"Bakit ka dumating dito, Alam ba ito ni Maestro Morgan?" May mapanghamak na sambit ni Tim Negarra sa kadadating palang na binata. Ang binatang ito ay walang iba kundi si Brenn Luciano na itinuring na mortal na kaaway ni Tim Negarra. (Si Maestro Morgan ay isa sa ginagalang na guro ng Storm Wind Sect, Siya ay isa sa mga naatasang magpangalaga sa mga Chosen). "Nagpaalam ako kay Maestro, ang pagkuha ng Succession ng Black Water Trench ay lubhang napakahalaga kung kaya't ipinadala nila ako dito."direktang sabi ni Brenn Luciano sa binatang si Tim Negarra. "Nila? At sinong nagsabing kailangan ko ng pabigat at walang silbing katulad mo? Hmmp!" Malakas na sabi ni Tim Negarra kay Brenn Luciano bakas ang matinding inis dito. Hindi niya alam na hindi sigurado ang ibang Opisyales sa kanysng kakayah

