CHAPTER 24 Kasalukuyan akong nakaupo sa lounger habang nagbabasa ng libro. Kanina pa ako dito. Hinihintay ko lang si Ice na matapos sa ginagawa niya. Naririnig ko sila Autumn sa loob na nagtatalo kung anong lulutuin nila. One month na kami dito. Hindi parin kami pinapabalik. Madami daw ginagawa si Kuya Rain. Pero sabi naman ni daddy matatapos na din naman daw kaya papadalanan na lang kami ng message kung kailan kami pwedeng bumalik. Sila Kuya Warren naman kasama narin namin dito. Kauuwi lang nila last two weeks. Yung iba namang agents pakalat-kalat lang. Mga inienjoy ang bakasyon namin. In fairness nakakarefresh din kapag walang mission hough boring nga lang. "Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko kay Ice. "Saglit na lang to baby." Napangisi ako ng makita ko siyang kinukusk

