CHAPTER 26 Napapakunot noo ako habang nilalagay nila Ice ang gamit sa bangka. Konti lang naman ang mga gamit pero ang talagang ipinagtataka ko. Ay kung bakit kasama si Xander. Hindi naman sa hindi ko siya gustong kasama. Pero the last time na nagkita kami halos magsuntukan na sila ni Ice. Kaya nakakapagtakang kasama namin siya ngayon. Or maybe pasimpleng nagyayabang lang si Ice, kanina niya pa binabanggit na buntis ako eh. "Ano bang gagawin natin talaga?" tanong ko. "Pupunta tayo sa kabilang isla. May masarap na kainan don." Nagkibit balikat na lang ako. Inalalayan niya ako sa pagtapak sa bangka at ng makaupo na ako ay nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Pumasok narin sila Wynd at si Xander. Napapatingin ako kay Ice. Nagkakatinginan kasi sila ni Wynd na parang nag

