CHAPTER 10
ICE'S POV
Nakatingin lang ako kay Summer habang natutulog siya. Masyado kasing nakakapagod ang mga nangyari kagabi. Nag-enjoy din naman kami..well half of it.
Obviously hindi ko nagustuhan ang part na akala namin sasabog na ang bomba. Hindi dahil natatakot ako para sa kapakanan ko kundi sa maaring mangyaring masama kay Summer.
Siguro ganon talaga yon. Kapag mahal mo ang isang tao di bale ng ikaw ang masaktan, wag lang ang taong mahal mo. Lahat naman ata ng nagmamahal ganon.
Pag-uwi namin kagabi kita ko kung gano sila nag-alala para samin. Hindi kasi kami nag-isip agad at basta na lang namin binuksan. Sana inuwi na lang namin ang mismong box.
Napangiti ako ng nag-iba ng pwesto si Summer..kitang-kita ko ang muka niya. Alam kong hindi siya komportable na nasa isang kwarto lang kami..
I know she needs time. Hindi ako pwedeng mag reklamo dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat.
But that's life. We often messed up, choose the wrong decisions, and hurt that someone who love us deeply. Hindi na naman natin mababago kung ano ang nangyari na...but we can do something to make it all better.
Kaya hindi ako susuko kay Summer. Bakit ko susukuan ang taong alam ko na tanging magpapasaya sakin at gusto kong makasama habang-buhay?
Nakangiting pinindot ko ang pisngi ni summer....bakit ba ang ganda- ganda niya? Lalo tuloy akong naiinlove. Ang ganda, cute, sexy, lovable, adorable, huggable, kissable, admirable.
Sigurado pagkagising niya gutom na naman siya.Kaya magluluto ako.
Idol ko ang nag-iisang Master Chef...tenenenen! barabadum! Reese Dean Reynolds!
Naghanap na ako ng mailuluto sa freezer. Nakakita ako ng hodog at inilabas ko yon. Kasunod non nilabas ko yung kanin na natira..gagawin kong fried rice.
Pero sabi ni Momma kailangan may ibang hinahalo sa fried rice. Kaya kumuha ako ng dalawang buong bawang. Pagkatapos tinanggalan ko ng balat at itinabi.
Excited na ko! Siguradong matutuwa si Summer kapag nakita niya ang mga iluluto ko. Naglabas din ako ng orange sa refrigerator dahil gagawa ako ng fresh orange squeeze juice.
Nagsimula na akong mag-luto. Nilagay ko na ang kanin at ang mga bawang sa pan. Wait...kailangan bang tadtarin yon? Hmm, parang hindi eh.
Madali lang pala magluto ng fried rice, parang iniinit lang. Nilagay ko yon sa bandehado at smug na ngumiti ako ng makita ko na ang ganda ng pagkakaluto ko. Kitang kita yung mga bawang.
Ginawa ko na din ang squeeze orange juice. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan. Hala! malapit ng gumising si Summer. Dali-daling isinalang ko ang hotdog na kagagaling lang sa freezer.
Napasigaw ako ng biglang tumalsik ang mantika. Napatalon ako ng naramdaman ko ang init sa braso ko kung saan tumama yung mga mantika.
Ang sakit.
"Anong ginagawa mo?"
*************************************
SUMMER'S POV
Nilibot ko ang paningin sa kusina. Nagkalat ang mga gamit. Tumingin ako sa lamesa at napakunot ang noo ko ng makita ko ang Fried Rice. Ang laki ng mga bawang.
Nilapitan ko si Ice na hinihipan ang braso niya at parang maiiyak na. Napailing ako at inilayo ko siya don sa kawali. Hininaan ko ang apoy pagkatapos ay nag-simula akong mag luto.
"Hindi mo dapat isinasalang kapag malamig pa ang hotdog at wag mo ding lakasan ang apoy. Ang bawang sa fried rice hinihiwa hindi nilalagay ng buo-buo."
Nakapout na umupo siya at kumuha ng kutsilyo. Hiniwa-hiwa niya ang mga bawang na luto na. Kalokohan talaga ng taong to.
Pinatay ko na ang apoy ng maluto na yon. Nilagay ko yon sa plato at inihain ko.
"Sorry."
"For what?"
"Dapat special ang breakfast mo, kaso hindi naman ako magaling mag luto."
Napatingin ako sa kaniya. Para siyang bata na inagwan ng candy sa itsura niya. Ang cute niya. Gulo-gulo pa ang buhok niya at halatang kagigising lang.
Tinignan ko ang braso niya. Namumula. Napapalatak ako at kumuha ako ng ointment na nasa cupboard. Hinila ko ang braso niya at nilagyan ko.
"Sorry."
"Psh. Okay lang..at least may effort."
Nakatingin lang ako don sa braso niya na ginagamot ko. Ayokong makita niya ang muka ko dahil namumula ang mga yon.
Nang matapos ako ay nag hugas ako ng kamay at nag simulang kumain. Masarap naman eh..kaya nga lang parang hilaw pa ang bawang. Buti na lang kumakain ako ng hilaw na bawang.
Iinom na sana ako nung fresh orange squeeze juice kaya lang may nakita ako don. Kumuha ako ng malinis na kutsara at tinanggal ko lahat nung buto ng orange.
"Sorry."
"Okay nga lang."
"Talaga?"
Tumango ako at ipinagpatuloy ko na yung pagkain. Sabi nga nilam walang hindi masarap na pagkain sa taong gutom. Kaya kakainin ko lahat kahit luto pa ni Kuya Reese ang ihain niya.
Nang matapos aming kumain at pinalo ko yung braso ni Ice ng akmang maghuhugas siya ng mga plato. Kinuha ko sa kaniya ang hawak niya at ako na ang nag hugas.
"Ako na, baby."
"Dont call me baby. Maligo ka na lang."
"Sama ka?"
"Hindi?"
"Bakit?"
Tinignan ko siya ng masama at ngumiti lang siya. Akala ko aalis na siya pero pinanood niya lang ako sa ginagawa ko. Iang beses kong nahulog yung mga pinggan sa kakatingin niya.
Nang matapos ako sa paghuhugas nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Ngumiti lang siya at bigla akong hinalikan sa pisngi bago siya nagtatakbo papunta kung saan.
Kumuha ako ng saging at kinain ko yon habang nakatingin ako sa mga nakadikit sa refrigerator. Karamihan don galing kay Tita Kat.
'Baby, labahan mo na yung mga maruruming damit mo. Kapag hindi mo nilabhan tatanggalan kita ng washing machine para kamay na lang ang gagamitin mo sa paglaba.'-momma
Iyon ang nakalagay...binasa ko pa yung iba.
'ICE ROQAS! Bakit ang kalat na naman ng kwarto mo?"-momma
'Ice! nasan na yung spongebob boxer shorts at socks ko? IBALIK MO YON!"-wynd
'BWAHAHAHA-HA-HA! mas malinis daw ang kwarto ko kesa sayo sabi ni Momma!"-wynd
Kaloka tong mga to. May competition pa tungkol sa palinisan ng kwarto. At meron pang agawan ng boxer shorts at socks. Good luck talaga samin ni Autumn..
I wonder kailan kami mag fa-file ng annulment. Hindi ko alam pero isipin ko pa lang yon, bakit parang ayoko? Siguro dahil parang hindi naman kami kasal kapag magkasama kami...normal parin.
or abnormal?
"SUMMER BABY- aw!"
Binato ko siya ng balat ng saging. Nakaligo na siya at muka na siyang fresh na fresh. At ako? tintamad pa akong maligo. Mamaya na lang kapag sinipag na ako.
"Gutom na ko kain tayo sa dining hall."
"Kakakain lang natin ah."
"Gusto ko ng Ice Cream...teka..nagrereklamo ka?"
"Hindi! sabi ko nga halika na eh..ikaw Ice bat ang kulit kulit mo! babatukan kita ice!"
Hindi ko maiwasan na hindi matawa sa itsura niya. Ngumiti siya ng makitang tumawa ako at kumurap-kurap siya..beautiful eyes. Ang weird...but cute-
Pumunta na kami sa dining hall. Pinaupo ko si Ice at kumuha ako ng ice cream. Banana split. Inilapag ko ang isa sa harapan ni Ice at kumain narin ako.
"WAAAAAAAAH! thank you baby!"-
"Aray..makasigaw to. Kumain ka na nga lang."
Sumubo na ako nung Ice Cream..tama eto ang kailangan ko para matanggal ang stress ko sa katawan. Ayokong mag alter ego mode..I dont like it one bit.
Sinong tao ang matutuwa kapag sa sobrang galit mo nakagawa ka ng mga bagay-bagay tapos sa huli pagsisisihan mo din? kaya ayokong magalit ng todo.
Hindi ko nga alam kung saan ako nagmana...hindi naman ganto ang temper ng mga magulang ko. Pinaglihi ata ako sa alien kaya ganito.
"Psst."-
Muntik akong mapahagalpak ng tawa ng humarap sakin si Ice na nagtatanong ang mga mata. Kalat-kalat ang Ice Cream niya sa bibig.
"Itsura mo?"
Inabutan ko siya ng tissue at nagpapacute na nag pout siya bago niya pinunasan yung bibig niya.
"Summer.."
"O?"
"Gusto kong maging condoms."
"WHAT?!
Tinignan ko siya ng masama. Hawak-hawak niya ang phone niya. Pustahan galing yan kay Ate Wynter na ngayon ay papasok na ng dining hall at kumindat sa gawi namin.
"Gusto kong maging condoms-"
"Bakit?!"
"Para kapag kasama mo ko you'll feel protected...yieeeeee!"
Kumain na lang ako ng yummy Ice Cream. Nang maubos ko yon balak ko sanang tumayo para kumuha uilit ng Ice Cream..ang kaso pinigilan ako ni Ice.
"What?"-me
"Say 'ahhhh'."
Pinanatili ko yung bibig kong nakatikom habang parang airplane na nilalapit sakin yon ni Ice, ginawa pa akong bata na kailangan piliting kumain.
"Ayan na..broom broom..say 'ahhh'."
"Sira. Kailan pa naging broom broom ang tunog ng airplane?"
"Hindi ba ganon?"
"Hindi."
"Okay! eink eink! eink eink!"
Binuka ko na lang yung bibig ko at kinain yung binibigay niya. Hindi naman ako titigilan niyan at iinit lang yung ulo ko kapag kinulit niya ako. Kaya kinain ko na lang.
Tumaas yung kilay ko ng mapatigil siya at nakatingin na lang siya sakin.....o sa labi ko? Para siyang na hypnotize na kung ano habang nakatingin sakin.
"Nakakainggit naman yung kutsara."
"Huh?"
"Sana kutsara na lang ako."
"What?"
"Para..ganito."
nanglaki yung mga mata ko ng bigla na lang niya akong hinalikan. Hindi ako kaagad nakagalaw sa kinauupuan ko sa ginawa niya.-
"Ehem. Excuse me pwedeng makiupo? Honey lika dito manood tayo ng live show."
Parehong matalim yung tingin namin ni Ice ng lumingon kami don sa istorbo. Namula ang muka ko ng makita ko si Ate hurricane At Kuya Reese na nakatingin samin.
Sali-daling nag-hiwalay kami ni Ice.
"Wag na tayo dito. Nakakaistorbo tayo."sabi ni kuya Reese
"H-Hindi...ano...nag-uusap lang kami."
Gusto ko ng lunurin yung sarili ko sa sinabi ko. Obviously walang maniniwala sa sinabi ko..kitang-kita kaya yung ginagawa namin kanina.
Nakakahiya talaga. Naramdaman ko na may gumaya sakin. Nakasubsob sa lamesa na lumingon ako. Nakangiting nakapatong ang ulo ni Ice sa lamesa habang nakatingin sakin.
"Masaya ka pa niyan? nakakahiya kaya!"
"Bakit ako mahihiya. Inggit lang sila at saka.."
"At saka?"
"Ano namang nakakahiya sa paghalik sa taong mahal ko?"