Chapter 20

997 Words
CHAPTER 20 "Punta tayong mall."   Tinignan ko si Ice na nakadapa sa kama habang ako naman ay nasa sofa at may binabasang libro.   "Anong gagawin natin don?"   "I'm gonna spoil you."   "And how?"   "Buy stuff. I want to watch you try clothes on."   Napangiti ako at tumingin ako sa kaniya. Namumula ang muka niya at ngiting-ngiti siya. Mukang excited siya na bilihan ako ng kung ano-ano. "I don't know why you're so excited lavishing money. Anyway alam ko naman na may ulterior motive ka."   "Wala ah."   Inosenteng tumingin siya sakin. Napapailing na nagpalapit na lang ako ng damit. Nang matapos ako ay umalis na kami ng BHO. Hindi naman nagtagal at nakarating kami agad sa pupuntahan namin.    "Really, Ice, what is it?"   "Fine. Gusto kong makita na suotin mo lahat ng bibilin ko para sayo. Including very sexy dresses. But I'm not planning anything, extreme...that would be for later."   Namula ang mukha ko. He chuckled. Lumabas na kami ng sasakyan at magkahawak kamay na naglakad kami papasok. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti habang tinitignan ko ang mga tao sa paligid namin. Lalo na ang mga babae na napapatingin kay Ice. Sorry, girls. He's mine.   Pumasok kami sa isang botique at napailing ako ng ang dami niya agad na kinuha at pinasubok sakin. Parang hindi na nga niya tinignan ang mga inaabot niya sakin.   Kuntento na umupo siya sa upuan don. Pumasok ako sa loob ng fitting room at napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sales lady sa labas.   "Kapatid niyo, Sir?"   "No. My Wife."   I smiled a little. Rinig na rinig ang pagkaproud sa boses ni Ice. Mood breaker ang sales lady. Kapag nilandi niya pa si Ice sesementuhin ko siya at gagawing mannequin.   Tinignan ko ang mga damit. Hindi maganda yung iba. Masyadong makulay. Kinuha ko ang kulay red at sinuot ko iyon. Nanglaki ang mga mata ko ng makita ko ang repleksyon ko. Parang konti na lang lalabas na ang kaluluwa ko.   Masyadong mababa ang neckline non and the soft cloth of the dress hugged my body perfectly. Masikip iyon sa baba ng dibdib. Pushing my breast upwards.   Lumabas ako at hinanap ng mata ko si Ice. Naabutan ko siyang nagbabasa ng magazine. Mukhang naramdaman niya akong nakatingin sa kaniya dahil nag-angat siya ng tingin. His lips parted.   "W-We'll take that."   Hindi niya pinansin ang sales lady at lumapit siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. His eyes raked down and up my body and then he smiled. A very satisfied smile.   "So?" nakataas ang kilay na tanong ko.   "I can't describe how beautiful you are right now. Maybe I can tell you later how much."   "You really need to stop talking and just do it."   His eyes darken at natatawang tinalikuran ko siya. Sinuot ko na ulit ang damit ko kanina at dinala ko palabas ang pulang damit. Kinuha sakin ni Ice iyon at binayaran na niya. Pagkaraan palabas na kami ng boutique. Pumunta pa kami sa iba hanggang sa ang dami na naming dala ni Ice.   Palabas na kami sa isang botique ng biglang may bumangga sakin. May naramdaman akong tumusok sa braso ko at napaigik ako sa sakit.   "Hey, watch out."   Inilayo ako ni Ice don sa babae na may kasamang lalake na nakabangga sakin. Nataranta sila pareho lalo na ng makita nila ng galit na ekspresyon sa muka ni Ice.   "Ice it's okay. Hindi naman masyadong masakit."   Nilapitan ako nang babae. "S-Sorry. Pinag-aagawan kasi namin ang pin na pinagawa ko kanina. Sorry talaga-"   "Okay lang. No harm done."   Tumingin ako kay Ice at nakatingin siya sa braso ko at iniinspeksyon yon. Wala namang kahit anong sugat don. Namula lang ang braso ko na natusok ng pin.   After ng mahabang paliwanagan umalis na ang babae at ang kasama niya. Hinawakan ko ang kamay ni Ice at hinila ko siya paupo sa isang bench. "I'm okay. Wag ka na magalit."   Nag pout siya at napangiti na ako. He's okay now. Kinuha niya ang kamay ko at malamlam ang mga matang tinitigan ako. "I love you."-   "I love you too."   "Summer."   "Hmm?"   "Let's get married...again."   Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ilang minuto ata bago ko naisipan isara sng bibig ko. Parang ayaw mag function ng utak ko.   "A-Ano?"   "Pakasal tayo ulit. Please?"     "Why?"   "Gusto kong magpakasal ulit tayo. Iyong kasama na ang mga natin. I want to see you walk down the aisle, I want to take your hand and to vow in front of God that I will love you forever."   Napayakap ako sa kaniya. He looks surprised but he chuckled after a while. Mahigpit na niyakap ko siya. I want it too. I want us to get married again."Yes."   Humiwalay ako sa kaniya at ngiting-ngiti na mukha niya ang nakita ko. Tumayo siya at bigla niyang hinila ang isang lalaking nakasimangot na sinusundan ang babae na nauuna ng naglalakad. Hindi ko sure kung magkasama sila dahil ang layo ng pagitan nila. Pero napansin ko din na tumitingin ang babae don sa lalake at biglang umiirap.   "Magpapakasal na kami!" ngiting-ngiti na sabi ni Ice sa lalaki.   "Huh? Ahh, congrats pare. Buti ka pa. Kung sana yung isa diyan marunong lang magtiwala eh di sana kasal narin kami with dozen of babies."   "Ang trust ini-earn. Kaso yung isa diyan hindi deserving. Kung ako sa isa diyan bibilisan ko na ang paglalakad bago pa magwala si Yale kapag hindi namin nabili ang mga ingredients na kailangan niya. Ang bagal kasing maglakad. No wonder I never been satisfied in bed, ang bagal eh-"   "You!"   "I don't know you."   "Quin-"   "I still don't know you."   Binitawan na ni Ice ang lalake at naghanap ng ibang tao na kakalabitin para i-announce ang balita. Mukhang na we-weirduhan na sa kaniya ang mga tao pero wala siyang pakialam. Natatawang tumayo na ako at hinila ko siya.   "Para kang sira."   "Oo. Baliw na ako. Crazy, insane, at kahit na ano pang synonym non. Crazy for you, baby! PAPAKASALAN NA NIYA DAW AKO! ULIT!"   Napasinghap ako ng bigla niya akong hinila at sa harap ng maraming tao hinalikan niya ako. And as always, his kiss made me feel like there's no one else in this world.   Siya na ang kusang humiwalay sakin. Hinawakan ni Ice yung kamay ko at nag bow kami don sa mga nanonood na biglang nagsipalakpakan. I really love this man. Kahit na baliw siya. At least baliw na baliw sakin.   Nakangiting naglakad kami paalis. Huminto lang kami ng biglang nag ring ang phone ni Ice. Ako naman nagpaalam muna sa kaniya na pupunta sa restroom. Bago pa ako makalayo narinig ko siyang tinawag ako.   "Summer!"   "What?"   "I love you!"   Napatawa ako. " I love you too!"    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD