakatitig na lang siya sa akin na parang natulala siya na kung ano.   Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at hinaplos ang pisngi ko.   "You're so beautiful.."   Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sari-saring emosyon na hindi ko matukoy kung ano. It's overwhelming...its too much. Sinubukan kong lumayo pero hinawakan niya lang ang kamay ko.   "Don't push me away."   "I'm not this is me running away."   "Then don't runaway."   "I wish I can. But you ruined it, you ruined everything. I need to go."   "Dumating ang mga gamit mo kanina lang. Pinadala ni Tito Poseidon. Dapat daw na magkasama tayo since mag-asawa naman tayo."   "But-"   "Dont worry. Wala naman akong gagawin sayo. Kailangan muna nating sundin ang mga magulang natin-"   Sabay kaming napahinto ng marinig namin na bumukas yung pinto ng kwarto. Sabay na lumabas kami at naabutan namin si Tita Kat na papasok pa lang kasama si tito Pj.   "Momma!"   Lumapit si Ice at yumakap kay Tita Kat na natawa lang. Isasarado na sana ni Tito Pj yung pinto pero biglang pumasok si Wynd na yumakap din kay Tita kat.   "Sali ako!" sigaw ni Wynd.   "Storbo!" nakasimangot na sabi ni Ice sa kapatid niya.   "Stop you two. Kagagaling ko lang sa kwarto ni Wynd at mukang may kababalaghan na naman na nangyari don kaya magulo. Buti naman hindi makalat ang kwarto mo Ice."   Proud na ngumiti si Ice. Dinilaan niya si Wynd na sumimangot lang at inambaan ng suntok si Ice. I sighed. Nagtama ang mga mata namin ni Tita Kat at ngumiti siya.   "Boys, iwan niyo muna kami ni summer."   "Momma-"   "Narinig niyo ang sinabi ng momma niya. Lumabas muna daw kayo." sabi ni tito PJ na tinapik pa ang mga anak.   "Ikaw din, love."   Kinindatan siya ni tita kat at sumunod naman siya. Hinila niya yung magkapatid palabas at itinaas pa ni Ice ang kamay niya na parang inaabot ako at pumipiglas-piglas pa siya kunwari.   I rolled my eyes at him.   Nakangiting bumaling ako kay Tita Kat at pinaupo niya ako sa sofa. Kinakabahan ako. Alam kong mabait si tita Kat pero nakakakaba kasi hindi ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan namin.   "So summer may ginawa na naman kalokohan ang mga anak ko. Gusto ko lang humingi ng pasensiya sa kalokohan na ginawa nila sayo. Lalo na ni Wynd. Hindi niya dapat kinunsinti si Ice."   "Okay lang po tita wala na naman po kaming magagawa."   "That child, Ice, iba siya sa kapatid niya. Somehow kung titignan ng iba parang magkapareho lang ang ugali nila. Pero hindi. Ice was a trouble soul. Hindi niya mahanap kung ano talaga ang gusto niya. Samantalang si Wynd nahanap niya na agad si Autumn. Also si Ice..nagkaron siya ng mga times na naging pasaway siya. At alam ko isa ka sa mga nasaktan niya. I'm not proud of what he did...but maybe someday you'll learn to forgive him."   "Tita-"   "Hindi kita minamadali. Hayaan mo na paghirapan ni Ice lahat. Karapatan mo yon. Dahil kung sakin niya ginawa yon baka sipa ang abot niya kada makikita ko siya."   Ngumiti ako kay Tita. Mas kilala niya si Ice kaysa sakin dahil siya ang ina. Pero bukod don babae din siya. Alam kong naiintindihan niya ako. Kung bakit nahihirapan akong magpatawad.   I'm not ready.   "I can't Tita. Siguro may isang parte ko ang pinatawad na siya. That girl who loved him. Pero yung summer ngayon nahihirapan siya. Because she's scared."   "Wag kang magmadali. Heaven knows what will happen if you push yourself to forgive him entirely kapag hindi ka pa handa. Give it a little time. And your heart will tell you what it wants you to do."   For now..   My heart just want to stay where it is.   Away from all the pain.   Away from all of it.   ICE'S POV   Umalis si papa at pumunta saglit sa laboratory. Naiwan kami ni Wynd na nag-iintay sa labas na matapos sila momma. "Bro."   "Hmmm?   "Okay na kayo ni Summer?"   Bumuntong-hininga ako at umiling. Sa tingin ko mahihirapan ako bago niya ako mapatawad. Hindi ko naman siya masisisi dahil malaki ang kasalanan na ginawa ko sa kaniya.   That's why I need to be patient.   "Kung sabagay kung ako si summer at ginawa mo sakin yon baka hindi kita mapatawad kahit na anong gawin mo. You broke her heart, bro."   "I know."   "Hindi kita maintindihan, bakit naman kasi pinakawalan mo siya tapos ngayon hahabulin mo siya ulit?"   "Hindi ko alam na hindi ko pala siya kayang mawala sakin. I messed up. Akala ko hindi ko kayang tumigil sa mga ginagawa ko non."   "Bakit mo siya pinatulan non kung hindi mo naman siya gusto?"   "Because I want to have her."   "Jerk."   "I know. That's why I want to make things right."   "Hindi ka nya talaga mapapatawad kaagad. Una pinatulan mo siya at may nangyari sa inyo pagkatapos nakita ka niyang may ginagawang kababalaghan sa ibang babae and when you saw her you treated her like dirt. Man, kung si Autumn ang ginanon mo noon baka napatay kita."   "I don't think she'll forgive me that easily."   "So handa kang mag-intay kahit gaanong katagal?"   "Yes."   "Pano kung makahanap siya ng ibang lalaking mamahalin?"   Parang dinaanan ng kung ano ang puso ko sa narinig ko. Pero alam ko na wala akong magagawa kung sakaling ganon nga ang mangyari. "Then I'll let her go."   "Why?"   "I owe it to her."   "Wrong answer."   Ngumiti sakin si Wynd. He smiled at me. A knowing smile. Masaya ako para sa kaniya dahil masaya na siya kay Autumn. At the same time hinihiling ko na sana...katulad niya maging masaya narin ako.   "Kung sakaling may ibang lalaki na mamahalin si Summer, wag ka munang sumuko agad. Alamin mo muna kung hindi siya sasaktan nong lalakeng iyon. And if ever that someone love her too then let her go not because you owe it to her but because you love her."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD