Sa loob ng isang buwan ay maraming nagbago sa mga alipin noon pero ngayon ay hindi mo aakalaing napagdaanan nila ito lalo pa't ngayon ay ibang iba na sila lalo pa't madami na silang nalaman at natutunan dahil na rin sa tulong ni Van Grego sa kanila (nagbabalat-kayo pa rin siya), lahat ng kanilang pangangailangan ay natutugunan lahat ito ni Van Grego. Hindi niya tinitipid sa Cultivation Resources ang mga Cultivator bagkus ay tinulungan niya pa ang lahat ng mga epektibong pamamaraan ng pagcultivate kagaya na lamang ng State of Calm na siyang isang Basic Ancient Technique na mabilis na nagpapakalma sa kahit na sinong mga Cultivator lalo pa't hindi lamang napapabilis ang pagtaas ng lakas ng Martial Artist kundi ay napapadali ang pagsasayos ng mga magulong enerhiya sa katawan at maiiwasan ang

