CHAPTER 9
Napapalingon ako kay Ice at agad naman akong nag-iiwas ng tingin. Imbis na nakatingin sa harapan namin kung saan iniintay namin ang train...sakin siya nakatingin.
Napailing na lang ako. Hindi na ako magtataka kung dadaanan na kami nung train hindi parin niya makikita. Mas busy pa ata siyang tignan ang muka ko.
"Stop staring at me. Focus. Kuya Thunder kasi dapat pinigilan mo yang sumama eh!"
"Ikaw ba napigilan mo?"
Napasimangot ako ng marinig kong sumagot si Kuya Rain sa kabila ng listening device. Payag nga akong pumasok si Ice ang kaso may tiny hope ako na may pipigil sa kaniya.
Kaso wala eh.
Ang hirap kasing mag focus sa mission kapag kasama ko si Ice. Una dahil makulit siya, pangalawa titig siya ng titig sakin at pangatlo mamaya masaktan siya kapag sinunod na naman niya ang protective instinct niya.
Napakamot ako sa pisngi ko ng nag flying kiss pa si Ice mula sa kinatatayuan niya. Pareho kaming naka Chameleon Black Suit at nakasuot din kami ng Vision kaya kahit madilim nakakakita kami.
Napatingin ako kay Ice ng biglang may kumaluskos. Umangat yung kilay ko ng makita ko siyang may kagat-kagat na chocolate bar.
Boys Scout.
Tinginan niya ako at may kinuha pa siyang isa pero umiling ako. Ayoko ng kahit na anong distraction..at saka busog pa naman ako. Marami akong nakain kanina.
"Alam mo lalamagin ka diyan."
"I'm fine."
"Mas maganda kung lalapit ka sakin at yayakapin ako. O kaya ako ang yayakap sayo."
I rolled my eyes at him. Binalik ko ang tignin ko sa harapan ko. Sa totoo lang naiinip narin ako pero alam kong parating na yung train kaya kailangan kong mag-intay.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Ice at lumapit sakin. Mukang hindi na siya makatiis. Tumabi siya sakin at yumakap mula sa likod. Naramdaman ko na isinubsob niya ang muka niya sa leeg ko.
I bit my lower lip. Focus, summer..focus. Huminga ako ng malalim at pinabayaan ko na lang siya na nakayakap sakin. Malamig naman talaga ngayong gabi.
"5 more minutes." pagbibigay alam ni kuya Rain.
Siniko ko si Ice ng maramdaman ko na nasa bewang ko na ang kamay niya at gumagapang pataas. He chukled pero tumigil naman siya.
"Behave."
"Ma'am, Yes, Ma'am!"
"Pati mamaya. Behave."
"Opo!"
Napailing ako habang nakangiti. Hindi na ata talaga magbabago si Ice. Kung sabagay si Wynd nga hindi nagbago kahit tatay na at may asawa.
"Sana may dumaang shooting star." wala sa isip na nasabi ko.
Para I-wiwish ko na sana tumino na ang daddy ko at hindi na maging sakit ng ulo ni Mommy. O kaya i-wiwish ko na maging normal silang dalawa ni Ice.
"Ako kahit hindi okay na." sabi ni Ice.
"Bakit?"
"Why do I need to make a wish, if right now, I'm holding the woman of my dreams? Hindi ko na kailangang humiling dahil nandito ka na sa tabi ko."
Napangiti ako sa sinabi niya. He can be really sweet sometimes. Kahit na makulit siya. Maybe that's what makes him unique.
"Cheesy mo."
Hindi siya sumagot pero humigpit ang yakap niya sakin. Huminga ako ng malalim at sumandal ako sa kaniya. It feels so good being wrapped around his arms.
Para kaming wala sa mission ng mga oras na to. Parang ordinary day lang.
"Nakapag star gazing ka na ba dati?" tanong ko.
"Yes. Pero wala akong kasamang babae."
"Bakit?"
"Its not like they'll appreciate the stars."
Tumingin ako sa paanan namin at kita na may bahagyang vibration ang mga maliliit na bato na hindi pinalagpas ng suot namin na contact lense.
Nandito na.
Nag simula kaming magbilang ni Ice. Umayos na rin siya ng tayo sa tabi ko. I flex my hand a little, may suot akong sticky. Napatingin ako ng makita ko ang pinaka unang part ng train.
We started counting.
Nang malapit na doon lumingon ako kay Ice. Tumango siya at biglang tumakbo. Nakasunod ako sa kaniya. I'm fast enough...pero nagkamali ako ng apak.
I almost fell. Buti na lang nahawakan ni Ice ang kamay ko at hinila ako pataas. Inilapat ko ang mga kamay ko sa train. Napabuga ako ng hangin.
That was close.
Magkatulong na binutasan namin ang salamin gamit ng Pierce. Sinigurado namin na kakasya kami doon. Nang matapos kami ay marahang inalis ni Ice ang salamin. Umakyat siya at pumasok sa loob.
Sa training namin isa sa pinapractice namin ay ang makarinig ng malinaw. Pero kahit ganon hindi ko naririnig ang yabag ni Ice. He's like a ghost.
Umakyat na ako. Nagulat ako ng biglang may humawak sa bewang ko at tinulungan akong makapasok. Napangiti ako ng makasalubong ko ng tingin si Ice.
Napataas yung kilay ko ng makita kong ang dami palang gamit dito. Parang tinambak lang. Mmas lalo kaming mahihirapang mag-hanap.
But whatever, may Vision naman.
Inilibot ko ang paningin ko. Pero wala kong makita ni isang jewelries. Puro gamit na kung ano-ano lang. Nag-hiwalay kami ni Ice para makapaghanap kami ng mas mabilis.
"I cant see anything here." mahinang sabi ko sa kaniya.
"Hindi kaya natatakpan?"
"It's impossible..Vision can see pass through anything"
Bumuntong-hininga ako at naghanap na ulit. Hindi kami pwedeng magtagal dito dahil baka may pumasok na tao. Mabuko pa kami ng wala sa oras.
Napahinto ako ng may maisip ako bigla.
"Vision can see pass through anything kaya madali nating makikita yon. But what if they put it somewhere where vision cant see pass through?"
Narinig kong napatigil si Ice sa paghahalungkat sa kung saan. Si Kuya Rain naman natahimik din. Alam namin kung gano ka useful ang Vision pero matagal na siula ng huli siyang inupgrade.
What are the chances?
"Thats a possibility. Find something that you cannot see." sabi ni kuya rain sa LD.
Tahimik na nag-ikot ikot ako. Nagkabanggan pa kami ni Ice ng biglang sumulpot sa kung saan. Ngumiti siya sakin at nag beautiful eyes bago nagpatuloy siya sa paghahanap.
"Did you know you just sent me a dozen of summer's pictures?"
Napahalakhak ako. Kaka-beautiful eyes niya na send siguro kay kuya ang pictures ko since sakin siya nakatingin. Natatawang naglakad na ako paalis.
Hindi ko alam kung babata pa ako sa kakatawa kay Ice o tatanda dahil sa kunsimisyon. para kasi siyang nescaffe. All in one.
Napatigil ako ng makakita ako ng isang case na bakal. Kasing laki iyon ng normal na speaker ng radyo. Kahit anong tingin ko don hindi ko makita yung loob non.
"I got it."
Biglang sumulpot si Ice sa tabi ko. Nagkatinginan kami at sabay na sinubukan naming buksan yon. Kinuha ko ang code cracker namin. After a few minutes of punching the commands, bumukas iyon.
"Wait!"
Napatigil kami sa urgency sa boses ni kuya Rain pero nabuksan na namin ang box. The moment na binuksan namin iyon ng tuluyan biglang may lumabas na kung ano sa isang side non.
A timer.
"A bomb."-rain
Nagkatinginan kami ni Ice. Hindi kami pwedeng basta na lang umalis dahil siguradong mapapahamak ang mga tao dito. Maybe we can throw it somewhere pero kami naman ang mapapahamak. At hindi din kami sigurado kung gano kalakas yon at baka umabot pa sa train.
"Relax. Focus. Nakakabit pa ang code cracker. We need to do this together. I can see the time, you have exactly five minutes." halata sa boses ni kuya Rain na pinipilit na niya lang na maging kalmado.
"I'll do it. Flame, get out of here."
Sunod-sunod na umiling ako. Hindi pwedeng maiwan si Ice. Nothing will happen to us. We can do this. Umiling si Ice at pilit na pinatayo ako para umalis pero hindi ko siya sinunod.
"We'll do this together. I'm not gonna leave you. Don't make me do something that I will regret forever. If I leave and you survive this, I'll hurt myself with just the thought of me turning my back on you."
Magsasalita pa sana siya pero hindi ko na siya pinansin. Nag-simula na akong kumilos.
I know we can do this.
Tinulungan ako ni Ice. Pareho na kaming pinagpapawisan ng malamig. We're both worried not for ourselves Maybe because nothing would hurt more than losing each other.
Kinabahan ako ng mapatingin ako sa timer.
20 seconds.
Kinakabahan na ako. Pero tinutok ko ang paningin ko sa ginagawa ko.
"Leave me." nagmamakaawang sabi ni Ice.
"No."
Naririnig ko sa kabila ng listening device si Kuya Rain. May mga boses na nadagdag at alam kong sila Daddy yon. I can hear the urgency in their voices. "Do something. damn it. Get the plane..or the helicopter, anything!"
"Mishy, ilabas mo muna sila bree at kat."
"No, Hindi ako aalis PJ. Anak natin ang nandiyan!"
Napalunok ako.
Walang mangyayaring masama samin. Hindi pwede. Tumingin ako kay Ice at kulang na lang ay ihulog niya ako sa labas para umalis ako. I guess he's thinking about doing it.
I smiled shakily at him. Tumingin ako ulit don sa timer. Lumikha ng nakakabingin tunog ang box. For a moment I thought that it'll explode. Pero biglang huminto ang timer. Inilagay ko ang mukha ko sa mga kamay ko. Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Ice.
Nang mag-hiwalay kami ay inilagay namin sa pouch ang heirloom na nasa ilalim ng timer. Saktong kapapasok ko lang non sa loob ng suit ko ng biglang bumukas ang pinto.
Nagkatinginan kami ni Ice. Ngumiti siya sakin at nakangiting tumayo kaming dalawa. Hinarap namin ang mga lalake na nakatingin samin ngayon at may hawak na mga baril. Tumingin sa akin si Ice at ngumiti. "Ready?"
Hindi namin pinansin ang mga lalaki na palapit na samin ngayon. Ngumiti ako kay Ice..then I planted a soft kiss on his cheeks.
Humarap na kami sa kanila. Binilang namin lahat.
"Hating kapatid."
"Deal."