"Tingnan niyo yun oh, Si Brenn Luciano!" Sabi ng isang medyo may katabaan na lalaking Martial Dominator Expert ng may pagkamangha. Maraming sari-saring bulungan ang kanilang nagawa ngunit hindi nila direktang ipinagsigawan lalo pa't nandito si Tim Negarra. Namangha ang lahat lalo pa't si Brenn Luciano ay isa rin sa mga malalakas na estudyante ng Storm Wind Sect. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay mortal na kaaway ang turing ni Tim Negarra kay Brenn Luciano lalo pa't ito ang malaking banta sa kanyang posisyon na maging isa sa mga pinili o mas kilala bilang Chosen. Noong kabataan pa nila o mas angkop na sabihin na musmos pa lamang sila ay magkasundong magkasundo sila. Araw araw ay magkasama sila na wari'y ng kanilang mga magulang at ng malalapit sa kanila ay magkakambal na sanga sila

