Mabuti na lamang at agad silang nakapagtago ni Van Grego isang matibay na bato. Sa tulong na din ng Whale's Shield of Water ni Nexus ay nakaiwas sila sa naglalakihan at matutulis na mga tinik ng Martial Doom Fish Beast. Hindi maiiwasan ang mapoot sa kalapastangan ng Martial Doom Fish ang lahat ng mga nabitag sa labanang ito. Halatang planado ang laban na ito. At sila ang magiging pawns ng dalawang naglalakihan at naglalalakasang Martial Monarch Beasts na ito. Lahat ng mga ito ay posible at legal. Ginagawa nila itong aktong ito na kunwari ay labanan para may masila at makain sila na mga mahihinang Martial Beast. Papahirapan nila ito ng husto Ito ang isa sa mga ugali na sinusunod sa batas ng kagubatan. Walang pwedeng makahadlang kung ikaw ay mahina lamang. Isang napakasakit na katotohana

