CHAPTER 28 Nag -angat ako ng tingin ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Dalawang araw na naman ang lumipas. Pero wala parin akong balita kay Ice. Hindi pa bumabalik sila Tita. I should just to focus and let the sadness swallow me whole, since that's the only way we can get through. Once I wrapped my head on something, then I'll be able to do it. "You okay?" Tanong ni Xander, na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. "No." Tumango siya at inabutan ako ng juice. Kinuha ko sa kaniya ‘yon, at kahit na sa pinagdadaanan ko ngayon ay napangiti ako. Lemon juice. "Thanks." Tumango lang siya at tumahimik na. Alam kong nag-aalala siya, pero wala na ‘atang tatalo sa pag-aalala ko ngayon. Marami akong gustong itanong na hindi ko matanong. Ang isa doon ay bakit si Olivia? "Yo

