Chapter 12

1623 Words
CHAPTER 12 Straight face lang ako habang naglalakad ako. Kasalukuyan kaming nasa mall ni Ice na nagpapacute na nakasunod sakin. Hindi ko na kasi siya pinansin ng bigla ko silang takasan ni daddy na pinagsisigawan sa lahat na buntis ako.   Si Mommy lang ata ang matinong kausap dahil siya lang ang matinong tao na nagtanong sakin kung totoo ba. Nang sinabi kong hindi, kinaladkad niya si Daddy paalis habang sinasabi sa mga nadadaanan niya na 'False Alarm'.   After non nag decide ako na mag gala sa mall 'mag-isa'. Ang kaso may makulit na tao na kasalukuyan akong sinusundan ngayon habang nagpapacute at patingin-tingin sakin.   "Baby.."   "Binabawi ko na ang sinasabi ko sayo kanina. Hindi na pala ako naiinlove-"   Bigla siyang humarang sa dinadaanan ko habang saklot-saklot niya yung dibdib niya na parang aatakihin siya sa puso. Nanglaki yung mga mata ko ng bigla siyang naglupasay sa sahig.   Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit sa ginagawa niya. Napailing na lang ako at hinila ko yung tenga niya para mapilitan siyang tumayo.   "Aw!"   "Pasaway."   "Gwapo naman."   I rolled my eyes. Para talagang bata. Nakakahawa ata ang pagiging eccentric ni Daddy at unfortunately si Ice pa ang dinapuan non. Mahina ata ang immune system ni Ice sa kabaliwan.   "Ang gwapo naman nung guy! bagay kami!"   "Hindi! kami ang bagay!"   "Kami!"   "Itsura mo!"   "Lalo ka na!"   Napalingon ako ng wala sa oras don sa mga babaeng parang magpapatayan na. Magkasama sila at mukang magkaibigan pa pero mukang willing silang gawing motto ang 'survival of the fittest' para kay Ice.   Tinaasan ko sila ng kilay at ipinalibot ko sa braso ni ice ang braso ko. Masama ang pagkakatingin ko sa kanila. Kung sila motto ang 'survival of the fittest' sakin 'dead or alive'.   Naglakad na kami ni Ice. Sigurado namang hindi ganon ang kakapal ang muka nila para lumapit samin at kausapin kaming dalawa ni ice-   "Oy miss."   Okay..makapal nga ang muka. Hinarap namin siya ni Ice. Friendly na ngumiti lang si Ice sa kanila at mukang kikinsot na kinikilig ang dalawa.   Tinaasan ako ng kilay nung babae na ikinainit nung ulo ko. Eh kung kinalbo ko kaya yang kilay niyang malapit ng maging extinct? kulang na lang araw-araw niyang i-pluck ata yon.   "Boyfriend mo ba siya?"   "I don't think I need to answer your question, excuse us."   "Kasi kung hindi amin na lang siya. Mukang type niya naman kami."   Matalim na tinignan ko si Ice. Sunod-sunod na umiling siya kasabay ng pag-wave din ng kamay niya na parang itinatanggi ang sinabi nung babae.   Siguraduhin niya lang kundi kasama siya sa tutugisin ko. Pagkatapos itatapon ko sila sa gitna ng dagat na maraming gutom na pating para magkagutay-gutay sila.   "Hindi ka niya type."   "Pano mo naman nasabi?"   "Kasi kung type ka niya bakit niya ako pinakasalan? Wait dont answer that alam ko naman ang sagot. Mas maganda kasi ako, mas sexy at mas educated in a way na hindi ako basta na lang nanghihingi ng lalaki sa mall. So if you'll excuse me we need to go. Maghanap ka ng ibang babae na ibibigay ang kasama nila sayo ng basta-basta."   Napanganga sila at satisfied na ngumiti ako. Hinila ko na si Ice na nakangiting umakbay pa sakin at umalis na kami. Bago kami makalayo may narinig pa kaming isang babae na nagsalita na may dalang aso. May kasama siyang lalakeng emotionless.   "O ano kayo ngayon? basag kayo no like 'crasssssh!' tsk tsk! o wag niyong tignan tong kasama ko dahil nangangaggat to. Kung ako nga hindi ko pa nate-tame eh. Halika na nga Boss, Sir, Among tunay. Oy, miss na maganda na tinarayan tong dalawang bruhildang to. Bakuran mo yang gwapo mong boylet ha? maraming sugapa sa gwapo palibasa paubos na. Bye bye!"   Nginitian ko yung babae. Kumaway siya at umalis na siya kasama ang lalakeng gwapo at yung aso na narinig kong tinawag niyang 'aff'.   Pumasok na kami ni Ice papunta sa grocery. Kumuha ako ng trolley at inabot ko sa kaniya yon. Nakangiti at excited na itinulak na niya yon habang nakasunod siya sakin.   Pumunta muna ako sa mga kitchen utensils dahil kailangan kong kumuha ng bagong apron at saka kung ano-ano pa incase maisipan ni Ice na mag luto ulit.   Inabutan ko siya ng apron, pot holder at kung ano-ano pa.   Naglakad-lakad na ako habang naghahanap ng iba pang pwedeng bilhin. Napapakunot noo ako ng makita kong maraming napapatingin sakin...o sa taong nasa likod ko.   Nung una akala ko pinagnanasaan nila ulit si Ice. Ang kaso napansin ko na pati lalake na papatingin sa likod ko. Kaya nakasimangot na nilingon ko na yung taong tahimik na sumusunod sakin.   "Ano yan?"   "Ha?"-Ice   "Bakit ganiyan ang itsura mo?"   Pinipigilan ko lang yung sarili kong tumawa. May nakalagay na maid's hat sa ulo niya tapos suot niya yung apron. Ang cute niya tignan.   Pero nakakahiya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kagat-kagat ang labi na lumapit ako sa kaniya at inilagay ko sa cart ang mga sinuot niya.   "Bat mo ba sinuot?"   "Sinukat ko lang naman eh!"   "Fine, fine. O ayan na. Wag ka ngang malikot. Mag tulak ka lang ng cart."   Tumango siya. Nagsimula na akong kumuha ng supplies para samin. Kada mapapatingin ako sa cart namin laging may nadadagdag.     Mostly candies and marshmallows.   "Makakain mo ba lahat yan?"   "Yup!"   Nagkibit-balikat ako. Bahala na si batman. Kapag naexpire yang mga kinuha niya gugutumin ko siya ng ilang buwan. Puro gulay ang ipapakain ko sa kaniya.   "Hi Ma'am."   Nginitian ko yung lalaking nasa fish section. Nakuha nung isang babae yung pansin niya na kukuha nung tilapia na nasa tank at pinapalinisan.   Akmang lilinisan na nung lalaki ng biglang sumigaw si Ice. Nanglalaki ang mga mata ko na napatingin sa kaniya. Masama yung tingin niya don sa lalaki.   What now?   "Anong gagawin mo diyan sa fish?"   "Lilinisin po..."   "Bakit may hawak kang kutsilyo? Hindi mo ba alam na masamang pumatay ng hayop? Gusto mong isumbong kita sa Animal welfare?"   Nagkatinginan kami nung lalaki. Parang si Ice yung gusto kong kutsilyuhin. Buti na lang wala pang mga nakatingin samin na ibang tao.   "Sir, kailangan po kasing linisin para makain."   "Bakit hindi mo na lang hintayin na mamatay yung kawawang fish? May buhay din yan. May pamilya, tapos mawawalan siya ng karapatan na mabuhay-"   "Pasensiya na po sa kasama ko. Tilapia kasi siya nung past life niya kaya medyo affected siya."   kinaladkad ko na si Ice paalis. Pumila na kami sa cashier. Magbabayad na sana ako pero inakbayan lang ako ni Ice at biniggay niya ang card niya dun sa babaeng kikinsot number 3.   I rolled my eyes.   Nang matapos kami binitbit na ni Ice papunta sa kotse yung mga plastic. Nilagay niya yon sa likod bago pumasok kami ulit sa loob ng mall. Masyado pang maaga para umuwi.   "Nood tayo ng sine?"   "Next time na lang. Ayoko sa madidilim na lugar kapag ikaw ang kasama."   Napakamot sa batok si Ice then he smiled shyly. See? Mukang may binabalak talaga siya kaya don niya ako inaaya. May ulterior motive. Napatingin ako sa kaniya ng hinawakan niya ang kamay ko.   Naglakad na kami ulit habang ginigitgit ako ni Ice na nagpapacute. Napasinghap ako ng bigla kaming may nabangga.   "Ay sorry-"   "Summer?"   Nanglaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nabangga namin. Bago pa ako maka-react bigla na lang niya akong niyakap.   "God, I miss you. Ang tagal na nating hindi nagkita ah."   "Xander, long time no see.   Ngumiti ako sa kaniya. Xander. Isa siya sa mga kaibigan ko. Umiwas na kasi ako sa mga kaibigan ko mula ng mapahiya ako kay Ice kahit na hindi nila alam ang nangyari parang ayoko na makita nila ako.   But in the end, karamihan sa kanila nalaman na din. Mabilis kumalat ang balita. Yung iba sa kanila lumabas ang tunay na ugali, yung iba naman natanggap parin ako. Kahit na hindi na ako sumasama sa kanila...mabuti parin yung trato nila sakin.   Napatingin kami ni Xander kay Ice ng bigla siyang tumikhim. Dumilim ang anyo ni Xander at parang gusto niyang suntukin si Ice. I cant blame him.   "It's okay xander."   "Dont tell me kayo na?"   Tumango lang ako. Nakita kong sumagap ng hangin si Xander bago pilit na ngumiti. He smiled at me fondly pero hindi na niya ulit tinignan si Ice.   "Sabihin mo lang sakin kapag sinaktan ka niya ulit. Anyway natanggap mo ba yung letter na pinadala para sa gaganapin na reunion natin? Trip ng barkada eh. Ako ang sponsor."   "Hindi ko pa nababasa pero pupunta ako of course."     Hindi ko siguro natanggap dahil lagi akong nasa BHO baka sa bahay ipinadala kaya hindi ko nakita. Ngumiti ulit si Xander. Tumingin siya kay Ice. Walang kahit anong emosyon sa muka niya.   "If you want you could come too, pare. Dadating din ang batch niyo."   Tumango lang si Ice. Nagpalitan kami ng number ni Xander. Pagkatapos ay umalis na siya at naiwan kami don ni Ice na nanatiling tahimik.   "What?"   "Ex mo yon diba?"   "No."   "Manliligaw?"   "Yes and a friend too."   Hindi siya umimik. Parang ang lalim ng iniisip niya. Nakatayo lang kami don at hinihintay ko kung anong sasabihin niya. Nag-angat siya ng tingin.   "Pupunta ka ba?"   "Do you want me too?"   "It depends on you summer. Hindi naman kita pipigilan kung gusto mong pumunta sa reunion kung saan nandon ang ex manliligaw mo habang nag-iintay ang asawa mo sa bahay."   Kinagat ko ang ibabang labi ko. Napaghahalataan si Ice. I want to see them...pero ayoko namang umalis na wala si Ice.   "Come with me. Nandon din naman ang batch niyo."   "Wag na baka nakakaistorbo lang ako-"   "Stop being absurd Ice Roqas. I want you to come. With me. Besides I want to see them but It will surely bore me to death kung wala ka don kaya dapat sumama ka."   Nakasimangot lang siya. Bumuntong-hininga ako.   "Fin, kung ayaw mong sumama ako na lang. Umuwi ka na mamimili na akong swimsuit na susuotin ko sa harapan nila xander at ng iba-"   "Sasama ako! Sasama ako! GUSTO KONG SUMAMA!"   "Okay."   Ngumiti ako sa kaniya. He look at me at parang hindi siya makapaniwala na na isahan ko siya. I smiled widely. Kailan ba siya nanalo sakin?   "You.."   "What?"   "Nothing. Fine, I'l' come with you. I know they will keep ogling at you. Mabuti pang nandoon ako para mabantayan kita."   "You don't need to do that?"   "Do what?"   Lumapit ako sa kaniya at kinurot ko ang pisngi niya.   "Don't you know it Ice? I've been yours since I don't now when. So why would you be jealous when I'm yours from the very start?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD