Chapter 8

1024 Words
CHAPTER 8 Nakapalumbaba na nakatingin ako kaila Ice at daddy habang nag-uusap sila ng seryoso sa isang tabi ng dining hall. Kung titignan parang seryoso at importante ang pinag-uusapan nila.   Pero syempre hindi   "Pwede, pwede. Great idea Ice, sasabihin ko muna kay bree kung papayag siya."   "Thank you tito, kapakanan lang ng bawat mamamayan dito ang hangad ko."   I snorted. Nakatingin lang ako sa kanila. Pareho kami ni kuya warren na nasa tabi ko na parang gusto ng ibitin patiwarik ang dalawa.   Nagkakatinginan kami pagkatapos ay ibabalik namin ang tingin don sa dalawa na nag-uusap parin. Katatapos lang namin kumain kanina ng biglang dumating si daddy...tapos ayan. Nag chikahan na sila.   "Okay. Kakausapin ko si bree about sa busina para sa mga agents para hindi sila magkabangaan sa hallway. Baka pwede din nating palagyan ng side mirror ang bawat agents."   See? Muka bang matino ang usapan nila?   Napapalatak ako at tumayo na. Lumapit ako kaila daddy. Magkadikit silang nakaupo at parang big secret ang pinag-uusapan nil, na parang hindi namin nariring eh ang lakas ng boses nila.   "Aray baby!"   Piningot ko siya hanggang mapatayo siya. Inilipat ko siya sa medyo malayo kay daddy at pinaupo ko siya ulit. Umupo ako sa gitna nila at tumikhim ako.   Nakatingin naman sila sakin na parang iniintay kung ano yung sasabihin ko. Hindi muna ako nagsalita at kumilos. Gumalaw lang ako ng biglang nagbeep yung phone ko.   Binasa ko yung message at napangisi ako ng makita ko ang laman non. Galing kay mommy ang message. Tinext ko kasi siya kanina at sinabi ko sa kaniya ang pinag-uusapan nitong dalawa.   Inilagay ko yon sa gitna namin para makita nilang dalawa.   FR: Mommy   Tell your daddy NO. Kapag nagpumilit siya alam na niya ang mangyayari. Sinong matinong tao ang maglalagay ng busina sa mga agents? oh, right! hindi pala matino yang daddy mo..anyway since hindi naman sila matino kaya pagpasensiyahan na natin.   NO.   #extremelypissed   Napangisi ako ng biglang namutla si daddy. Si Ice naman sa tabi ko ay napapout. Wala na siyang magagawa kundi lagot din siya kay mommy.   "Lagot ka daddy."   Sumimangot siya at nagpout din. Pareho silang nakapout ni Ice at nakatingin sakin. Parang gusto kong pagbuhulin ang mga nguso nila.   "Sinumbong mo kami no?"nanunumbat na sabi ni daddy.   "Hindi ako. Si kuya."   Nag peace sign ako kay kuya na napailing na lang. Tumayo siya at nilapitan si ate sophie na karga parin si baby dawn. Lumapit sakin si ate ay inabot sakin si dawniella bago siya bumalik kay kuya. Hindi pa sila kumakain eh.   Titig na titig sakin si dawn. As usual hindi na naman siya nakangiti.   Nilingon ko si Ice ng bigla niyang sinundot ang tagiliran ni dawn. nulit-ulit niya hanggang sa dahan-dahan na lumingon sa kaniya si dawn.   Nakita kong napalunok si Ice ng hindi siya nilubayan ng tingin ni dawniella.   "Ang taray talaga ng batang yan."   "Astig nga eh."   Binuhat ko si dawn at inabot ko kay daddy. Sumama naman si dawn at dinikit niya ang muka niya sa balikat ni daddy pero nakasimangot parin siya.   Hindi ata nahaluaan si dawn ng kabaliwan ni daddy at ni ate sophie. Mukang magiging super seryoso siya sa buhay someday.   "Wala ba akong mission daddy? Bored na ako eh."   "Alam ko may bagong dating. Merong nakaschedule para mamayang twelve o'clock."   Napangiti ako. Kinurot ko ng magaan si dawniella na hindi naman umiyak at naglakad na ako paalis. Titignan ko yung mission sa office ni kuya.   Napalingon ako ng biglang may umakbay sakin...si Ice. Hinayaan ko na lang siya kesa mangulit pa. Tahimik na naglakad kami papunta sa office.   "Sama ko."   "No."   "Please?"   "No."   "Sige na puhleaaase?"   Tinitignan ko siya at napabuntong hininga na alng ako ng makita ko ang itsura niya. Para siyang batang kikinsot..kulang na lang kumandong siya sakin. Pinitik ko ang ilong niya at pumasok na ako sa office ni kuya. Madali ko namang nahanap ang pakay ko.   Binasa ko ang files at hindi ko siya pinansin.   Kailangan naming pumasok sa isang train. Kailangan naming pumunta sa part ng train kung saan nandon ang mga gamit. May isa don ang kailangan naming kunin. A set of heirloom jewelries.   Obviously ninakaw yon sa pamilya ng client namin na si Mr. Hall. Pinanakaw yon ng step brother niya na si Cole. Dadalin iyon sa kaniya sa bicol.   Built lang ng katawan at kulay ng buhok ang alam namin na itsura ng nautusan ni cole na nakawin ang heirloom.   It should be easy.   Kailangan lang naming kunin yung heirloom at meron namang picture na ibinigay samin para makita namin. Nakangiting kinuha ko na yung file.   Tatayo na sana ako ng muntik akong tumalsik ng may tumama sa akin.   Kanina pa pala siya nasa tabi ko at nakatingin sa binabasa ko. Nang makita niyang nakatingin na ako sa kaniya at nag beautiful eyes siya sabay puppy dog eyes.   "Stop. Fine sumama ka kung gusto mo."   "Talaga?"   "Ayaw mo, sige-"   "Yey!"   Niyakap niya ako at hinila niya na ako paalis. Magkayakap na lumabas kami at pilit na kumakawala ako dahil baka bigla akong bumangga kung saan.   Pero ayaw niya akong pakawalan.   "Let go Ice magbibihis pa ako."   "I'm never gonna let you go..I'm gonna hold you in my arms foreveeeeer! Gonna try and make up for the times i hurt you so..Gonna hold your body close to mine from this day on we're gonna be together, Oh, I swear this time. I'm never gonna let you gooooo!"   Napailing na lang ako.   Pinagtitinginan na kami ng mga agents na napapadaan habang naglalakad kami na magkadikit papunta sa room namin. Nakasalubong pa namin si Autumn at Wynd na nagtatakang nakatingin samin.   "Bagong uso ba yan? tayo nga din sweetie." excited na sabi ni Wynd.   "Sige, dali!"   Nagyakapan din sila ni Autumn at magkadikit na naglakad sila paalis. Ganon din ang nangyari ng makasalubong namin si Ate Hurricane.   Nang makapasok na kami sa kwarto ay kinuha ko ang Chameleon Black Suit na nakatago sa cabinet ko. Pumasok ako sa bathroom at nag shower bago ko sinuot yon.   Itinirintas ko din yung buhok ko para hindi hassle. Lumabas na ako.   Napatili ako ng makita ko si Ice na naka underwear lang. Wala sa sariling binato ko siya ng towel at tinakpan ko ang mga mata ko.   "Ano ba ice?!"   "What?"   "Magbihis ka nga!"   "Okay, okay. Its not like hindi mo pa nakita-"   Tumili ulit ako at sasapakin ko na sana siya ang kaso pagharap ko hindi parin siya nagbibihis. Napatingin ako sa ibabang bahagi niya at napatili ako ulit.   Tumawa lang siya at naririnig kong nagbibihis na siya. Nakapikit na umupo lang ako sa gilid ng kama para hindi ko makita ang nakakaakit-..i mean nakakarimarim na katawan niya! tama!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD