Volume 1 Chapter 37 Umatras ng napakabilis sila ni Nexus Gallo at Van Grego upang makaiwas sa maaaring maging pinsala kapag nasa malapit sila sa nagbabadyang labanan sa pagitan ng dalawang malalakas na Martial Fish Beast sa lugar na ito ng South Teritory. Kahit na isa ring Martial Beast si Nexus Gallo ay dapat na wag na siyang makialam sa labanan ng dalawang malalakas na Martial Fish Beasts na ito lalo pa't isa na siyang ganap na Cultivator na itinuturing ng hiwalay sa kahit na sinuman sa lahi ng Martial Beasts. Ganap na siyang Cultivator ngayon kung Kaya't ang pagiging isang miyembro ng Martial Beasts ng karagatang ito maging ang aktibidad o kaganapan dito ay hindi na sakop ng kanyang tungkulin. Naputol na ang kanyang tungkulin sa kanilang lahi na mangalaga sa karagatan. Isang masakit

