CHAPTER 29 Naka-upo lang ako sa sala habang nakatingin ako sa laptop ko. May headphone na nakakabit sa tenga ko. Nandun sa sahig si Xander na kasalukuyang nakaharap sa laptop niya. Mabilis lang lumipas ang mga araw. I don’t think I'm acting right now because I really feel miserable. Mag se-second month na si baby and everytime I wake up in the morning, lagi kong naiisip na sana kasama ko si Ice. Tinalo ko pa sila Damon Salvatore sa pag shi-shift ko ng personality. Para na kong bipolar. Hindi lang ‘ata double personality, meron na ‘ata akong multiple personality. Or more. I tried to regain my composure dahil biglang napakunot ang noo ko dahil sa mga iniisip ko. Nag concentrate na lang ako sa ginagawa ko. "Any luck there?" Tumingin si Xander sa’kin na biglang nagtanong.

