CHAPTER 11
Napapapitlag ako everytime na may maririnig akong kaluskos. After kasi ng nangyari kanina sa dining hall tumakbo na ako papunta sa kwarto at naligo. Pinagtaguan ko si Ice pati na yung ibang elite agents. Nakakahiya kaya yung nangyari kanina.
Ang kaso naririnig ko sila Ice na kasalukuyang hinahanap ako actually natataranta na siya at hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa itsura niya. Tarantang-taranta.
Nasan ako?
Nandito ako sa may pool area. May malaki kasing puno at mataas na nandito kaya umakyat ako kanina. Good luck kung makita nila ako since natatakpan ako ng mga dahon. Saka feel ko dito. Malakas ang hangin at pakiramdam ko ang taas-taas ng kinalalagyan ko.
"Hindi ka na kidnap na siya?! Halika na sa bantay-bata Wynd!"
"Hello? bantay-bata? Alam kong baby ang tawag mo kay Summer pero hindi mo siya makikita sa bantay-bata. Ano ka ba mamaya nandiyan lang yan sa tabi-tabi."
"Kanina pa kaya natin isya hinahanap! Baka may pumasok dito at kinuha siya!"
"Sino naman ang makakapasok dito ng hindi natin nakikita? kung lumilipad yon pwede pa..umm like alien..whatever."
Nakita kong nanglaki ang mga mata ni Ice at bigla siyang namutla. Lumingon-lingon siya na prang may hinahanap na kung ano.
Don't tell me naniwala siya sa sinabi ni Wynd? Kung sabagay sa magkapatid na yan kahit ano paniniwalaan ng mga yan basta tungkol sa taong mahal nila-
forget I've said that.
"Baka alien nga yon!"
"S-Sus. Wag ka ngang nagbibiro ng ganiyan sumbong kita kay Autumn eh."
Mahinang tumawa ako sa sinabi ni Wynd. Parang bigla siyang natakot. Tsk tsk. Good luck talaga samin ni Autumn. Mukang pareho kaming napunta sa isa sa mga eccentric na tao sa BHO.
"At saka pano naman papasok yon dito? wala yan!"
"Pano kung sakay sila ng UFO! Tulungan mo ko! hindi nila pwedeng dalin si Summer sa Moon!"
"Kung sana sa moon lang yon eh plano kung sa pluto. Sabhin natin kay Papa dali baka alam niya kung saan pwedeng sumakay papunta sa pluto."
Hinilot ko ang sentido ko. Ang sakit nila sa ulong magkapatid. Puro kalokohan lang ata ang pumapasok sa utak nila.
Prenteng umupo ako don sa sanga na kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sa itaas ng puno dahil wala talaga akong planong bumaba. Tinatamad ako.
Ano kayang gagawin ni daddy kapag nakita niya ako dito?
Oo nga pala si Daddy! Baka mapagalitan ako non. Minsan ko lang silang bigyan ng sakit ng ulo. Bihirang-bihira. At saka ayokong maging pasaway sa kanila. Si Ice lang ang gusto kong inisin.
Humawak ako sa magkabilang panig ng puno para bumaba. Mataas ang kinauupuan ko kanina eh. Malapit na ako sa baba ng may maramdaman ako.
Napatingin ako right hand ko ng may mahawakan ako don.
"WAAAAH! ICE ROQAS!"
May narinig akong nagsilapitan. Nakita ko si Ice na humahangos na lumapit sa kinaroroonan ko. Bago pa siya makasalita bigla ko na lang siyang tinalunan.
At dahil medyo nasa mataas pa ako pareho kaming natumba sa damuhan. Naramdaman ko na pumalibot sa katawan ko ang mga braso ni Ice bago kami bumagsak.
Narinig kong napaigik siya.
"I-Ice?"
"I'm fine baby. Ayos ka lang? May masakit sayo? wait dadalin kita sa Mommy mo-"
"Okay lang ako Ice. Ikaw parang nasaktan ka kanina. May ano kasi..may..may ahas."
Namutla siya. Bigla siyang tumili kasabay ni Wynd na kasama niya at nakatayo pala sa ibaba ng puno. Napasigaw narin ako ng biglang may nalaglag kay Wynd. Bigla akong binuhat ni Ice at itinakbo ako.
Sumunod samin si Wynd na muka ng cartoon na parang maiiyak habang sumisigaw. Bago kami lumiko nakita ko pa yung ahas na walang pakialam sa mundo at umalis.
"Waaaaaah!"
Hindi ko maiwasang hindi matawa ng bumangga si Wynd kay Autumn na mukang narinig ang ingay namin. Nagtatatalon si Wynd habang sumisinghot na at yumakap kay Autumn.
Autumn rolled her eyes pagkatapos ay hinagod niya ang likod ni Wynd na nakayakap sa kaniya. Ang cute nila. Tumigil muna si Ice at halatang hinihingal siya.
"Anong nangyari?"
"May ahas.."
"What?!"
"Nabagsakan ako-"
"Wag mo ko lapitan! kadiri ka! halika nga maligo ka muna."
Hinila niya si Wynd sa kwelyo na sumisinghot parin. Aba anong magagawa namin eh halos lahat kami takot sa ahas. Nakakatakot kaya sila.
Napatingin ako kay Ice ng makita kong namumutla siya at parang napapangiwi siya. Hindi ko alam kung totoo o hindi pero alam ko nasaktan siya kanina nung sinalo niya ako.
Pinisil ko yung kanan niyang braso at napahiyaw siya.
"Baby naman eh."
"Baba mo na ako dali."
"No."
"Wala namang masakit sakin eh."
"I wont put you down not until I make sure you're fine."
Nagmamadaling naglakad na siya papunta sa clinic. Naabutan namin don si Daddy na kasalukuyang sinasayaw si Mommy na busy sa binabasa niyang files.
"Tigilan mo ako Poseidon."
"Ayaw. Igiling- giling, igiling-giling, igiing niyo ng matunaw ang taba. Igiling giling igiling giling,Hayaan nyong mata nila ay lumuwa. Igiling giling igiling giling para hindi ka laging nakatulala. Igiling giling igiling giling kung gusto mong problema nyo ay mawala. get, get aw!"
Napailing na lang ako. Minsan parang gusto ko ng ipa-rehab si daddy.
Napatingin sakin si Mommy at bumadha ang pag-alala sa muka niya ng makita ako. Nagulat din si daddy at biglang tumakbo palapit sakin.
"Anong nangyari sayo baby? hinimatay ka ba? inatake sa puso? ni rayuma?"
"None of the above dad."
Ibinaba ako sa gurney ni Ice. Agad-agad na tinignan ni Mommy ang mga braso ko at binti pero wala naman siyang nakitang kakaiba maliban sa maliit na galos sa braso ko.
Nilinis niya lang yon at nilagyan ng band-aid.
"Buntis ka ba?"tanong ni daddy.
"NO!"
"Okay! ang hot naman nito. Bree o, inaaway ako ng anak natin."
Sinaway lang siya ni Mommy na tumahimik. Nginitian ko si Mommy ng malagay niya na ang band-aid na may design na cartoon character. Maaarte kasi ang mg agents..to be exact Wynd and Ice. Nang pinabili sila ng mga band-aid ni Mommy puro may design ang binili nila.
Tinignan ko si Ice. Iniikot niya yung shoulders niya at nakikita kong namumulana din yung braso niya. Talagang may masakit sa kaniya eh..
"Mommy si Ice po nabalian ata.
"Hindi po..wala-"
"Sit."
Hindi siya nakaimik at umupo siya sa tabi ko. Tumayo na ako para maasikaso siya ni Mommy ng maayos at kumandong na lang ako kay daddy na biglang suminghap.
Tumawa si Mommy ng makita niya reaction ni Daddy.
"Baby.. Hindi ka na kasi kasing gaan nung baby ka pa at isa pa mahina na ang tuhod ko."
Natawa na lang ako at umupo ako sa tabi niya. Umakbay sakin si Daddy at pinanood namin kung pano gamutin ni Mommy si Ice na namumutla.
Naglabas si Mommy ng syringe at parang mahihimatay na si Ice habang nakatingin don. Feeling ko ilang segundo na lang mawawalan na siya ng malay.
"Hindi ko to gagamitin sayo. Itatago ko lang."
Napangiti ako.
Curious na pinanood namin silang dalawa ni daddy. Ilang beses na napapaigik si Ice at ilang beses din na parang gusto niyang tumakbong paalis.
"Hindi naman ganon kalala. Hindi ka din nabalian nabugbog lang ang braso mo. Wag mona lang masyadong igalaw. Gagaling yan agad."
Tumango si Ice at sa wakas ay ngumiti na siya. Napatigil ako sa iniisip ko..bakit parang tunog namimiss ko na yung ngiti niya sa sinabi ko?
"Lalabas muna kami ng Daddy mo. Dito muna kayo dahil may ibibigay pa ako kay Ice."
"Okay po."
Nakangiting tumayo si Mommy at inakbayan na si Mommy na inalis naman ang pagkakaakbay niya. Nagpout si daddy dahilan para hawakan na lang ni Mommy yung kamay niya.
Tumingin ako kay Ice. Kumembot-kembot siya at siniksik ako. Natatawang kinurot ko siya tagiliran.
Gusto kong mag-iwas ng tingin ng sinalubong ng mga mata ko ang mga mata niya na titig na titig sakin. Nilapit niya pa sakin yung muka niya.
"Dont hide like that again Summer."
Alam kong tinutukoy niya yung ginawa kong pag-akyat sa puno. Gusto ko lang naman mapag-isa dahil nahihiya ako dun sa nangyari sa dining hall.
"Kinahihiya mo ba ako?"
"Of course not! Ano ka ba ice. Nahihiya lang ako kasi nakita nila tayo kanina."
"Nothing else matters Summer. Tayo lang. Wala naman masama na makita nila tayo na ganon dahil kasal tayo. And we both know that we're taking our time...friends muna."
"With an exemption."
Ngumiti siya. I rolled my eyes. Yon ang favorite part niya sa 'friendship' namin. Yung excemption.
"That's right. Don't hide again."
"Okay."
"Natakot ako ng mawala ka kanina, akala ko kasi nagalit ka na talaga. I'll try not to kiss you again infront of them. It's hard because everytime I look at you, gusto ko na lang na halikan ka."
"Perv."
"No. Mahal lang talaga kita."
Parang biglang may sumipa sa puso ko sa sinabi niya. How can he say such sweet words? ang kilala kong Ice yung maloko. Kaya nga nahihirapan akong paniwalaan siya kasi parang laging joke na lang sa kaniya ang lahat.
"Ang cheesy mo."
Suamndal siya sa sofa at tumingin sakin. He smiled at me while softly caressing my face. Pakiramdam ko sa mga oras na to..ako ang pinakamagandang babae sa mundo.
That's what his eyes are telling me.
"Why me Ice?"
"Because you made me see the world I thought I live in, in a different eyes. Dahil sayo naisip ko yung mga bagay na ginawa kong mali. Because of you I want to be a better perso."
"Pano kung sabihin ko sayong wala ka ng aasahan sakin? Na ayoko na...na hindi kita kayang mahalin?"
Pain shot through his eyes. Pero ngumiti lang siya. He played with my hair then he gently tuck it behind my ear. Gusto kong marinig ang sagot niya..
"I wont leave you..kahit na itaboy mo ako. Hanggat hindi ko nakikita na masaya ka na sa taong magmamahal sayo, na aalagan ka niy, na hindi ka niya sasaktan ng katulad ng ginawa ko."
Napangiti ako sa sinagot niya. Umayos ako ng upo at ganon din si Ice. I dont have my decision yet. Just a little more time Ice.
"Ice..."
"Hmm?"
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong sabihin. Tinignan ko si Ice. Nakangiti siya pero mukang kinakabahan siya sa sasabihin ko..
"Ice.."
"Yes?"
Ang hirap mag-explain. I don't know how to say it...kaya hinila ko siya at hinalikan. Nanglaki ang mga mata niya sa ginawa ko.
Nang mag-hiwalay ang mga labi namin tinitigan ko siya sa mga mata.
"Wait for me Ice. I'm falling for you...again."
Hinintay ko yung sagot niya. Napanga-nga siya at parang luluwa na ang mga mata niya sa pagkakatingin sakin. Magsasalita pa sana ako kaso..
hinimatay.
"Anong nangyari diyan?"
Nilingon ko sila Mommy at Daddy. Tumingin sila kay Ice pagkatapos sakin tapos kay Ice, tapos sakin ulit. Then nagkatinginan sila at nagulantang ako ng biglang sumigaw si daddy.
"BUNTIS SI SUMMEEEEEEER!"
"Daddy amm-"
Hindi na niya ako hinintay matapos at hinila niya si Mommy. Nagtatakbo sila sa labas habang sumisigaw si Daddy about sa 'pagkabuntis' ko.
Duh?
I'm so not pregnant. Na shock lang ang asawa ko.