Mahigit isang buwan na ang lumipas kung kaya't agad siyang pumunta sa imprastrakturang kanyang ipinatayo niya. Inaasahan niyang natapos ng tuluyan. Hindi na humingi na pera noon si Ginoong Vic dahil ilang milyon pa ang sobra sa perang iniwan ni Mr. Van sa kanya. Lilipat na ngayon sila ng tirahan ng kanyang asawa hindi kaluyuan mula rito. Nakabili siya ng di gaanong malawak na lote pero sapat na para sa kanyang pamilya. Pinagawan na rin siya ng libreng pagpapatayo ng mansyon. Nakakagulat man pero yun ang gustong ipatayo ni Mr. Van. Maluha-luha pa siya noon lalo pa't Sobrang laki na ng utang na loob niya at masasabi nitang napakaswerte niya't siya ang pinagkatiwalaan ni Mr. Van. Sisikapin niya ring makatulong pa lalo kay Mr. Van sa hinahaharap. Nakalipat na sila noong nakaraang araw pa

