Chapter 21

1658 Words
CHAPTER 21   Kumunot ang noo ko ng makabalik ako. Nakita ko si Ice na may kausap sa phone niya. Nang makalapit ako sa kaniya ay seryosong hinarap niya ako.   "What is it?" tanong ko sa kaniya.   "Rain decided to release all the agents. May nag threaten daw sa system ng BHO. Ilalabas muna lahat ng agents. Sigurado akong may gagawin na naman siya sa system ng BHO. For now lahat tayo lalabas muna. Kasama natin sila Autumn at si Wynd sa bahay ng daddy mo. Ang kuya mo naman kasama si Dawniella. Pupunta muna daw sa paris nila Sophie. May pinapahanap din si Rain don."   Tumango-tango ako. Mabuti narin siguro na lumabas muna kami. Mamaya kung ano pa ang ma-lead namin papasok sa. Mas mabuti ng hindi mawala samin ang BHO.   "Hiwalay-hiwalay tayo?" tanong ko.   "For a while, yes. Magsasama-sama naman tayo ulit. Nagkataon na may pupuntahan ang iba kaya sila Autumn muna ang sasama satin. Ang original elites sa The Camp tutuloy.   "Okay lang ba sila don?"   "Yes. Lalo na sigurong magkakalapit ang BHO at The Camp dahil sa merging."   "Matagal ng nag merge."   "Yes. Pero magkakaiba parin ang mga mission natin. Nag merge lang ang BHO at The Camp in the sense na magtutulungan kung kailangan. Pero kaniya-kaniya parin tayo. Hindi pa complete ang merging."   Tumango-tango ako. Hinawakan ni Ice ang kamay ko ng mahigpit at pumunta na kami sa parking lot. Kumunot ang noo ko ng makita ko roon ang babae na kaninang nakatusok sakin. Kasama niya din ang lalake at kasalukuyan silang nag-aaway. Napangiti ako ng biglang binatukan nang babae ang lalaki.   "Nakakainis ka! Bakit flat yan? Ayoko na break na tayo!"   "Honey, babe."   "Babe ka diyan. Ayusin mo yan protacio kundi sasakalin kita."   "Pro, babe, pro. Not Protacio."   "PROTACIO!"   Nagkamot ng ulo ang lalake at sinubukan na niyang ayusin ang gulong. Napapangiting lumapit ako sa kanila. Tumingin ako kay Ice at tahimik na sumunod siya sakin. Nag-angat ng mukha ang babae at mukang nagulat siya ng makita kami ni Ice.   "Hi. Oy protacio tumayo ka nga diyan!"   "Pro, babe- Hi."   Ngumiti ako sa kanila. Binigyan ng matalim na tingin nong Honey si Pro na napakamot ulit sa batok.   "Gusto niyo sumabay na lang kayo samin?" tanong ko.   "Naku wag na. Aayusin nitong lalakeng to yang gulong namin. O kaya pauuwiin ko siya para kunin ang extrang gulong sa isa naming kotse na iniwan niya. Bahala siyang kargahin yon mula sa bahay hanggang dito."   Napatawa ako. "Couple kayo? As in boyfriend thingy?"   "Hindi ah. Asawa ko yan. Kaya wala siyang choice."   Napatawa ako. Nilingon ko si Ice at ngumiti naman siya. Mukang nag-aalala parin siya tungkol don sa balita ni Kuya Rain. "Sigurado kayong hindi niyo gustong sumabay?"   "Yup. Hayaan niyo tong mister ko. Kasalanan niya kapag hindi namin naayos ang mga give away pin na pinagawa namin."   "Oh,yung nakatusok sakin?"   "Yup. Sorry about that ha? Makulit kasi tong lalakeng to. Sabi ko naman na maganda na ang pagkakagawa. Wait."   Pumunta siya sa backseat at may kinuha. Ngumiti sakin ang lalake na nagsimula ng ayusin ang gulong. Lumabas naman si Honey at lumapit siya sakin. May inabot siya. "Ayan sayo na lang. Para sa binyag kasi yan ng anak namin."   "Thank you. Ah sige, kailangan na naming umalis. Nice meeting you Protacio and Honey."   Ngumiwi yung lalake ng binanggit ko ang pangalan niya. Ngumiti ang babae at binelatan si Protacio na napabuntong-hininga na lang. Under talaga.   "Ano nga palang pangalan mo?" tanong ng babae.   "Summer. Siya naman si Ice."   "Sosyal. Summer and Ice? Hindi kaya kayo magkatunawan niyan?"   "Maybe. Sige, mauna na kami." Nakangiting kumaway ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay ni Ice. Naglakad na kami papunta sa kotse namin. Tinulungan ako ni Ice na pumasok.   Napakagat labi ako para mapigilan ko yung sarili ko na mapangiti ng hinila niya ang seatbelt. Napatingin siya sakin at bigla siyang napangisi. "And what's my baby thinking right now?"   "You."   "And?"   "I want you to kiss me. Now."   Tumaas ang kilay niya. I rolled my eyes at hinila ko siya. Napasubsob siya sakin at agad na hinalikan ko siya. He groan then pinned me on my seat. Devouring my lips like a delectable dish. I groan in protest ng umatras siya para maghiwalay ang mga labi namin.   "Much as I love kissing you. Hindi tayo pwede dito. Kailangan nating umuwi."   "Sa BHO?"   "Nope. Diretso na tayo sa bahay niyo. Padadalan na lang daw tayo ng damit. And I think we really need to have a vacation. Para mabuo na natin si baby boy."   Namula ako. Ngumiti si Ice at sinarado na niya ang pinto at umikot. Nang makasakay siya sa driver seat pinaandar na niya yon. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya.   "Stop looking." sabi niya.   "Fine."   Tinaas ko ang mga paa ko sa dashboard. At dahil maikli ang skirt na suot ko ay lalo pa iyong umiksi ng tinaas ko ang mga paa ko. Nilingon ko si Ice at siya naman ang napatingin. Napalunok pa siya. Kinalabit ko siya at umakyat sa mukha ko ang mga mata niyang nag-aapoy.   "Stop looking." I murmured.   Umiwas siya ng tingin at tinuon niya ang pansin niya sa daan. Pero alam kong gusto niyang tumingin. Nangingiting tumingin ako sa bintana. Lumuwang ang ngiti ko ng may maramdaman akong kamay sa hita ko. Lumingon ako kay Ice at nakangiti siya habang nakatingin sa harapan namin.   "Naughty." I said to him.   "Guilty as charge."   "Ice."   "Hmm?"   "About the merging. What will happen kung tapos na lahat at kumpleto na. Nakakainis naman kasi si Kuya. Lagi na lang kayong mga boys ang kausap."   "Ang sabi ni Warren at ni Tito Poseidon, para daw nagiging crowded na ang manila and when it gets too crowded mas tumataas ang possibility na madiskubre tayo."   "And?"   "Iniisip ni Daddy mo na pwedeng dalin sa The Camp ang BHO. Or closer to that place. Mostly ang lab naman nasa underground at nasa underground din naman ang lab nila. May property sa likod ng The Camp at masyadong malaki iyon. Eksakto para sa BHO. Sabi din ni Craige Lawrence, maganda kung lilipat na lang sila sa magiging headquarters ng mga BHO agents"   "Dahil ang mga villa ng agents nila ay kasali sa mga normal na tao?"   "Yup and that means may risk din sila. Kaya kung magsasama-sama tayo sa property na yon, create a massive BHO, merged with The Camp, mas magiging safe lahat. Though they'll take some adjustment to their part para ilipat ang lab nila kadugtong satin. The underground facility."   "Kung sabagay maganda nga. Katulad sa BHO maglalagay din tayo ng wall doon para walang makapasok na iba. People will think na property lang yon ng kung sino. A private property."   "Exactly. Dito kasi sa manila nagkakaron na ng problema. Dumadami din ang mga tao sa paligid natin kaya may posibilidad na may nakakakita na satin papasok at palabas ng BHO. Hindi magtatagal magtataka sila kung anong nangyayari sa loob. Hindi katulad doon. No one will care. Sa likod pa ng pagtatayuan natin kung sakali. May possibility na madaming daan na pwede nating gamitin. No one will see kapag lalabas tayo."   Kung tutuusin maganda nga siguro kung mag merge na ng tuluyan. Mas magiging safe lahat. Hindi iyong ilang beses ng nalalagay sa panganib ang system ng BHO. We can make our range bigger kung makukumpleto ang merging.   Napatingin ako sa labas ng bintana. Nandito na pala kami. Bago pa ako makalabas lumabas na si Ice at gumilid sa side ko. Binuksan niya ng pinto at sa gulat ko ng matanggal niya na ang seat belt ko aybigla na lang niya akong binuhat.   "Hey!"   "Nag pa-practice lang ako."   "Saan? Sa padamihan ng bubuhatin ng sako ng bigas? bitawan mo ko!"   "No. I'm practicing para pagkatapos ng kasal natin, kung saan kakargahin kita papasok sa bahay natin."   Nang makapasok na kami napatigil sa paglalakad si Ice. Lumingon ako sa tinitignan niya at napatakip ako ng mata. Tinakpan ko din ang mga mata ni Ice para hindi niya makita. Naglakad kami papunta sa kung saan. Paalis sa living room.   May narinig kaming tumili. "Wynd yung damit ko!"   "Wait, sweetie."   May hindi lang naman kami kaaya -ayang nakita. Kung bakit naman kasi hindi sa kwarto gawin. Nakatakip parin ang mga mata na lumiko kami sa kung saan ni Ice. Napatawa ako ng bumangga kami. Napaaray si Ice pero pinulupot niya ang braso niya sa katawan ko para hindi ako masaktan kapag tumama kami ulit.   Anong hindi kaaya-aya naming nakita? Nakita lang naman namin kasi si Autumn at si Wynd, doing 'it' with so much enthusiasm. Nakita ko pa nga ang cute butt ni Wynd.   Tumigil kami at tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa mga mata namin. Nasa kusina kami. Napapatawa na lang ako ng ibinaba ako ni Ice. "May nakita ka?"   Napatawa ako. "Oo. Yung cute butt ni Wynd."   "Mas cute sakin!"   "Hindi kaya."   "Mas cute!"   "No...yours looks sexy."   Napatigil si Ice. May sumilay na ngiti sa mga labi niya. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa pintuan ng kusina. Baka kami naman ang mahuli nila ni Wynd.   Napatingin ako kay Ice ng bigla siyang kumawala sakin at sinarado ang pinto ng Kusina. Nanglaki ang mga mata ko ng tumingin ako sa kaniya.. "Hey. Pwedeng mamaya na?"   "Yup."   "So...pwede mo ng buksan yung pinto."   "Hmm. You look scared."   "No. I'm tense."   Tumawa si Ice at bigla akong nilapitan. Our leps met and I moan when he plunge his tongue inside. Pairing my tongue with his, kissing me deeper. I answered his kisses eagerly. I wrapped my arms around his shoulder and I grind my body on him. He tangles his fingers on my hair. Pulling me closer. I heard my shirt button pop when Ice pulled it.   Napatigil kami ng biglang may kumatok ng sunod -sunod sa pinto. Natatawang kumalas ako kay Ice na naka pout na binuksan ang pinto. Sumilip si Wynd at Autumn. Ulo lang nila ang kita.   "Kami naman ang mang-iistorbo. Nauuhaw kami eh." sabi ni Wynd.   I rolled my eyes. "Hindi na ako nagtataka kung bakit."   Ngumisi siya at pumasok. Sumunod din si Autumn na namumula ang muka na nakangisi samin. Napailing ako habang pinapanood ko silang nag share ng baso.    Patingin-tingin samin si Wynd. "Kami nauuhaw, kayo naman mukhang naitawid na ang uhaw."   Tumingin siya kay Ice. Napatingin din ako kay Ice at ako naman ang namula ng makita kong nagkalat ang lipstick sa bibig ni Ice. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at pinunasan ko ang bibig ni Ice. Inayos ko din ang shirt ko at ang buhok ko. Hindi nalalayo ang itsura namin don sa dalawa.   "Ewan ko sa inyo. Nasan nga pala ang mga babies?" tanong ko.   "Nasa labas. Hindi niyo ata napansin." sagot ni Autumn.   "Eh kasi nagtakip kami agad ng mata dahil may hindi kami kaaya-ayang nakita."   Ngumisi si Autumn. Napatingin ako kay Ice ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko at kinuha ang pitcher ng tubig. Hinila niya ako palabas ng kitchen.   "Oy! San kayo pupunta?" sigaw ni Autumn.   Tumingin sa akin si Ice bago sumagot. "Meeting."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD