CHAPTER 25 Kinarga ako ni Ice pababa ng kotse. Hindi na kami nakapag 'desert' dahil nag insist siya na pumunta na kami sa doctor para makasigurado. Nagmamadali nga siya kanina at parang natataranta. Kaya ngayon nandito na kami sa hospital. Sinabi ko naman na pwedeng sa clinic na lang kaso gusto niya daw sa hospital. Pumasag ako para ibaba niya ako pero hindi niya ako binitawan. Natatawang nakasunod lang samin sila Autumn at Wynd. Naiwan sila Kuya Warren para bantayan ang mga babies. Tinawagan narin nila sa Mommy at Daddy na siguradong susulpot na lang bigla dito sa hospital maya-maya lang. "STRETCHER! STRETCHER!" sigaw ni Ice. Nanglaki ang mga mata ko at pilit na tinakpan ko ang bibig ni Ice. Inalis niya lang ang kamay ko habang nagsisigaw para humingi ng stretcher. Humahangos

